PROLOGUE

278 14 3
                                    

"Ma aalis na po ako ah, mag iingat po kayo dito." Paalam ko kay Mama

Ngayon kasi ang first day ng pasok ko sa school, Hendrix Academy, hindi ko alam pero excited na excited akong makapasok sa school nayun.

Maraming beses ko ng nababasa sa mga articles ang tungkol na Academy na yan.

Hindi ko alam kung anong meron dun bukod sa sobrang malaking gate, at sabi nga dun sa nabasa ko, mostly mga mayayaman daw ang mga nag aaral dun. Actually, diko pa nakikita ang school na yun sa personal, sa dyaryo lang. Pero kahit sa dyaryo ko palang yun nakikita alam ko na agad na maganda ang loob dun kasi gate palang ang bongga na.

Scholar ako sa Academy na yun kaya ako dun mag aaral, hindi ko alam kung ano ang mangyayari sakin dun pero sana naman mababait ang mga students dun.

"Ano ka ba naman anak, ikaw nga dapat ang mag ingat kasi magba byahe ka pa papuntang school mo." Sabi ni Mama habang nag pa plantsa ng mga damit

"Nako Ma, wag mo na kong aalalahanin, o siya. Aalis na po ako Ma, ingat." Paalam ko saka sinuot na ang sapatos ko na galing pang ukay ukay, okay lang naman sakin ang mag suot ng ganito, nasanay narin ako.

Paglabas ko ng bahay saktong may paparating na dyip kaya pinara ko na at sumakay.

8:00 am start ng klase pero 7am palang ay nagba byahe nako, mahirap na baka mahuli pako sa klase, first day ko pa naman ngayon. Tsaka hahanapin ko pa yung room ko noh..

Saktong 7:30am nakarating nako sa Hendrix Academy.

"Woah, ang ganda ng gate, anlaki pa." Manghang sabi ko habang nakaharap sa malaking gate ng Academy

"I'd ma'am."sabi ng guard

"Wa-wala pa po akong id, first day ko palang po."sabi ko sa guard

Tumango tango naman yung guard saka tinignan yung notebook niya.

"Ano pong name nila?."tanong ng Guard

"Anya Castro po." Magalang na sagot ko

"Anya Castro....."rinig kong bulong ng Guard habang nakatingin sa notebook na para bang may hinahanap

"Scholar ka ba dito?."tanong ng Guard

"Yes po, opo."sagot ko

"Okay, tama, pumunta muna ka sa Principal's Office para malaman mo kung saang room ka."sabi ng Guard saka pinapasok na ko

"Salamat po, nga pala, san po dito ang Principal's Office?." Nahihiyang tanong ko

"Straight mo lang tong hallway tas kumaliwa ka, may hagdanan dun sa pinakadulo akyat ka dun then hanapin mo yung Principal's Office nakalagay na yun sa labas ng pintuan kaya makikita mo yun agad." Sabi ng guard

Nagpasalamat ako sa kanya saka naglakad na sa hallway.

"Straight sa hallway, tas kaliwa, tas akyat s hagdan then hanapin ang Principal' s Office."ulit ko baka makalimutan pa ei

Habang naglalakad ako sa hallway, panay naman tingin ko sa paligid, napapalibutan ng malalaking building ang hallway, i think hanggang 5th floor ata to.

"Wow sobrang laki talaga, may elevator kaya dito? Char lang. Siguro kung aakyat ako patungong 5th floor buhay pa naman siguro ako noh." Bulong ko sa sarili

Napailing nalang ako sa mga naisip at nag focus nalang sa paglalakad...

***********

"Finally nakita narin kita." Bulong habang nakaharap sa pintuan ng classroom ko

Tinignan ko yung relo ko "Hala anak ng...... 8:16am na? Wa da pak, pak na pak! Late nako, bat kasi ang tagal hanapin ng room na ito." Bulong ko saka akmang pipihitin ko yung door knob ng bigla itong bumukas at may lumabas na lalaki, at dinaanan lang ako.

"Ano pang tinatayo tayo mo dyan? Pasok ka."sabi nung isang babae, i think siya ang prof namin kasi obvious naman nakatayo siya sa harap ng board, pero infainess ang ganda niya ah siguro na mga 27 or 28 palang siya.

Nakayuko akong naglakad papasok ng classroom saka tumayo sa tabi ng prof namin

"You might be Anya Castro?."tanong ni Prof

"Opo."magalang na sagot ko

"Okay class, this is Anya Castro your new classmate, sana pakitunguhan nyo siya ng maayos okay?."

Sabay sabay naman na sumagot ng Okay yung mga classmates ko.

"Okay, you may now take your seat."sabi ni Prof at naglakad nako, patungo sa pinakadulo na part kasi dun nalang yung may bakanteng upuan.

Hoh! This is it! Pancit!
Sana magiging maayos ang unang araw ko dito.

HENDRIX ACADEMY : Loving Mr.Sungit [COMPLETED]Where stories live. Discover now