CHAPTER 29: KIDNAP

41 3 0
                                    

Nang matapos ang klase ay nagpaalam na mauuna ng umuwi sina Lexi at Mace.

"Hoy kau ha, may date pa kayo noh? Kaya kay Kerron ka sasabay ng uwi?."nakangising saad ni Lexi

"Wala noh, ayaw ko nga sanang pumayag eh kaso pumayag ka na eh."sagot ko

"Alangan naman noh, chance niyo na yun e bat ko pa pipigilan."sagot naman niya

"Akala ko nga ayaw mong pumayag na siya ang maghahatid sa akin e."sabi ko saka inilagay sa bag ko qng mga gamit saka tumayo na.
Napatingin ako kay Kerron na nakayupyop sa upuan niya, mukhang natutulog to kanina habang nagdidiscuss si Ma'am, lakas talaga ng tama ng lalaking toh.

"Oh aalis ka na?. Di mo gigisingin man lang si Kerron?"tanong ni Lexi

Nagdadalawang isip tuloy ako kung gigisingin ko ba si Kerron o hindi, baka magalit pa pag ginising ko ei kagaya nung dati.

"Ikaw nalang ang gumising sa kaniya."saad ko kay Lexi, at napataas naman ang kilay niya.

"Really Anya? Okay fine ako na, nahiya ka pa ah."saka niyugyog niya ng konti ang balikat ni Kerron habang tinatawag ang pangalan nito.

"Hmm."Kerron hummed matapos ang paulit ulit na yugyog ni Lexi sa kaniya

"Anong hmm ka dyan, gising na iuwi mo ang kaibigan ko."sabi agad sa kaniya ni Lexi

Agad na napaayos ng upo si Kerron saka tumingin sa akin.

"Uuwi ka na ba?."tanong niya

"Ay malamang, alangan dito pa ako noh."sagot ko

Tumingin siya sa wrist watch niya saka mabilis na napatayo.

"Ahm may kukunin lang ako dun sa tambayan namin, sasama ka ba sa akin?."aniya

"Hindi na, ikaw nalang."sagot ko

"Okay hintayin mo nalang ako sa parking lot."saad niya

"Okay."maikling sagot ko saka sumabay na kay Lexi na magpuntang parking lot.

"Akala ko sasama ka kay Kerron dun sa tambayan nila."nakangising sabi ni Lexi

"Hoy langya baka kung ano pang iniisip mo dyan ah."saway ko

"Ano? Wala ah, baka lang naman gusto niyong magdate dalawa dun diba, you now."sabi niya saka nagtaas baba pa ang kilay niya, langya ka Lexi ang sama ng iniisip mong babae ka.

Kinurot ko ang tagiliran niya,. "Umayos ka nga Lexi, ikaw talagang babae ka."

"Maayos naman ako ah."

"Ewan ko sayo, umuwi ka na nga."pagtataboy ko, andito na kasi kami sa parking lot, sa tapat ng kotse ni Lexi.

"Osiya sige na nga, bye bye, magpakasaya ka sa date nyong dalawa ah dapat bukas may good news ka na sa min ni Mace."pahirit niya pa saka sumakay sa kotse niya

Inirapan ko siya pero tinawanan niya lang ako saka kumaway na at humarurot palayo. Ako naman ay naglakad na patungo sa pinag parkingan ng kotse ni Kerron.

Nang makarating ako ay dun na ako naghintay at habang wala pa si Kerron ay nagse selpon muna ako para naman hindi ako mabored sa kakahintay sa kaniya noh.

Habang nanonood ako ng video sa phone ko ay ramdam ko namang parang may nakatayo sa likuran ko. Akmang haharap na sana ako para tignan kung si Kerron na ba pero nagulat nalang ako ng may tumakip ng panyo sa bibig ko.

Todo sigaw pa ako at pagpupumiglas hanggang sa unti unting nanghihina ang katawan ko and then everything went black...........

Kerrons's POV

HENDRIX ACADEMY : Loving Mr.Sungit [COMPLETED]Where stories live. Discover now