CHAPTER 34: POSTPONE

27 1 0
                                    

Kinabukasan, tinanghali ako ng gising namalayan ko nalang na may yumuyugyog sa balikat ko.

"Woy Anya gumising ka na dyan, iniwan na tayo ni Axel oh."

Napabalikwas ako ng bangon ng marinig ko ang sinabi ni Lexi.

"Ano?! Langya di man lang ako ginising."mabilis akong tumakbo patungo sa banyo at naligo.

Bat kasi hindi ako ginising ni Axel eh sarap pa naman ng tulog ko muntik ko tuloy makalimutan ang gagawing propose ni Axel. Char propose daw.

Putek anong oras na ba asan na kaya sila sana di pa tapos gusto ko makita kung paano manligaw ang lalaking yun.

After ng ilang minutes ay natapos na akong maligo, di na ako nagtaggal kasi late na nga ako eh iniwan na ako hays.

Nagsuot lang ako ng casual na damit kasi ganun din naman ang suot ni Lexi eh, saka sandals, then konting make up maganda naman na ako eh.

"Tara na tara na."mabilis na sabi ko kay Lexi saka nauna ng lumabas ng kwarto.   "Anong oras na ba?."tanong ko

"9am palang."

"9am?! Asan ba sila Axel? Alam mo ba?."

"Nasa isang hotel sila, sinend na sakin ni Axel ang address kaya wag ka ng magtanong pa kasi baka mas lalo pa tayong malate eh tara na "

Habang nasa byahe kami di ko mapigilang di magtanong, gusto ko sanang tawagan si Axel kaso lang baka busy kaya wag nalang.

"Ang Heartthrobs andun na ba?."tanong ko

"Yep kanina pa, kanina pa nga text ng text sa akin si Grey, tanong ng tanong kong san na ba tayo malapit na daw magsimula."

Nakahinga ako ng maluwag sa sinabi niya hindi pa pala nagsisimula mabuti nalang.

Nang makarating kami sa venue ay dumiretso na agad kami sa table namin kung saan andun ang Heartthrobs.

"Tagal niyo naman."salubong na tanong agad ni Mace.

"Tagal gisingin nitong si Anya eh, tulog mantika."sagot naman ni Lexi kaya napasimangot nalang ako.

"Sana pala si Kerron nalang yung pinapunta natin sa kanila para gisingin siya im sure wala pang 1second gising na yan."natatawang sabi ni Kyro saka siniko si Kerron na nakatayo lang sa tabi niya.

"Bat kasi ngayon mo palang yan naisip, iba rin yang utak mo noh."saway sa kaniya Kerron saka lumapit sa akin.

"Hi you look------."tinignan niya ako mula ulo hanggang paa.  "So Pretty."

Inirapan ko lang siya,. "Sa wakas napansin mo rin parang kahapon lang iniiwasan mo ako."

Inakbayan niya ako.  "Actually matagal na akong nagagandahan sayu kaso lang di ko sinabi kasi im sure di ka naman maniniwala kasi tingin mo sakin isang poging masungit."

"At sinong may sabing pogi ka?."biro ko

Tumaas ang kilay niya. "Bakit hindi ba? Panay habol mo nga sakin dati eh."

"Hoy correction, hinahabol lang kita dati kasi importante sa akin yung project na yun at ikaw naman sobrang oa aayaw ayaw pa papayag din naman sa huli."

"Syempre naawa na ako sayo eh."

"Mabuti at may awa pa palang natitira sayo."

"Hoy------

"Hoy kayong dalawa tumigil na nga kayo dyan, magsisimula na eh umupo na kayo."saway sa amin ni Cloud.

Magkatabi kaming umupo ni Kerron habang nakikinig sa nagsasalitang si Axel sa stage.

HENDRIX ACADEMY : Loving Mr.Sungit [COMPLETED]Where stories live. Discover now