CHAPTER 7: MALL

59 4 0
                                    

So this is it. Finally, sabado narin. Makakapagpahinga narin ako sa wakas. Sa dami ng nangyare sakin this week nakalimutan ko ng magpahinga mabuti nalang may sabado at linggo. Kung wala to baka mamatay na ako. Char.

"Ma! Ma ready ka na ba? Aalis na tayo?."tawag ko kay Mama habang pababa ng hagdan

Pupunta kasi kami sa dentista ngayon kasi ipapabunut ni Mama yung ngipin niya kasi palagi nalang sumasakit sabi niya.

"Oo kaya bilisan mo na kasi may lakad ka pa ngayon diba? Sabi ko naman sayu na hindi na ako kailangan pang samahan ei kasi kaya ko naman to mag isa."

Ayan na naman siya. Sinabi ko kasi kay Mama kahapon na may lakad kami nina Lexi at Mace ngayon tas pumayag siya tas ngayon sinabi niyang masakit ngipin niya at gusto na niya itong ipabunut at nagsuggest naman akong samahan siya.

"Ma, mamaya pa naman yun noh tsaka mas importante ka ei kaya wag ka ng umangal diyan at umalis na tayo baka mamaya niyan madami ng pasyente dun at matagalan pa tayo."sabi ko kay Mama

"Osiya. Tara na nga."

Nang makasakay na kami sa taxi napatingin ako sa relo ko. 8:37am pa pala. Medj maaga pa namn.

Napaigtad ako ng biglang tumunog ang cp ko.
Nag message pala sakin si Mace.

'Sasama ka Anya?." Basa ko sa text niya

Nireplyan ko agad sya.

"Oo, pero pupunta muna kami ni Mama sa dentista kasi magpapabunut siya ng ngipin."

Wala pang ilang minuto at nagreply agad si Mace

"Sge text mo lang ako kung kailan ka na pwede. Nga pala. May regalo ako para sayo. Ibibigay ko sayo mamaya, im sure magugustuhan mo yun."

Nagtataka naman ako habang binabasa ang reply niya.

Ano kayang regalo yun? Kahit anong regalo naman ay magugustuhan ko ei lalo na pag sa kanila galing.

Di nako nagreply dahil 1 bar nalang ang cp ko kailangan ko pang icharge to mamaya. Mabilis talagang malowbat tong cp ko, medjo matagal na kasi to sakin. Kay Mama tong cp na to pero sabi niya sakin nalang daw baka magamit ko.

Nang makarating na kami ay agad na pumila si Mama, madami dami nadin ang mga taong naghihintay dun. Im sure matatagalan kami dito.

Tinignan ko ulit yung relo ko. 9:01am.

"Okay maaga pa naman."bulong ko.

Nakaupo lang ako sa upuan sa gilid habang naghihitay.

10:00am.

Nasa ika anim pa na linya si Mama.

Sige konting hintay pa.

Di ko napansing lumapit pala sakin si Mama.

"Anak umalis ka nalang kaya kasi kung hihintayin mo pa ako dito aabutan tayo dito ng alas dose."sabi ni Mama

"Pero pano ka?. Hihintayin nalang kita."sabi ko

"Ayos lang ako, para namang hindi ko kayang umuwi mag isa."sagot ni Mama

Mabuti nakang at nagpadala si Ate ng pera kaya may pampabunot si Mama ng ngipin niya.

"Sigurado ka Ma ah?."

"Oo. Oh heto, pambili mo ng gusto mo."sabi niya saka inabutan ako ng isang libo

HENDRIX ACADEMY : Loving Mr.Sungit [COMPLETED]Where stories live. Discover now