CHAPTER 11: KYRO

61 5 0
                                    

Madali lang namang linisin ang room ni Mace kasi tinulungan din naman niya ako, inaamin kong makalat nga ang room niya sabi pa niya "Sorry wala na kasi akong oras na mag linis ng room kasi pag uwi ko dito diretso hilata na ako."

Hays nagtataka nga ako nung una kung bat wala silang katulong sa bahay pero sabi niya pinaleave daw nung Mom niya yung mga katulong nila para daw matuto silang dalawa ni Cloud na mag linis at magluto.

Iba talaga ang Mom niya no wondee na hindi close si Mace sa Mom niya, sabi niya sakin na mas close daw silang dalawa ni Cloud sa Dad nila yun nga lang, palagi itong wala sa kanila.

"Gutom ka na ba Anya? Gusto mong ipagluto kita?."tanong dakin ni Mace, tumingin ako sa relo ko, saktong alas dose na pala, di ko namalayan ang oras.

"Ikaw gutom ka na ba? Sabay nalang tayo nakakahiya naman sayo."sabi ko sa kanya

"Osige tara dun sa kusina."aya niya saka lumingkis na naman sa braso ko, ang hilig hilig niya talagang lumingkis sa braso.

Pagkapasok namin sa kusina naabutan namin dun si Cloud na nagluluto.

"Ano yang niluto mo Kuya? Ang bango ah.."tanong ni Mace. Mabango parang amoy.....

"Adobo, ako nalang ang nagluto mukhang busy kayo kanina ei."sagot ni Cloud habang nakatalikod samin busy kasi siya sa niluluto niya.

"Sabi na ei, Amoy palang alam na."sbi ni Mace saka kumuha na siya ng mga plato saka kutsara at tinidor saka nilapag sa mesa, ako naman ay nakaupo lang sorry naman.

Tahimik na nilapag ni Cloud ang isang bowl na may lamang adobo sa gitna ng mesa saka nagtanggal ng apron, saka akmang lalabas na ng kusina.

"Hindi ka ba sasabay samin?."tanong ko kay Cloud kaya napahinto siya

Lumingon siya sakin. "Mauna na kayo hihintayin ko pa ang kaibigan ko, pupunta daw sila dito."sagot niya saka tuluyan ng lumabas

Gulat ako sa narinig kong sinabi niya saka tumingin kay Mace na nakangiti.

"Mace, ang mga kaibigan bang tinutukoy niya ay yung--------

Sunod sunod na tumango si Mace,. "Oo yung Heartthrobs nga."

Watda! Kailangan ko ng umalis dito baka makita pa ako ni Kerron.

"Mace kailangan ko ng umalis."sabi ko kay Mace sabay tayo

"Hoy wag naman, bat aalis ka na agad?."nagtatakang tanong niya

"Baka kung anong isipin nila kapag nakita nila ako dito lalo na si Kerron."

"E? Ano naman? Tsaka dito kalang muna para naman may kasama ako tiyak na mabi busy si Kuya."

Napabuntong hininga nalang ako saka umupo ulit saka sumubo ng kanin.

"Palagi ba silang pumupunta dito?."tanong ko sa kanya

"Kapag walang pasok lang, minsan sa bahay nila Tyke or Grey sila tumatambay minsan din dito."sagot niya

"Ah okay, siguro excited na excited ka kapag pumupunta sila dito noh? Makikita mo si Tyke."biro ko sa kaniya, bigla naman siyang namula saka nag iwas ng tingin.

"Hi-hindi noh, ano lang.... Sa kwarto lang nman ako kaoag andito sila, nahihiya akong lumabas ei tsaka ano namang gagawin ko dun im sure ma out of place lang ako."sagot niya

Napatango tango nalang ako saka pinagpatuloy na ang pagkain. Nang matapos na kami ay pinagtulungan naming ligpitin ang pinagkainan namin saka kanya kanya narin kami ng hugas ng mga pinagkainan namin.

Nang matapos na kami ay lumingkis na naman siya sa braso ko at akmang lalabas na kami sa kusina ng biglang pumasok si Cloud.

"O tapos na kayo?."tanong niya samin

HENDRIX ACADEMY : Loving Mr.Sungit [COMPLETED]Where stories live. Discover now