CHAPTER 22: PROM PREPARATION (2)

48 5 0
                                    

Andito na kami ngayon sa isang restaurant, kumakain ng hapunan. Uuwi na sana kami galing mall pero biglang tumunog ang tyan ni Lexi kaya dumaan nalang muna kami sa restaurant.

"Ano Anya, okay na ba yung dress mo?."tanong ni Mace sakin.

Yung sakin it's a plain black tube dress, pero kita naman yung right legs mo. Grabe ang style non parang ayaw ko na tuloy suotin feeling ko mapapahiya lang ako pag sinuot yun. Baka hindi sakin bagay.

"Okay nalang."sagot ko

"Ang ganda nung dress na napili mo ah, hindi na ako makapaghintay na makita kang suot yun."nakangising sabi ni Mace

"True, dapat sa Friday morning pumunta kayo sa bahay ah, ako na ang mag me make up at mag aayos ng mga buhok ninyo."saad ni Lexi

"Weh? Marunong ka ba magmake up?."tanong ni Mace

"Hindi mo pa talaga akong kilala Mace, pero nung high school palang ako sumasali ako sa mga make up contest.."pagmamalaki niya

Namangha ako sa narinig, hindi ko alam na may ganung talent pala siya, hindi naman kasi halata dahil hindi naman siya nagme make up sa mukha niya.

"Edi ikaw na, at san mo naman yan natutunan?."tanong ni Mace

"Sa video lang, sa YouTube."

"Edi ikaw na talaga, sige ikaw na bahala sa amin siguraduhin mong maiinlove sakin si Tyke ah."

"Oo naman, ako ng bahala sa inyo. Dapat maganda tayo noh malay natin baka isa sa atin tatanghaling Prom Queen of the Night diba, hindi natin hahayaang manalo ang Veron na yun noh."saad ni Lexi

"Onga, matatalo din natin yung Veron na yun, grabe mangarap ang babaeng yun ei, hindi pa nga nagsisimula ei."sabi ni Mace

Nakinig lang ako sa kanilang dalawa, nagfocus lang ako sa pagkain, gutom na gutom na ako ei kanina pa,hindi kasi ako nag lunch dahil ang agang dumating nina Lexi at Mace sa bahay..

Nang matapos na kaming kumain ay hinatid na nila ako sa bahay.

"Salamat sa paghatid at dito ha."inangat ko ang bitbit kong paper bag.

"Wala yun."sagot ni Lexi

Kumaway na ako sa kanila at umalis na sila kaya pumasok na ako sa bahay.
Naabutan kong nagku kwentuhan sina Tita at Mama habang si Axel naman ay busy sa phone niya pero lumapit parin ako sa kaniya.

"Axel."tawag ko

Nag angat naman siya ng tingin sakin. "Oh andito ka na pala? Nakabili ka ba ng damit?."tanong niya

Nahihiyang tumango naman ako.

"Patingin nga."

"Ayoko."niyakap ko yung paper bag na naglalaman ng damit ko, ayaw kong makita ni Axel baka napapangitan siya ei.

"Bat naman? Akin na patingin."pamimilit niya

"Oh Anya andito ka na pala, teka asan na yung damit mo? Maganda ba?."isa patong si Mama daming tanong ei

"Opo, nakabili po ako kaso-------
Nabigla ako ng biglang hinablot ni Axel yung paper bag.

"Wait tignan ko nga kung maganda ba at bagay ba sayo."kinuha ni Axel sa paper bag yung dress ko

"Woah? Really Anya? Susuot ka ng ganito?."di makapaniwalang sambit ni Axel ng makita ang damit.

"Sabi na ei, ayaw mo ei."

"Wow Anya ang ganda niyan, im sure bagay yan sayo."nakangiting sabi ni Tita

Ay weh?

HENDRIX ACADEMY : Loving Mr.Sungit [COMPLETED]Where stories live. Discover now