CHAPTER 35: PLAN

19 2 0
                                    

Lexi's POV

"Ano tuloy na tuloy na talaga toh?."halos lahat na ata ng heartthrobs nagtatanong sakin tungkol sa plano ni Kerron mamaya.

"Oo tuloy na nga tigas ng kokote niyo eh naiirita na ako ah kita niyo naman naka handa na nga ang lahat oh."reklamo ko

"Nice! Gusto kong marinig ang ka cornihan ni Kerron mamaya."saad ni Kyro saka tumawa.

"Wag mo siyang tawanan mamaya baka di na niya ituloy."sabi ko

"What's up!!!."lahat kami ay napatingin sa kararating palang na si Kerron, tagal ng lalaking toh kanina pa kami nanghihintay dito.

"Aga natin ah."pangasar ni Kyro

"Sorry tagal kong nakatulog kagabi eh tas ang dami ko pang ginawa kanina tas ito bumili ako ng bracelet para kay Anya."sagot ni Kerron

"Kabahan ka na dude baka ayawan ka ni Anya mamaya."pananakot ni Cloud

"Di yan."mabilis niyang sagot

"Wow sure na sure na hindi aayawan ah baka mamaya magsisisi ka."saad ni Tyke

"Alam niyo guys kung iinisin niyo lang ako mabuti pang wag nalang kayong pumunta sa birthday ko, yung girls lang invited at si Grey kasi tahimik lang at kayong tatlo, Tyke, Cloud at Kyro wag na kayong pumunta di ko kayo kailangan."

"Ouch naman dude parang di tayo magkaibigan ah."reklamo agad ni Kyro

"Mabuti pa kong wag mo nalang e invite si Kyro kasi tatawanan ka niyan mamaya, gusto niya daw marinig ang ka cornihan mo."sabat ko naman kaya sinamaan ako ng tingin ni Kyro pero inirapan ko lang siya.

"Pupunta parin ako noh, for moral support."saad ni Kyro

"Moral support your face, wag kang maniwala dyan Kerron, tatawanan ka niyan mamaya."sabi naman ni Cloud

Yung plano kasi ni Kerron ay sa isang hotel din sana gagawin kaso lang na postpone kasi bad timing nagkasabay pa sa kay Axel kaya no choice kami kundi kanselahin yun at ngayon ay sa bahay na ni Kerron gagawin yung plano niyang proposal kay Anya.

"Ano bang ginagawa ni Anya ngayon? Sinigurado niyo ba na hindi niya alam na birthday ko ngayon?."tanong ni Kerron sa amin ni Mace.

"Sure na sure na wala siyang alam kasi nung pumunta kami dun nanonood lang siya ng cdrama."sagot ko

"Good mamayang 4oclock dahil niyo siya sa isang boutique papipiliin niyo siya ng damit tas pagkatapos dahil niyo naman siya sa salon wag muna kayong magsalita kong magtatanong siya pagtapos na ang lahat saka niyo pa sabihin sa kaniya wag kayong mag alala ako na ang magbabayad sa lahat."paalala ni Kerron sa amin.

"Yes boss kami ng bahala."sagot ni Mace with salute pa.

"And lastly---------

"May last pa kala yun na eh."saad ni Mace

"Lastly, wag na wag niyo siyang hahayaan na bumili ng maireregalo sa akin."dugtong niya

"Bat naman?."takang tanong ni Kyro.

"Yung sagot niya lang ang gusto kong iregalo niya sa akin."sagot ni Kerron.

"So pano kong hindi ka niya sasagutin? Iiyak ka ba?."pang asar ni Kyro

"Tanga! Ano ako bata, malamang pipilitin ko siya, mindset nga! Hindi siya makakauwi hanggat niya binigay sa akin ang Oo niya."

"Mindset Mindset ka pa dyan, gold ka ba para sagutin agad, di mo pa nga pinakitaan ng da moves mo eh."saad ni Cloud

"Tss pag sinagot na niya ako kahit araw araw ko pa siyang pakitaan ang mga da moves ko."saad ni Kerron

"Talaga lang ha."

HENDRIX ACADEMY : Loving Mr.Sungit [COMPLETED]Where stories live. Discover now