CHAPTER 38: LAST CHAPTER

26 1 0
                                    

Hanggang sa makauwi ako sa bahay laman parin ng utak ko kong anong nakaraan ni Ate at ni Cloud.

"Oh bat ganyan hitsura mo?."nadatnan kong nakaupo si Ate sa hagdan ng makapasok ako sa loob ng bahay.

"Andyan ka pala Ate, hinatid ka ni Cloud dito?."tanong ko

Umiwas siya ng tingin at hindi sumagot.

"Woy, teka nga. Mukhang may dapat kang ikwento sa akin ah, anong nakaraan niyo ni Cloud?."curious kong tanong.

Tumingin siya sa akin.  "Ikaw napaka tsimosa mo, magbihis ka na nga dun."aniya

"Tas kwento mo sakin after kong magbihis ah."

"Ewan ko sayo."tumayo siya saka umakyat ng hagdan kaya sumunod ako sa kaniya para pilitin siya.

"Ate ha? Kwento mo naman sakin, na cu curious lang ako eh sige na."pamimilit ko, sana pumayag gusto ko lang malaman eh.

"Bat ba gustong gusto mong malaman?."

"Wala lang."

"Okay fine sasabihin ko sayo mamaya after mong magbihis."sagot niya saka pumasok sa room niya, ako naman ay nakangising pumasok ng kwarto saka mabilis na nagbihis at pumasok sa room ng Ate ko.

"Bilis ah, nagmamadali yarn?."

"Excited nako, pano nga ba kayo nagkakilala?."

"Hays."humiga siya sa kama saka niyakap ang isang unan.  "So ganito kasi yun, Una kaming nagkita sa restaurant kong saan ako nagta trabaho, sabi ng mga kasamahan ko dun regular daw na customer si Cloud doon kaya dapat tratuhin ng maayos, baguhan palang kasi ako sa restaurant na yun kaya hindi ko alam na regular siya na customer doon, hanggang sa isang araw napag utusan ako na maghatid nung mga inorder ni Cloud sa table niya, mag isa lang siyang kumakain nun, pansin ko ring parang matamlay siya nun at mukhang broken hearted, ng malagay ko na yung mga inorder niya sa table niya akmang aalis na sana ako pero pinigilan niya ako. Nakiusap siya sa akin na kong pwede ay samahan ko siyang kumain, nung una nagtaka ako bat ako pa, umayaw ako nung una pero pinilit niya ako kaya pumayag ako."

"Yiiieeeeeee di ako makapaniwala."napatigil sa pagkwento si Ate ng sumigaw ako, langya kinilig ako e.

"Parang tanga, patapusin mo muna ako."reklamo niya.

"Okay okay."tumahimik na ako pero nanatiling nakangiti parin.

"So yun ang unang pagkikita namin, hanggang sa nasundan pa, halos araw araw ay dun siya kumakain sa restaurant na yun at palagi niya akong niyayaya na kumain kasabay siya syempre pumayag naman ako alam ko namang hindi ako makahindi kasi pipilitin niya ako lage. Habang patagal ng patagal ay lagi kaming nagkikita, nagkakasama, minsan niyayaya niya akong lumabas at mamasyal, until unti unting nahulog ang loob ko sa kaniya, syempre hindi ko napigilan ang sarili ko, sobrang bait niya at sweet, sobrang caring halos lahat ng gusto ko sa isang lalaki ay nasa kaniya na, pero yung nararamdaman ko ay nanatiling lihim, ayokong sabihin, ayokong malaman niya, ayokong mag iba ang trato niya sa akin until now, nanatiling siya parin kahit mas matanda pa ako sa kaniya."

Ulit napasigaw na naman ako sa kilig langya naman, ganda ng story nila.

"Pero wag mo tong sasabihin sa kaniya ah, ayokong malaman niya tsaka galit ako sa kaniya eh."aniya

"Bat naman?."

"Yung akala mo sayo lang siya mabait, sweet at caring kaso sa iba din pala, balak ko sanang surpresahin siya sa tinirahan niyang condo unit, sobrang excited pa ako nun at the same time ay kinakabahan kasi aamin nako sa nararamdaman ko sa kaniya pero mukhang ako yata ang na surprise sa nakita ko nung makapasok ako sa condo niya, nakita ko siyang may kayakap na babae tas hinalikan niya pa sa nuo na kailanman ay hindi niya ginawa sa akin sa tagal naming magkasama, hindi niya alam na pumasok ako sa condo niya, hindi ko mapigilang hindi umiyak habang walang ingay na lumabas ng condo niya, yun narin ang huling araw naming pagkikita, umalis narin ako sa restaurant na tinatrabahuan ko para hindi ko siya makita at dun na nagsimulang text siya ng text sa akin at sa sobrang galit ko sa kaniya nagpalit ako ng number."

HENDRIX ACADEMY : Loving Mr.Sungit [COMPLETED]Where stories live. Discover now