CHAPTER 30: PICTURE

36 3 0
                                    

Lexi's POV

Hindi ko na alam kung ano pa ang gagawin ko, namin. Wala kaming clue kung asan si Anya. Andito kami ngayon sa school para e check ang mga cctv, mabuti at may guard na naka duty dito ket gabi. Nung una nga nahirapan kaming makapasok pero dahil mapilit tong si Kerron at gusto pa yatang makipagsuntukan sa security guard para lang makapasok.

"Grey ikaw na ang bahala alam kong magaling ka sa mga ganyan ganyan e check mo yung time ng uwian natin, yung cctv sa parking lot."utos ni Kerron na sobrang seryoso ng mukha at halos hindi na mapakali.

Kompleto dito ngayon ang Heartthrobs tinulungan nila kami para mapadali ang pag hahanap kay Anya.

Sa totoo lang, sinisisi ko rin ang sarili ko sa nangyare, kung alam ko lang sana na mangyayare to edi sana hindi ko nalang iniwan mag isa si Anya dun sa parking lot at sinamahan ko nalang siya hanggang sa makabalik si Kerron.
Pero wala na ei, nangyare na.

"Guys tignan niyo."lahat kami ay tutok na tutok sa screen habang tinitignan ang nangyare. "Pagkaalis ni Lexi nun nasa tabi ng kotse mo dude si Anya hindi natin nakita ang ginagawa niya kasi nakatalikod siya sa atin, then may biglang huminto na isang puting Van------- ay putek what the fck!." Halos lahat kami ay napamura ng biglang maputol yung video.

"Sh*t bat naputol?!."inis na saad ni Kerron

"Mukang denelete ang karugtong nun dude."sagot ni Grey

"F*ck it! Pano natin mahahanap si Anya nyan?! Sh*t baka may alam ka kung paano mabalik yung karugtong nun Grey Sh*t kailangan nating makita kahit man lang ang plate number ng bw*sit na kotse na yun-------

*Kriinnggggg.... Kriinggggggggg.....

Lahat kami ay natahimik ng tumunog ang selpon ni Kerron.

"F*ck! Sino ba tong storbo na to?!." tinignan ko siyang galit na kinuha ang selpon niya sa kaniyang bulsa saka tinignan ang screen. "F*ck Veron! Storbo ka talaga kahit kailan kang babae ka bat di nalang ikaw ang nawala! Bat si Anya pa?!." Pinatay niya ang tawag saka padabog na nilapag sa mesa ang selpon at nag focus ulit sa screen habang paulit ulit na pine play ni Grey ang kuha ng cctv.

Napatingin ako sa selpon niya ng tumunog ang messenger niya at nakita ko na nagpop up ang pangalan ni Veron tas may sinend siyang pics. Ewan ko ba sa lalaking to bat open ang mobile data nito.

"Kerron tignan mo nga ang sinend ni Veron sayo."saad ko sa kaniya at taas kilay naman siyang napatingin sa akin

"Really Lexi? Alam mo namang si Anya lang diba? Kaya bahala yang babaeng yan sa buhay niya mabulok yang mga sinend niya na litrato dyan wala akong pake, ang mahalaga ay mahanap natin si Anya."aniya pero na cu curious talaga ako sa sinend ni Veron, para bang may nagtulak sa akin na buksan yun at tignan kaya ang ginawa ko ay kinuha ko yung selpon niya at binuksan pero may password.

"Anong password nito?."tanong ko sa kaniya pero hindi siya sumagot.

"Kerron."tawag ko pero deadma talaga ako.

"Akin na."napatingin ako kay Grey ng hingin niya sa akin ang phone ni Kerron kaya naman walang pagdadalawang isip na ibinigay ko agad at may pinindot pindot siya dun at saka muling ibinalik sa akin. Nung tignan ko yung screen naka unlock na. Tumingin ako kay Grey pero nginitian niya lang ako.

Kaya ginawa ko na ang gusto kong gawin, inopen ko yung messenger niya at nangunguna dun ang pangalan ni Veron. May sinend siyang tatlong litrato. Nanginginig ang kamay ko na pinindot ang pangalan ni Veron at tumambad sa akin ang litrato na sinend niya.

"Oh. My. Ghad."napahawak ako sa bibig ko ng makilala kung sino ang nasa litrato.

"Bakit Lexi? Anong meron?."tanong sa akin ni Mace

HENDRIX ACADEMY : Loving Mr.Sungit [COMPLETED]Där berättelser lever. Upptäck nu