CHAPTER 19: AXEL

52 5 0
                                    

"So kumusta kahapon? Natapos niyo ba?."bungad na tanong agad sa akin ni Lexi pagkaupong pagkaupo ko palang sa upuan ko.

"Oo, natapos na man namin kahit ginabi na."sagot ko sa kaniya

"Wow congrats bes, mabuti nalang. Ngayon wala ka ng project na aabalahin pa."nakangiting sabi sakin ni Lexi

"Oo nga eh, makakapagpahinga na rin ako. Nga pala yung challenge natin malapit ng matapos."paalala ko sa kanila

"Hala, onga pala noh muntik ko ng makalimutan."gulat na sambit ni Mace

"Masyado ka namang nagpapakasarap."saway sa kaniya ni Lexi

"1week nalang pala yun noh, bat parang ang dali lang diba, parang kahapon lang tayo nag umpisa."saad ni Lexi

Kung sila nagpapakasaya pa, ako hindi na dahil simula ngayon ay tatantanan ko na si Kerron,  nangako ako na hindi ko na siya kukulitin, nakuha ko na naman yung gusto ko kaya wala nakong rason para kulitin pa siya.

"Oo nga ei, muntik ko na tuloy makalimutan na may challenge pala tayo at may deadline pala."sabi naman ni Mace

Ewan ko sa kanila, hindi na ako nakinig sa mga pinag uusapan nila.

*************

Andito ulit kami sa tambayan namin sa likod ng building.

"Tapos na ba kayo sa project niyo?."tanong ko sa dalawa habang kumakain

"Kami?."nagtinginan naman ang dalawa.    "Hindi pa pero baka sa Sunday nalang noh? Mace?."

"Sunday? Oo, sige."sagot naman ni Mace

Napailing nalang ako sa dalawang toh, hindi pa pala sila tapos sa kanila. Napatuloy lang kaming tatlo sa pagkain habang ako ay inaalala ang ginawa kong pag iwas kanina kay Kerron. Langya nagawa ko talagamg iwasan siya, ni sulyap hindi ko ginawa. Wew.

Napapitlag ako ng biglang nag ring ang phone ko.

"Weyt lang girls sasagutin ko muna to, napatawag si Mama ei."paalam ko sa dalawa at ng tumango sila ay lumayo muna ako ng konti bago sinagot ang tawag

"Hello Ma?."

"Anak, andito sa bahay sina Tita Alice mo." Bungad agad ni Mama, grabe wala mn lang hi or hello.

"Talaga Ma? Andyan din ba si Axel?."tanong ko, sana andun dn si Axel, namiss ko na ang mokong na yun, ang tagal naming nahiwalay.

"Oo, o ibibigay ko kay Axel ang telepono." Sabi ni Maam kaya naghintay ako.

"Hello An?."  Finally, ang tagal kong hindi narinig ang boses niya ah.

"AXELLLLLLLL!." malakas kong sigaw sa pangalan niya, wala akong paki kung pinagtitinginan ako ng mga tao dun e sa namiss ko lang ang best friend ko ei.

"Oy An kalma lang, bigla bigla ka nalang sumigaw nabibingi ako."natatawang saway niya sakin

"Langya namiss kita."sabi ko

"Namiss rin kita wag kang mag aalala dahil magkakasama na ng matagal."

HENDRIX ACADEMY : Loving Mr.Sungit [COMPLETED]Where stories live. Discover now