CHAPTER 33: AXEL'S LOVELIFE

42 0 0
                                    

After 2days ay nakalabas na rin ako sa hospital ganun din si Kerron kaso nauna lang siyang umuwi sa akin kasi daw may aasikasuhin pa daw siya kasama ang Heartthrobs, kaya sina Mace at Lexi at si Axel lang ang kasama ko mabuti nalang at andito din si Axel, busy din kasi si Mama at Tita.

Sa ilang araw kong pag stay dun sa hospital ngayon ko lang nakita si Axel, ni hindi niya kasi ako binibisita sa hospital.

"Mabuti at sinama niyo si Axel."nakangiting saad ko kina Mace at Lexi.

"Ayaw nga sanang sumama niyan eh kaso pinilit namin ni Lexi kaya no choice."natatawang sagot ni Mace.

Tumingin naman ako kay Axel na tahimik lang na naglalakad sa tabi ko. Nakakapagtaka lang na hindi niya ako binibisita.

"Ano bang ginagawa mo? Nakakapagtampo kasi hindi mo ako binisita dun sa hospital."

"Busy."maikling sagot niya.

"Busy? Kailan ka pa na busy ha, nako ikaw Axel ha kilalang kilala kita."

"Nung isang araw nakita ko yan, may kasamang babae at mukhang ang saya saya pa nilang dalawa."sabat ni Lexi na ikinagulat naman ni Axel.

"Now i know, baka naman, kailan mo balak ipakilala sa akin yang babaeng yan?."tanong ko. Ilang taon ding wala akong balita about sa lovelife ng mokong na to since nung last na girlfriend niya na pinagpalit siya. I know na minahal niya yun talaga kasi Everytime na magkausap kami sa telepono palagi niyang binabanggit ang tungkol sa girlfriend niya. Pero nung naghiwalay sila wala na siyang pinakilala sa akin na ibang babae.

Nakita kong ngumiti si Axel.   "Ipakilala ko din siya sayo An kapag sure na ako na siya na talaga."sagot ni Axel sabay buntong hininga.    "Nagdadalawang pa kasi ako, hindi pa kasi ako umamin sa kaniya, nagkakilala kami matagal na dun sa pinasukan kong paaralan dati. Actually dati pa akong may gusto sa kaniya kaso lang mas priority niya kasi nun ang pag aaral, kaya nung lumipat kami dito hindi ko inexpect na makikita ko siya ulit."tumawa si Axel.   "Hindi ko alam kong coincidence ba yun kasi dun din kasi siya nag aral sa paaralan na pinasukan natin, lumipat din pala sila."

"Talagang pinagtagpo talaga kayong dalawa Axel."saad ni Lexi.

"Oo nga. So ano pang hinihintay mo Axel, ligawan mo na."saad naman ni Axel.

Mahinang tumawa si Axel.  "Kinakabahan ako eh baka kasi mabasted ako."

"Natural lang naman yan pero kung parehas kayo ng nararamdaman, hindi ka mababasted."saad ni Lexi habang busy sa phone niya.

"Pero hindi pa nga ako sure."sagot ni Axel.

"I think dapat mag effort ka muna, para malaman niya na mahalaga siya at para malaman niya na siya na talaga."advise ko pero di ako sure dyan di naman kasi makarelate di ko pa naranasan yan, ni hindi nga yata ng effort sa akin si Kerron eh.

Nang makarating kami sa bahay ay sumalubong agad sa amin si Mama.

"Salamat sa paghatid sa amin ah."nakangiting pasalamat ko kay Lexi.

Tumango naman siya. "Dapat matulog ka ng maaga ngayon kasi bukas baka di kana makatulog ng mahimbing."saad ni Lexi kaya napataas naman ang kilay ko, ano ba ang ibig niyang sabihin.

Tinampal naman ni Mace ang braso ni Lexi.  "Ikaw talaga tumahimik ka nga dyan."saway sa kaniya ni Mace.

"Ito naman, sinabihan ko lang naman si Anya eh ano bang masama dun? Tara na nga. Una na kami Anya ah."paalam ni Lexi.

Kumaway naman si Mace.  "Mag ready ka na bukas."

Kahit nagtataka ay kinawayan ko parin sila hanggang sa makaalis sila.
Tumingin ako kay Axel baka may alam siya about dun sa pinagsasabi ng dalawa pero tinalikuran niya lang ako.

HENDRIX ACADEMY : Loving Mr.Sungit [COMPLETED]Where stories live. Discover now