CHAPTER 24: SPOT LIGHT

44 5 0
                                    

Exact 10am dumating si Mace sa bahay para isabay na ako papunta kina Lexi. Mabuti at nakaready na ako, nilagay ko na sa bag ko ang dress at sandals ko saka sumakay sa kotse ni Mace.

Nang makarating kami kina Lexi, di agad kami pumasok dahil sarado yung gate alangan namang pumasok agad kami, baka makasuhan kami ng trespassing niyan.

"Tawagan mo si Lexi, Mace wala akong load ei para makapasok na tayo."saad ko kay Mace, nakatayo lang kami sa tapat ng malaking gate nina Lexi.

"Sige wait lang, silong muna tayo dun sa kay puno, ang init baka masira pa ang beauty ko."sagot ni Mace saka naglakad sa pinakamalapit na puno at dun sumilong, sumunod din ako sa kaniya dahil sobrang init, tapat sa amin ang sinag ng araw.

"Hello Lexi."sabi ni Mace sa telepono, ni loud speaker niya para marinig ko.

"Hello? Asan na kayo? Akala ko ba 10am andito na kayo?." Rinig kong tanong ni Lexi sa kabilang linya

"Andito na nga kame, sa tapat ng gate niyo di kami pumasok nakasara ei."saad ni Mace

"Palagi naman talaga yang nakasara, buksan niyo nalang at pumasok na kayo, andyan na pala kayo ei."

"Hindi ba kami makasuhan ng trespassing?." tanong ko kay Lexi, naninigurado lang naman ei.

"Tangek, malamang hindi, kaibigan ko naman kayo tsaka may permission naman galing sakin ei."

"Osige osige papasok na kame bye." At pinatay na ni Mace ang tawag.    "Tara na, ang init na dito."aya ni Mace saka nauna ng maglakad sa akin kaya nagmamadaling sumunod naman ako sa kaniya.

First time ko lang kaya makapasok sa bahay nina Lexi kaya delikado na kapag naligaw ako, anlaki pa naman ng hallway nila at ang daming pasikot sikot.

"Parang nangitim ka Mace ah."natatawang bungad agad ni Lexi ng makapasok kami sa bahay nila. Nakaupo lang siya sa sofa habang yakap ang isang unan.

"Ikaw kaya ang tumayo habang nakatapat sa haring araw di ka ba mangingitim."sagot ni Mace saka pabagsak na umupo sa tabi ni Lexi.

"Bat kasi di agad kayo pumasok, ikaw Mace ang oa oa mo ilang beses ka na ngang pumasok dito ng walang paalam bat ngayon hindi ka nag trespassing."

"Wala lang, trip ko lang di naman halatang trespassing ako diba Anya?." tumingin sakin si Mace

"Ewan ko sa inyong dalawa."inirapan ko sila, langya ka Mace pwede palang pumasok agad ei pinapatagal mo pa, pinabilad mo pa ako sa araw langya.

Umupo ako sa pang isahang upuan saka sumandal at pumikit.

"Di ka ba natulog ng maaga kagabi Anya?."tanong ni Lexi

"Aga ko ngang natulog kagabi ei, langya."umayos ako ng upo saka tumingin sa kanilang dalawa.  "Alam niyo girls kahapon sasabay sana ako sa inyo pauwi kaso-------

"O bat ka samin sasabay? Asan ba si Axel?."putol sakin ni Mace

"Yun na nga, busy si Axel may ginagawa kaya pinauna na niya ako, ang kaso lang hindi ko pala kayo nasabihan na sasabay ako sa inyo pauwi."

HENDRIX ACADEMY : Loving Mr.Sungit [COMPLETED]Where stories live. Discover now