CHAPTER 36: OFFICIAL

28 2 0
                                    

"A-Ano bang itatanong mo?."kinakabahang tanong ko

"Gusto mo tanungin na kita ngayon?."nakangising tanong niya at biglang nagsigawan ang mga tao sa loob

Langya naman kinakabahan na ako, anong pakulo na naman ba to putek parang anytime mahihimatay nako dito sa sobrang kaba.

"Ano ngang tanong mo?."biglang natahimik ang mga tao sa loob.

"Ahm--- Can you be my girlfriend?."diretsong sambit niya na ikinanganga ko.

Hindi ko alam kong gagawin o kaya sasabihin, talagang nagulat ako sa sinabi niya.

"A- Anong sabi mo?."yan lang ang lumabas sa bibig ko at nautal pa ako dyan.

Ngumiti lang si Kerron saka nagsimulang magsalita.

"Look, dati palang gusto na kita hindi mo lang alam kasi sobrang busy ka sa pamimilit sa akin dahil dun sa project nayun, alam mo bang everytime na lalapitan mo ako dati para pilitin lang sa project na yun, half ng nararamdaman ko ay happiness pero half din ay inis kasi alam ko naman na lalapit kalang sa akin kasi may kailangan ka kaya mas ginusto kong magmatigas at ayaw agad pumayag kasi alam ko naman na kapag pumayag agad ako syempre lalayo ka na sa akin kasi tapos na ang project at wala ng rason pa para lapitan mo ako and i don't like that kahit magka klase tayo, araw araw kitang makikita pero ano naman ang silbi nun kung hindi mo naman ako papansinin di ba."he sighed and smile., Nanatiling tahimik lang ako at nakikinig ka sa kaniya.
"Pero hindi naman kita masisisi kung ayaw mo sa akin kasi kilala mo lang ako bilang isang masungit at cold hearted na tao, dati ayoko sa taong pinipilit ako sa isang bagay na ayaw ko, once na sinabi ko na na ayaw ko, ayaw ko talaga pero bat pagdating sayo napapayag mo ako kahit sinabi ko na ayaw kong pinipilit ako sa isang bagay, alam mo ba ng dahil sayo maraming nag iba sa akin at yun ang nakakatawa."mahina siyang natawa sa kaniyang sinabi.   "Hindi ko na nga maintindihan ang sarili ko kasi nababaliw ako ng ganito dahil lang sa isang babae at umabot pa sa ganito, dyan palang Anya maswerte ka na. So now,------ narinig mo na, I like you Anya very much, no. I love you, I love you so damn much. Alam kong sobrang corny ng mga sinabi ko pero swear to God and God knows everything na totoo lahat yun kahit wala yung katugon mula sayo wala akong pakealam ang mahalaga ay alam mo na ang nararamdaman ko para sayo, so tatanungin kita ulit. PWEDE BANG MAGING AKIN KA NALANG?."

Hindi ako makasagot sa tanong niya, kasi hindi ko alam kong anong sasabihin after ng confession niya, alam kong totoo yun kasi nakikita ko sa mga mata niya ang cencere at pagmamahal.

"Wag mo nalang sagutin forget about it."bawi niya

"Woy tangek binawi agad, na shock pa ako eh hindi ko alam kong sasabihin."

"Okay lang naman na ayawan mo ako kasi nga ayaw mo sakin kasi masungit ako."

"Sino bang may sabing ayaw ko sayo ha? Oo dati kilala kita bilang isang masungit pero dati yun iba na ngayon, ngayon ko lang nalaman na sobrang daldal at corny mo palang tao oo nga at sweet ka pero minsan din nakakainis ka. Alam mo sarap ring tadyakan e noh. Tas ngayon may pa tanong tanong ka pa gulat na gulat pa nga yung tao kaya hindi agad makasagot tas bigla mong babawiin. Kasalanan mo naman kasi e bigla bigla ka nalang mag co confess hindi pa nga ako ready."

"Syempre gusto ko yung ma surprise ka kaya hindi kita sinabihan."

"At nasurprise nga ako, na speechless sa confession mo, sinabihan mo pang corny si Axel e pati ka rin pala."

"Corny na kung corny ang mahalaga ay kinilig ka sa confession ko."nakangising saad niya

"Kinilig ka dyan."

"Yiee aminin, sobrang lakas nga ng heartbeat mo eh."

"Ewan ko sayo."pabirong inirapan ko siya.

"Cute mo naman, tas ang ganda mo pa  sayang naman kong sa iba ka lang mapunta, pwede namang sa akin ka nalang habangbuhay."aniya saka biglang nagsigawan ang mga tao sa loob ng mansyon.

HENDRIX ACADEMY : Loving Mr.Sungit [COMPLETED]Where stories live. Discover now