CHAPTER 1: HANDSOME HEARTTHROBS

118 14 1
                                    

1 Month Later~~~~

Ang bilis lang ng panahon noh, parang kahapon lang, unang araw ko palang sa Hendrix Academy tas ngayon diko inakalang isang buwan na pala ako dito.

Sa isang buwan ko dito Hendrix Academy, okay naman siya. Wala namang gulo ang nangyayare, di tulad ng mga napapanood ko sa mga teleserye, everytime na may transferee na galing probinsya, sa teleserye, binubully nila yung transferee pero ako dito sa Hendrix Academy?

Lahat sila iniiwasan ako, iniiwasan ako na para bang may sakit ako na nakakahawa, na para bang nandidiri sila sakin kasi galing akong probinsya at di ako nababagay sa ganon ka ingrandeng paaralan.

Pero ano bang pakialam ko, pag aaral ang pinunta ko dito, para matuto. Wala akong paki kung iniiwasan ako ng mga studyante dito, mas mabuti nga yun para walang gulo.

"Anya! Hoy! Ayos ka lang ba?."nabalik ako sa realidad ng may kamay na kumaway kaway sa harapan ko

"A-ahh o-oo, may naisip lang ako, tapos na kayo kumain?."tanong ko kina Lexi at Mace

Sa isang buwan ko dito, si Lexi at Mace lang nakakasama ko, sila lang yung hindi ako pinandidirihan, iniwasan at iniwan.
Sila lang ang itinuturing kong kaibigan kahit magkaiba kami ng standard, sila ay mayayaman habang ako, hindi. Pero kahit ganun paman ay tanggap nila ako.

"Oo sis, kanina pa."sagot ni Mace

"Ang bilis naman, nakatatlong subo pa nga lang ako ei." Natatawang biro ko

"E pano ba naman kasi, busy ka sa ibang mundo, char.."biro ni Lexi sabay tawa

Napailing nalang ako saka tinapos ang pagkain.

Muntik pa kong mabulunan ng biglang nagsigawan ang mga studyante sa loob ng canteen.

"Omyyyy! Andito na sila!." Excited na sabi ni Lexi habang nakatingin sa may entrance ng canteen

At nandito na nga sila. The Handsome Heartthrobs

Sila ang itinuring na Campus Heartthrobs kumbaga.

Everytime kasi kapag pumupunta sila ng canteen tuwing lunch, parang mga baliw ang ibang mga students dito, lahat sila nagsisigawan.

Andaming fan ng group nayun, bukod sa sobrang yayaman nila, may ibubuga din ang mga itsura nila.

Actually ang gu gwapo nga nilang lahat, pero pano ba yan, focus muna ako sa goal ko. Need kong makapagtapos ng pag aaral para makaangat sa buhay.

"Hoy Mace at Lexi baka mapaos kayo kakasigaw dyan, di naman kayo mano notice nyan." Biro ko sa dalwa kong kaibigan

"Hoy grabe ka samin ah, na notice nga ako kagabi ni Tyke ei, nag react siya sa comment ko dun sa profile pic niya sa fb."pagmamalaki ni Mace

"Ou kala mo ikaw lang ah, sakin nga nag reply si Grey sa chat ko kagabi ei." Di rin papatalo tong si Lexi syempre

"Ano bang chinat mo sa kanya?."tanong ni Mace

Biglang natigilan si Lexi saka yumuko parang nahihiya.

"Ano.... Sabi ko thanks for accepting my friend request."sabi ni Lexi

Humagalpak naman ng tawa si Mace.

"Kaya ka naman pala nireplyan ei, kala ko naman kung ano ang chinat mo, yun lang naman pala. Malamang rereplyan ka nun.".sabi ni Mace

"Hulaan ko kung anong nireply ni Grey sayo."sabi ko kay Lexi

"Ano?."

"Welcome."

HENDRIX ACADEMY : Loving Mr.Sungit [COMPLETED]Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin