CHAPTER 10: DEAL

62 5 0
                                    

Hindi pa nga ako nakapag ayos ng sarili ng dumating si Mace sa bahay. Hindi pa nga ako kumakain at nakaligo ei.

"Ang aga mo naman Mace."salubong ko sa kanya

"Diba sabi ko alas otso kita susunduin?."

"Oo pero...."tinignan ko yung relo ko.   "7:30am pa naman ei."

"Yun nga, mas mabuti ng maaga ako dito."sagot niya

Napailing nalang ako kay Mace. Iba talaga ang tama ng babaeng to, mukhang excited ah.

Pinapasok ko muna siya sa bahay namin.

"Upo ka muna dyan. Ma! Ma!."tawag ko kay Mama

"O bakit anak?."sagot ni Mama na kakalabas lang ng kusina.    "O siya ba yung kaibigan na sinasabi mo sakin anak?."

"Opo Ma, siya po si Mace."pakilala ko

"Hello po tita."nakangiting bati ni Mace sabay kaway pa

"Hello din sayo iha, ang gandang bata nito."puri ni Mama

"Sa-salamat po tita."parang nahiya patong si Mace sa puri ni Mama, pero totoo naman yun, ang ganda nga ni Mace no wonder na maraming naghahabol nito pero kay Tyke lang talaga umikot ang mundo niya. Imbes siya ang hinahabol ng mga kalalakihan, siya pa ngayon ang naghabol sa lalaki. Hayst Mace.

"Kumain ka na ba iha?."tanong ni Mama

"Nag kape na po ako tita."sagot ni Mace

"Kape lang? Hindi ka ba nag umagahan?."tanong ko sa kaniya

"Tagal kasing gumising ni Kuya e kaya walang nakapagluto."sagot niya

"May Kuya pa pala?."gulat kong tanong, kala ko kasi mag isang anak lang si Mace ei di ko pa kasi nakikita ang kapatid niya

"Oo."maikling sagot niya

"Osiya, osiya mabuti at nakapagluto na ako kaya sumabay ka na saming kumain ija."aya ni Mama

"Nako wag na po tita nakakahiya naman."sabi ni Mace

Kala ko ba wala akong mapapala sa hiya hiya nayan?.

"Sige na Mace sumabay ka na, wag ka ng mahiya para naman makabawi ako sa iyo."nakangiting sabi ko sa kaniya

"Sige na nga."sagot niya sabay tayo saka lumingkis sa braso ko natawa nalang ako sa kaniya

Sabay kaming naglakad na patungong hapagkainan.

"Hindi pa pala ako nakapagpasalamat sayo ija sa ginawa mong kabutihan sa anak ko kaya Salamat sayo."basag ni Mama sa katahimikan

"Nako po tita wala yun, masaya naman akong makatulong."sagot ni Mace

Ako ay nag focus lang ako sa pagkain habang nakikinig sa pag uusap nila Mama at Mace.

"Asan ba ang mga magulang mo?."tanong ni Mama

"Si Mom nasa baguio tas si Dad nasa States pareho silang busy sa trabaho kaya palaging kami lang ni Kuya ang naiiwan sa bahay."sagot ni Mace

"Anong trabaho ng Kuya mo?."tanong ni Mama

Grabe naman makatanong tong si Mama, daig pa interviewer sa dami ng tanong ei. Nahiya tuloy ako.

"Nag aaral palang po si Kuya."sagot ni Mace

"Ah--."napatango tangong sagot ni Mama

At sa wakas ay natapos narin kaming kumain at ngayon ay nandito kami ni Mace sa kwarto ko.

"Dito kalang muna, maliligo lang ako saglit."paalam ko

"Sige go lang."

"Nga pala, sorry dun kay Mama ah, nahiya tuloy ako sayo dahil sa dami ng tanong niya kanina."

HENDRIX ACADEMY : Loving Mr.Sungit [COMPLETED]Where stories live. Discover now