CHAPTER 27: BABE

67 4 0
                                    

"Okay so ito na nga, ito na ang pinakahihintay niyong lahat, sasabihin ko na kung sino ang nanalong Prom King and Queen of the Night."saad nung MC.

Napuno ng sigawan ang loob ng hall.

"Okay, okay, tahimik muna, diko pala sasabihin kasi diko naman alam yung yung mga pangalan nyong lahat so ipapakita ko nalang yung litrato ng mga nanalo, so ito na. in 1.....2.....3...."

Lahat kami ay napatingin sa malaking screen ng may lumabas doon na litrato nina...... Lexi kasama si Grey?. Hala langya, bat sila magkasama dalawa? Base sa picture, nakalagay ang kamay ni Lexi sa balikat ni Grey at si Grey naman yung kamay niya nasa beywang ni Lexi, mukhang sumasayaw ang dalawa kanina ang unfair kasi di ko man lang nakita.

"Hoy Lexi girl sikat ka na."nakangising sabi ni Mace kay Lexi

Proud na tumayo si Lexi saka parang may tinignan sa kabilang table, ng sinundan ko ang tingin niya nakita ko ron si Veron na mukhang galit pero si Lexi nagawa pang mag flip ng buhok niya saka naglakad na patungo sa stage.

"Lakas talaga ng tama ng kaibigan natin."sabi ni Mace

"Oo nga, di ko alam na sumayaw pala sila ni Grey kanina, as in gulat na gulat talaga ako ng lumabas ang litrato nilang dalawa sa screen."di makapaniwalang sabi ko.

"Di lang ikaw Anya, pati ako rin. Umobra talaga yung pampaganda niya sa sarili dahil sa napansin din siya ng crush niya."

"Onga, e ikaw ba umobra din ba ang sayo?."tanong ko sa kaniya

Tumaas naman ang kilay niya. "Ako?." ngumisi naman siya ng pagkalaki laki.

"Kahit di mo sabihin alam kong umubra, so kumusta ang moment nyong dalawa?."curious kong tanong

"Okay lang naman, tiyak na hindi na naman ako makatulog ng maayos mamaya."nakangiting sabi niya pero deep inside alam kong kinikilig na yan ayaw lang ipahalata.

"Congrats sayo."

"E ikaw ba gumana ba ang sayo kay Kerron?."

Bigla namang kumabog ang dibdib ko sa tanong niya, bat napasok na naman ako. Sana di nalang ako nagtanong yan tuloy, gusto ko ng kalimutan yung mga nangyare samin ni Kerron kanina ei pero nagtanong pa tong isang to.

"Nako Mace ayaw ko ng mag talk."sabi ko sa kaniya

"Ayii ikaw ha, ayaw pang sabihin pero okay lang, nakita ko naman kayong dalawa na sumasayaw kanina, may litrato pa nga ako dito pero itatago ko nalang to."nakangising sabi ni Mace

"Ang daya mo ha bat ako di ko kayo nakita na sumayaw ni Tyke kanina? San ba kayo sumasayaw?."

"Busy ka kasi kanina dun sa mga nakasayaw mo kaya di mo kami nakita."

"E?."

Di namin namalayan na nakabalik na pala si Lexi sa table namin, kami lang kasi ang natira ni Mace dito sa table, ewan ko kung asan si Axel umalis kanina nung umakyat ako sa stage tas until now di pa bumalik.

"Congrats Lexi."sabi ko

"Thanks, o di ba sabi ko sa inyo mananalo tayo? Di ko hahayaang manalo yung Veron na yun, super feeling kasi, ang advance mag isip oh edi napahiya siya ngayon, deserve."

Nagtawanan lang kami sa table namin, then after nung announcement ay nag party party na ulit sila, sayawan na naman pero nanatili lang kaming tatlo sa table namin.

"Congrats sa inyo, ang kakapal ng mga mukha niyong mang agaw ng posisyon na hindi naman bagay sa inyo."

Parehas kaming tatlo na napatingin kay Veron na nakatayo sa harapan naming tatlo.

HENDRIX ACADEMY : Loving Mr.Sungit [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon