EPILOGUE

26 0 0
                                    

5 Years Later ..........

"Mommy Anyaaaaaa!!!."masaya akong sinalubong ng yakap si Acer

"Baby."binuhat ko siya. "Ang bigat mo na, ang laki mo na baby, happy birthday."nakangiting bati ko.

"Happy birthday baby Acer here's our gift for you."bati din ni Kerron saka inabot kay Acer yung regalo namin.   "Halika dito ka sakin hindi ka na kaya ni Mommy medyo malaki na ang tyan ni Mommy eh."

Lumipat si Acer kay Kerron.

"What's this po ba Daddy?."tanong ni Acer.

"Secret muna, open mo yan later baby okay?."sagot ni Kerron.

"Okay."sagot ni Acer.

Pumasok na kami sa loob ng bahay, sobrang dami na ng tao kasi It's Acer's 3rd Birthday, ang tanda na ng pamangkin ko.

"Hi Ate."yumakap ako kay Ate saka humalik sa pisnge niya

"Andito na pala kayo, kumain na kayo."saad ni Ate.   "Asan si Acer?."tanong niya

"Andun buhat buhat ni Kerron. Ang laki na ni baby Acer, ang bilis lang ng panahon."nakangiting sabi ko

"Oo nga eh, hanggang ngayon hindi parin ako makapaniwala at nagpapasalamat parin ako sayo kahit matagal na yun pero ikaw ang dahilan kong bat naging kami ni Cloud ngayon, kaya thank you Anya."

"Wala yun tsaka matagal na yun noh, malaki na nga ang anak niyo eh tsaka kayo naman talaga ang itinadhana joh nu ka ba."

Tumawa siya saka hinaplos ang tyan ko.  "Later manganganak kana may naisip ka na bang pangalan para sa baby niyo ni Kerron?."

"Wala pa sa ngayon."sagot ko.

"Momma."sabay kaming napatingin ni Ate sa likuran ko ng marinig namin ang cute na boses ni Acer.

"Momma look oh, Mommy and Daddy gave this to me."aniya saka pinakita kay Ate yung regalo namin sa kaniya.

Lumapit naman si Kerron sa akin saka umakbay.

"Gutom ka na ba Love? Upo muna ka na muna ako na ang kukuha ng pagkain."saad ni Kerron saka inalalayan akong umupo saka siya umalis at kumuha ng pagkain.

After 5years wala paring nagbago, ganyan parin siya sa akin, palaging siya ang kumukuha ng pagkain everytime na pupunta kami sa mga gantong event, minsan rin sa bahay siya na ang gumagalaw lalo na ngayon na buntis ako.

Huwag na kayong magtaka kung bat nauna pa sila Ate na magkaanak keysa sa amin syempre, nagtatrabaho muna kami ni Kerron para makaipon saka pinatayo ang dream house namin mas inuna kasi namin ang mga dreams namin bago kami nagpakasal at ngayon nagkaanak. Gusto kasi namin na buhayin ang pamilya namin sa aming sariling pagsisikap.

"Sorry natagalan ang daming tao eh nakipagsisiksikan pa ako kasi baka gutom ka na, gutom na ang baby natin."aniya saka nilagyan ng mga pagkain ang plato ko.

Asikasong asikaso talaga ko neto, parang yaya ko na to.

"Halata ngang nakipagsiksikan ka ang dumi dumi na ng polo mo, daming dumikit na pagkain, halika punasan ko muna."kumuha ako ng tissue.

"Hindi na Love kumain ka na muna, unahin mo muna yan."umupo siya sa tabi ko saka hinimas himas ang tyan ko.  "Can't wait to see you soon baby."nakangiting sabi niya.

Palihim nalang akong napangiti.  Hindi ko inaakala na maging ganito siya kasaya. Lalo na nung araw na nalaman niyang buntis ako, nasa isang mall pa kami nun grabe yung sigaw niya nun at talagang sobrang saya niya nagmukha tuloy siyang bata nun kasi talon siya ng talon.

HENDRIX ACADEMY : Loving Mr.Sungit [COMPLETED]Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt