CHAPTER 25: JEALOUS

60 6 0
                                    

Kerron's POV

Lahat kami ay napatingin sa entrance ng hall nang bumukas ang pinto.

"Owshiii pare, chicks."rinig kong sabi ni Kyro pero ako ay nakafocus lang ako sa babaeng nasa likod ng dalawang babaeng nakatayo sa harap.

"Di ba kapatid mo yan Cloud? Si Mace? At si----- Lexi?."tanong ni Kyro.

"Yea, si Mace nga di ko masyadong nakilala."saad naman ni Cloud

Nakatingin lang ako sa babaeng naka black na panay ang tingin sa paligid, mukhang may hinahanap.

"Shit sila pala yan, wait---- so meaning---, si Anya pala yung------ Oh God ang ganda pare sana pala niligawan ko na dati palang si Anya ei."

Nagpantig ang tenga ko sa narinig na sinabi ni Kyro, ewan ko pero kusang nagre react ang katawan ko kapag naririnig ko ang pangalan ng babaeng yun.

"Manahimik ka nga Kyro, tingin mo ba papatulan ka ni Anya? Matalinong babae kaya yun di yun pipili ng taong gala noh."bara naman ni Cloud kay Kyro, nakikinig lang ako sa kanila habang sumisimsim.ng mojito.

"Grabe ka sakin pre ah, taong gala talaga? Di ba pwedeng taong pogi nalang? Sayo na yang si Anya, sayo na, sagabal ka ei."

"Shut up guys."seryosong sabi ko sa kanila, ayaw ko ng makinig sa mga walang kwentang sasabihin nila.

"O isa pa to, mukhang may kaagaw ka Cloud ah."rinig kong sabi ni Kyro at binuntunan niya pa ng tawa kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"Okay okay, chill ka lang Kerron." tumingin ako sa kaniya pero nakatingin lang siya sa kinaroroonan ni Anya na nakatayo parin sa harap habang palingon lingon sa paligid.

Mukhang alam ko na kung sino ang hinahanap niya.

Hinanap ng mga mata ko yung Axel, wala pang ilang minutes nahanap ko rin siya, may kausap siyang dalawang babae habang nakatalikod sa kinaroroonan ni Anya. Mukhang di niya namalayang nakarating na pala sina Anya dito, ang kapal ng mukhang mag intertain pa ng ibang babae, siya pa yung nagsabi na siya ang escort ni Anya like what the fck! Bat pa siya nagpresentang maging escort ni Anya kung mag iintertain lang pala siya ng ibang babae kala mo naman ang pogi e mukha namang paa.

Tsk the heck bat ba ako nakikialam sa kanila, dapat wala akong pakialam ei.

Napabuntong hininga nalang ako saka  nagfocus nalang sa nagperform sa harapan.

"Dude mukhang oras mo na, lapitan mo na." akala ko si Cloud ang kausap ni Kyro.   "Hoy Kerron lapitan mo na, wala yata yung escort niya ei."

Taas kilay akong tumingin kay Kyro bago tumingin kay Anya na mag isa nalang na nakatayo sa gilid ng hall malapit sa pinto habang busy sa phone niya.

"Bilis na, chance mo na to."saad ni Kyro at tinulak pa ako ng loko.

Kahit napipilitan ay tumayo parin ako at naglakad palapit sa kinaroroonan ni Anya pero malayo pa nga lang ako nakita kong may dalawang lalaking naglakad patungo sa kinaroroonan ni Anya at narinig ko ang pinag uusapan nila.

"Dre pustahan tayo kapag pumayag yang babaeng yan na maging date ko ngayon sisiguraduhin kong magiging akin na siya forever."nakangising sabi nung lalaki sa kasama niya

"Sige pre pero pag di mo siya napapayag sa akin na siya."sabi naman nung kausap niya

"Sige deal."sagot nung lalaki saka akmang lalapit na sila sa kinaroroonan ni Anya pero hinarangan ko sila.

"Tingin niyo tama bang pagpustahan ang isang babae?."seryosong tanong ko sa kanang dalawa.

Nagtinginan sila saka sabay sabay na humingin ng tawad ng makilala nila kung sino ako.

HENDRIX ACADEMY : Loving Mr.Sungit [COMPLETED]Where stories live. Discover now