CHAPTER 18: COINCIDENCE

59 5 0
                                    

Sunday ngayon at kakatapos lang naming mag interview ni Kerron, andito kami ngayon sa palengke, dito kami nag iinterview. Ito kasi yung project namin or performance task kumbaga. Mag e interview kami about sa trabahi nila, kung magkano ang kita nila sa araw araw at etc. Like sa balita, yung nag iinterview ka with video pa to kaya palit palit kami ni Kerron sa pag interview at pag video, kami lang kasing dalawa.

Nung una ayaw pa ni Kerron na mag interview mas gusto niya pa daw na siya nalang ang mag vi video pero sinabi ko sa kaniya na dapat mag interview din siya para makita talaga ni Prof na kasama ko siya, grabe pa ang pamimilit ko sa kanya bago pumayag langya talaga.

"Tapos na tayo?."tanong niya, kanina pa siya tanong ng tanong niyan like atat na atat teh?

"Oo tapos na."sagot ko

5:30pm namin natapos, ang dami dami pa kasi naming ininterview, yung mga taxi driver, then yung tindera ng mga sari sari store ah basta yung mga nakikita lang namin sa daan na may business din.

"Napaka simple lang naman pala ng project project na to tapos hindi mo pa kayang gawin."

Napataas ang kilay ko sa narinig niyang sinabi.

"Oo napakasimple nga pero nakapa oa mo naman at ang tagal tagal pang pumayag kala mo naman magbubuhat ng limang gallon ei."sabi ko rin sa kaniya saka inirapan siya.

"Napakasimple tas napakaboring, idagdag mo pa ang kasama ko."bulong niya pero rinig ko naman

"Anong sabi mo?."malakas kong sinipa ang paa niya kaya muntik na siyang ma out of balance.  "Ako? Nakapaboring? Mas boring ka nga kasama ei, sarap mong itulak sa kanal."naiinis kong sabi sa kaniya

Totoo naman talagang napakasimple lang nito, kaya ko namang gawin to mag isa kahit sina Lexi at Mace lang ang mag vi video sakin pero si Prof napaka oa eh parehas lang sila ni Kerron.

Andito na kami ngayon ni Kerron sa isang waiting shed sa tapat ng palengke, ako mag aantay ng taxi para makauwi na ewan ko lang dito kay Kerron na busy sa phone niya.

"What the---- why naman ngayon pa nasiraan? Paano ako uuwi neto?."napalingon ako kay Kerron ng magsalita siya

"Hoy problema mo?."tanong ko

"None of your business."

Edi bahala ka, letse ka talaga, bahala ka sa buhay mo,nagtatanong lang naman ei.

Umupo muna ako sa bench habang naghihintay ng masasakyan. Tinitignan ko din si Kerron na parang tanga na palakad lakad, back and forth habang may kausap sa telepono.

"What?!---- No! -----Sunduin niyo ko dito! Lagot sakin mamaya yang si Kera, ng dahil sa kaniya wala nakong masasakyan pauwi bat naman kasi pumayag pa kayo na gamitin ang kotse ko?------ Asan si Manong Lito?----."

Ah so yun pala ang dahilan kaya high blood na naman si Manong Kerron, yun pala ay dahil wala na siyang masasakyan pauwi dahil nasira kotse niya. O diba chismosa ako ei, pero konte lang.

Padabog na umupo si Kerron sa tabi ko matapos siyang makipag usap sa telepono.

"Okay ka lang?."tanong ko

"Paano ano magiging okay ha?! Wala akong masasakyan pauwi!."

"Mag taxi ka."

"Taxi?."

"Oh Anya andito ka pa pala."napalingon ako sa kabilang side ko ng marinig kong magsalita si Mama.

"O Mama? Anong gunagawa niyo dito? Gabi na ah."sabi ko sa kaniya

"Pumunta ako dun sa tindahan ng Ante mo, dinadalaw ko lang siya at medjo napasarap ang kwentuhan namin kaya hindi ko namalayan na gabi na pala."paliwanag ni Mama

HENDRIX ACADEMY : Loving Mr.Sungit [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon