CHAPTER 32: TRUST

37 3 0
                                    

Anya's POV

Nanindig ang mga balahibo ko ng makaalis sina Veron dala si Kerron, naiwan sa loob yung dalawang lalaki na kanina pa nagtitinginan at nagsesenyasan.

"Ano na pre, wala na sila madam, unahan mo na."nakangising saad nung isang lalaki, hindi ko alam king anong ibig sabihin nun pero bigla akong kinutuban na may gagawin silang hindi ko magugustuhan.

Kinabahan ako ng lumapit sa akin ang isang lalaki at hinaplos ang mukha ko pababa sa leeg, sa dibdib pababa sa binti. Hindi ako makapalag dahil sa tali na nakaikot sa bewang ko, gusto kong sumigaw pero d ko magawa dahil sa busal sa bibig ko, gusto ko ng makawala.

Tahimik akong nagdarasal na sana may sumagip sa akin, sana dumating ang mga kaibigan ko sana makaalis na ako sa lugar na ito ayoko na.

"Ang ganda mo namang bata, mukhang preskong presko, diba pre?."tanong nung lalaki dun sa isa pa

"Oo pre, mukhang masarap."sagot nman nung isa.

Bigla namang naghubad ng tshirt yung lalaking humaplos sa mukha ko kanina saka naglabas ng kutsilyo.

Sunod sunod na umiling ako. No hindi, ayoko pang mamatay.

Nakahinga ako ng maluwag ng patulin niya yung tali na nakaikot sa bewang ko.

"Ayan, mas maganda, mas comportable Tayo pag ganito."saad nung lalaki saka hinila ako patayo sa upuan, akala ko puputulin din niya ang tali sa kamay at paa ko pero nagulat nalang ako ng itulak niya ako kaya napahiga sa sahig.

Sigaw ako ng sigaw ng NO pero parang hindi nila ako narinig dahil tumatawa lang sila. Tagilid akong humiga sa sahig kasi yung kamay ko nasa likuran.

Pinaharap ako ng higa nung lalaki pero hindi ako sumunod, tumagilid parin ako.

"Ang tigas mo talaga ha."bigla niya akong sinampal sa pisnge kaya napapikit nalang ako at hindi napagilang hindi mapaluha sa natanggap na sampal.

Wala na akong nagawa nung pinaharap ako nung lalaki saka pinunit yung damit ko. Napaiyak nalang ako habang nagdarasal na sana may dumating, sana may sumagip sa akin.

Pinikit ko nalang ang mga mata ko habang humagulgol ng halik halikan nung lalaki ang leeg ko.

"Wala ka ng magagawa, sa amin ka na."bulong nung lalaki.

No.....

Napamulat ako ng makarinig ng mya yapak patungo sa kinaroroonan namin. At mas lalo akong napahagulgol ng makita sina Tyke at Grey na pumasok at pinagsusuntok yung dalawang lalaki.

"Anya!... Anya! Oh God!."pinagtutulungan nilang dalawa na tanggalin ang tali sa kamay at paa ko saka kinuha ang busal sa bibig ko.

"Sorry, sorry ngayon lang kami."hinubad ni Tyke ang jacket niya saka pinasuot sa akin at inalalayan nila ang tumayo palabas sa lugat na yun.

"Si----Si Kerron."mahinang boses na tanong ko, hanggang ngayon nanginginig parin ako.

"Dinala na siya ng mga pulis kanina, siguro dineretso na nila yun sa hospital at pupunta rin tayo dun wag kang mag alala ligtas ka na."saad ni Tyke at hindi ko alam kung dala ba to sa pagod o sa mga pasa na natanggap ko kasi hindi ko na alam ang mga sumunod na nangyare.

Nagising nalang ako sa isang puting silid....

"Anya?.. Anya gising ka na.."napatingin ako sa gilid ko ng marinig ang masayang boses ni Lexi.

"Le- Lexi."sambit ko

"Gising ka na nga! Omy God tatawagin ko lang sina Mace at yung Heartthrobs nasa labas kasi sila."aniya saka akmang lalabas na ng kwarto pero tinawag ko siya ulit.

HENDRIX ACADEMY : Loving Mr.Sungit [COMPLETED]Där berättelser lever. Upptäck nu