CHAPTER 2: TRANSFEREE

102 10 2
                                    

"Anya bebs, hoy."tawag sakin ni Lexi

Andito kasi kami ngayon sa tambayan, sa likod lang ng building ng classroom namin, may mga bench kasi dito at tables kaya pede kaming tumambay dito. Tsaka katatapos lang din ng klase namin. Lunch break na.

"Oh?."sagot ko habang ang mga mata ay natuon sa binabasa kong libro

"Tignan mo to."sabi niya saka iniharap sakin ang cellphone niya

"Ano yan? Patingin?." Di rin papahuli si Mace

Isa yung picture kung saan andun ang  mga Handsome Heartthrobs at may kasama silang isang lalaki na di namin kilala. Yung caption kasi sa litrato "Welcome back bro"

"OMYYYY! HANGGWAPO?!." malakas na sigaw na sigaw ni Mace

"Hoy Mace tumahimik ka nga dyan. Oa mo masyado ei."saway ni Lexi

"Sino ba yan?."tanong ko

"Onga sino ba yan?."tanong ni Mace

"Weyt tignan natin ang mga comments baka nakalagay dun."sabi ni Lexi saka nag scroll scroll siya.

"KERRON SANDOVAL."basa ni Lexi

"Kerron Sandoval? Omy ang gandang pangalan."puri ni Mace habang ako ay nakatitig parin sa mukha nung Kerron

"Anya baka matunaw yan ah."biro ni Lexi

"Yeiiiiij Anya. Type mo noh?."sabi ni Mace

"Type? Di noh, tinitignan lang ei."sagot ko saka ibinalik amg tingin sa binabasang libro

Pero di parin mawala sa isipan ko ang mukha nung Kerron, ang gwapo kasi kaso nga lang parang masungit, ni hindi nga nakangiti dun sa litrato ei.

"Mukha namang masungit."sabi ko

"Pero gwapo parin."sabi ni Mace

"Hoy Mace umayos ka, may Tyke ka na ei, diba loyal fan ka sa kanya?."saway ni Lexi

"Ikaw din naman ah, di ba loyal ka kay Grey."

"Oo nga kaya ekis sakin tong Kerron na to kasi may nagmamay ari na ng puso ko noh,at yun ay si Grey lang."

"Me too. Kay Tyke lang kakabog tong heart ko.. kaya no to Kerron nako, sayu nalang yun Anya." Sabi ni Mace

"Ano? Sakin nalang?."

"Oo."

Napailing nalang ako sa dalawa kong kaibigan. Ang lakas ng trip. Ang tataas ng imagination. Pero support lang ako sa kanila baka magkaroon ng himala at matupad ang pinapangarap nilang lalaki.

"Hoy girls nabasa ko dito sa comment na mag ta transfer daw yung Kerron dito sa Hendrix Academy."masayang balita ni Lexi

"What?! Magta transfer siya? Dito? Sa Hendrix Aca-----------

"Oo nga, paulit ulit ka naman ei."putol ni Lexi sa sinasabi ni Mace

"Sorry naman, gulat ei."

"Swear! Madadagdagan na naman ang Campus Heartthrobs nito. May bago na namang kababaliwan ang mga students dito."sabi ni Lexi

Diko alam pero bigla akong napangiti sa sinabi niya.

"Hoy Anya, anong ngini ngiti ngiti mo dyan? Yiieeeee excited ka noh?."

"Wala, may naisip lang."sagot ko kay Mace

"Baka isa ka na rin sa mga fan niya ah."sabi ni Lexi

Tinawanan ko lang ang sinabi ni Lexi saka pinagpatuloy ang pagbabasa.

**************
(Kinabukasan)

"Ma alis napo ako."paalam ko kay Mama

"O aga mo yata? Wala pang 7:30 aalis ka na."nagtatakang tanong ni Mama

HENDRIX ACADEMY : Loving Mr.Sungit [COMPLETED]Where stories live. Discover now