CHAPTER 13: PROJECT

60 5 0
                                    

Monday na ulit, tapos nakong magpahinga ket hindi naman talaga, sa dalawang araw na yun, sabado at linggo hindi talaga ako nakapagpahinga ewan ko ba ang dami kong ginagawa at ngayon pasukan na naman ulit panibagong stress na naman to kasi makikita ko na naman ulit si Kerron, hindi ko parin talaga malilimutan yung nangyare kagabi. ...

(FLASHBACK)

Tahimik lang kaming dalawa ni Kerron sa loob ng kotse, ako para nakong masu suffocate ewan ko ba kung ganito ang pakiramdam ko ei.

"San ba bahay niyo?."basag niya sa katahimikan

"Straight kalang ituturo ko nalang sayo kung saan ka liliko."sagot ko sa kaniya

"Tahimik mo yata ngayon, di ka yata nangungulit ah."

"Kasi alam kona na ayaw mo palang gumawa ng project so bakit kukulitin pa kita."sagot ko sa kaniya habang ang mga mata ay diretso lang na nakatingin sa daan.

"Akala ko ba hindi pwede ang mag isa sa project."

"Oo nga, ano bang gusto mo? Hindi mo naman ako sasamahang gumawa ng project."sagot ko sa kaniya

"Ok ikaw bahala."

Hindi ko alam kong ano bang gusto ni Kerron, sabi ng mga kaibigan niya allergy siya sa project project na yan tas ngayon enopen niya ang topic about sa project, ano pang silbi nun kung hindi naman niya ako tutulungan.

"Bukas kakausapin ko si Prof kung pwedeng magsolo nalang ako kasi wala akong kapartner."

"Ok."

Ewan q pero naiinis na ako sa ok ok niya na yan ah.

"Dyan liko mo dyan sa kanto then straight ka nalang kasi medjo malapit na bahay ko."sabi ko sa kaniya at tahimik naman siyang sumunod.

"Bahay nyo yan?."

Wow gulat na gulat Kerron? Ano bang enexpect mong bahay namin? Oo mahirap lang kami kaya ganyan lang ang bahay namin pero kahit gawa sa kahoy lang yan at medjo maliit lang atleast masaya naman ako dahil ang importante may matutuluyan kami.

"Oo? Bakit ba? Kung iba bash mo lang ako dahil mahirap lang kami at ganyan ang bahay namin, mas mabuti pang umalis ka nalang."seryosong sabi ko sa kaniya saka nagmamadaling lumabas sa kotse niya

"No, bat ko naman gagawin yun? Ano lang kasi---

"Tss ewan ko sayo, umalis ka nalang, salamat sa paghatid mag ingat ka."inis kong sabi saka pumasok na sa loob ng bahay, bahala siya dun sa buhay niya.


(END OF FLASHBACK)









SO yun na nga ang nangyare, ngayon andito na ako sa loob ng classroom ko habang hinihintay sina Lexi at Mace.

"Wow aga natin ah."biro ni Mace pagkapasok ng classroom

"Syempre naman noh."

"Anong nangyare sa inyo kahapon?."tanong ni Mace

"Kanino?."

"Kay Kerron, kagabi. Yung hinatid ka niya. Mag kwento ka na makikinig ako.

"Wala namang nangyare, mamaya Mace samahan moko ah kakausapin ko si Mr. Chavez para dun sa project, pakikiusapan ko siya na magsolo nalang ako."

"Sige sige, pano ba naman kasi allergic pala yung si Kerron sa project ei."natatawang sabi ni Mace

"Anong pinag uusapan niyo dyan? Sali nyo naman ako."di namin namalayan na dumating na pala si Lexi

HENDRIX ACADEMY : Loving Mr.Sungit [COMPLETED]Where stories live. Discover now