CHAPTER 20: VIRAL

52 5 0
                                    

Ngayon ang first day ni Axel, yun nga lang hindi kami classmate kaya saded, bad trip kasi ei ewan ko ba kung bat hindi kami naging magka klase pero okay na rin yun, magkasabay parin naman kami ng uwi.

"Hintayin kita dito sa classroom niyo pag mauna kaming matapos ah, sabay tayong maglunch."bilin niya sakin, andito na kami ngayon sa tapat ng classroom ko as usual, hinatid na naman niya ako

"Okay okay, baka maligaw ka pa pag hindi kita sinamahan."biro ko sa kaniya

"As if naman maligaw ako, marami naman akong mapagtatanungan."nakangising sagot niya

"Heh, pumasok ka na dun sa classroom niyo baka malate ka pa."saad ko sa kaniya

"Okay basta hintayin moko ha, manlilibre ako."

"Ay weh? Sige ba hintayin kita promise."mabilis kong sabi saka nagpromise pa

Tumango naman siya saka tinap ang ulo ko bago umalis, nang makaalis na siya ay pumasok na ko sa classroom. Naglalakad palang ako patungong upuan pero yung mga titig ng mga kaklase ko para akong kakainin ng buhay ei, idagdag mo pa si Kerron, isa pa to ang sama ng tingin sakin langya.

"Hoy bes ang sweet niyo ah, boyfriend mo ba yun?."tanong agad sakin ni Mace

"Eh? Hindi noh."

"Weh? Bat parang ang close close niyo sa isa't isa? Tas bakit palagi ka niyang hinahatid sa classroom? At bakit tinatap Niya yung ulo mo? Sige nga paki explain nga."sunod sunod na tanong sakin ni Mace

"E? Ganyan talaga si Axel dati palang noh."sagot ko

"Weh? Aminin mo, may gusto ka kay Axel noh?."tanong ni Lexi

Sasagot na sana ako pero biglang pumasok si Prof kaya natahimik kaming tatlo at umayos ng upo.

"So asan na yung mga video niyo? Malapit ng deadline pero sina Ms. Castro at Mr. Sandoval palang ang nakapasa, kailan niyo balak ipasa ang sa inyo?."tanong agad ni Prof, mabuti kahapon at natapos ko agad e edit yung video namin kaya kagabi pinasa ko na kay Prof.

"Prof yung samin baka bukas na kasi eeditin pa po namin eh."sagot ni Lexi

"Okay I'll wait. Tandaan niyo kapag hindi kayo nakapasa bagsak kayo sa subject na to."saad ni Prof

Sabay sabay naman na umoo ang mga classmates ko saka nagsimula ng magdiscuss si Prof.

**************

Nang dumating ang lunch break ay sabay sabay na kaming tatlo nina Mace at Lexi na lumabas ng classroom.

Pagkalabas namin nakita ko agad si Axel na nakatayo habang nakasandal sa semento habang nagse selpon kaya nilapitan ko agad siya, hindi niya yata napansin na pinagtitinginan na siya at kinukuhanan ng litrato ng mga babaeng estudyante na dumadaan.

"Hoy!."tawag ko sa kaniya, nag angat naman siya ng tingin sakin pero imbes na masayang mukha ang nakita ko, isang seryosong mukha ang bumungad sakin.

"Oh problema mo?."nagtatakang tanong ko sa kaniya

"This."iniharap niya sakin yung phone niya and there, nag viral na naman ako, pero this time si Axel na ang kasama ko sa litrato, kuha yun nung hinatid ako ni Axel sa classroom kanina at nung tinap niya yung ulo ko.

Napatampal nalang ako sa nuo ko, again. Bat ba palagi nalang akong lumalabas sa fb, ano bang masama dun?

Tinignan ko yung comment section at kumulo ang dugo ko sa mga nababasang comment nila.

"Ay ang landi"

"Lahat na yata ng mga pogi dito inagaw ng babaeng yan, hindi pa natuto nung una."

HENDRIX ACADEMY : Loving Mr.Sungit [COMPLETED]Where stories live. Discover now