CHAPTER 5: TROUBLE

61 8 0
                                    

(Kinabukasan)

Nang makarating ako sa Academy, tumambay muna ako sa gate para hintayin si Kerron. Syempre, back to pamimilit na naman ako.

Medyo maaga pa naman. 7:28 pa. Sinandya ko talagang pumasok ng maaga para hintayin ang lalaking yun.

Matagal din akong naghintay dun hanggang sa makita ko na siya.
Dire diretso lang siya sa paglalakad. Kaya ako naman ay tumakbo para makasabay sa kanya.

"Pst Kerron."tawag ko

No response.

"Oy Kerron."tawag ko ulit pero di parin siya sumagot at mas binilisan pa ang paglalakad

Abat.... Di talaga ako pinapansin ng lalaking toh ah. Baka gusto mong pakitaan ulit kita ng mga moves ko. Djk.

Binilisan ko rin ang paglalakad ko para makasabay sa kanya.

"Kerron dahan dahan lang di ako makasabay ei."sabi ko sa kanya

"Sino bang may sabing sumabay ka ha?! Pwede ba lumayo ka sakin nakakarindi boses mo eh."

Wow ha..

"Di ako lalayo sayo hanggat di ka pumayag sa gusto ko."sabi ko sa kanya

Huminto siya sa paglalakad saka humarap sakin.
"Kung pipilitin mo ulit ako na samahan ka sa group, manigas ka dyan dahil hindi ako papayag. Wala akong pakelam sa project project na yan. Wala akong pakealam kung bumaba man ang grado ko at lalong wala akong pakialam kung bumagsak ka man!."galit nitong sabi sakin saka iniwan akong mag isa

Bat ba ganto siya? Bat pa siya nag aral kung ang pag gawa lang ng project, wala siyang pakialam. Ni wala din siyang pakialam sa grado niya.

Ganito ba talaga pag mayaman? Wala ng pakialam. Di porket may shares siya sa School nato feeling niya siya na masusunod.

Napailing nalang ako saka dumiretso na sa classroom.
Pagkarating ko dun, andun na ang dalawa kong kaibigan pero si Kerron wala sa upuan niya.

"O bat ngayon ka lang ata?."bungad na tanong agad ni Lexi pagka upo ko

Akmang sasagot na sana ako sa tanong ni Lexi ng biglang magsalita si Mace.

"Oh God girl... I think..... ..

"Ano yan Mace?." Tanong ni Lexi sabay hablot sa phone ni Mace

"Omy.. Girl.."tumingin sakin si Lexi..  "Sikat ka na sa newsfeed."gulat na sambit ni Lexi saka iniharap sakin yung phone

Napamulagat ako sa nakita. Isa yung picture na kuha kani kanina lang nung nasa hallway kami ni Kerron.

Naglalakad kami ng magkasabay nung time na nakuhanan kami ng litrato.

Pinindot ko yung comment section....

Mukhang naunahan pa tayo nung pulubing babae na yun ah

Wow ang kapal ng mukha ng babaeng yan

Bat sila magkasabay ni Kerron? Alalay ba siya nito?

Ano na girls? Alam niyo na ang gagawin sa basura na yan.

HENDRIX ACADEMY : Loving Mr.Sungit [COMPLETED]Where stories live. Discover now