CHAPTER 17: COOKIES

58 7 0
                                    

Finally, sabado na rin wala ng pasok, makakapagpahinga na talaga ako, ang daming nangyare nung mga nag daang mga araw halos wala na akong pahinga. Tas idagdag mo pa si Kerron, after nung araw na sinuntok siya ni Cloud, hindi na siya pumasok, ewan ko ba sa lalaking yun. Kaya ayun tuloy hindi ko siya napilit.

"Anya susunduin kita sa inyo? ."nabalik ako sa realidad ng marinig ko ang boses ni Mace sa kabilang linya.

Onga pala, pupunta pala ako kina Mace ngayon.

"Hindi na, susunduin daw ako dito ni Lexi para sabay na daw kami."sagot ko sa kaniya

"Ah okay, hihintayin ko nalang kayo dito sa labas." saad niya sa kabilang linya.

"Sige sige."sagot ko saka pinatay ang tawag.

Nakaupo lang ako sa isang silya namin, maaga pa naman 8 palang ng umaga, busy ako sa pagse selpon bigla akong makarinig ng busina mula sa labas ng bahay.

Baka andito na si Lexi. Kaya tumayo ako saka dumungaw sa bintana at nakita ko nga dun sa labas ang kotse ni Lexi.

"Ma alis na po ako."paalam ko kay Mama

"Sige mag ingat ka anak."

Yumakap ako kay Mama saka kumaway at lumabas na ng bahay.

"Tinawagan ka ba ni Mace?."tanong ni Lexi sakin habang nasa byahe kami

"Oo, tinanong niya kung magpapasundo ba daw ako, sabi ko hindi na kasi susunduin mo ko."

"Andun na ba daw sina Grey?."tanong niya

"Ewan ko, hindi ko na natanong, hindi naman siya nagsabi."sagot ko

"Ah okay, sa tingin mo, pupunta kaya sila dun? Si Kerron pupunta kaya? Diba magkaaway sila ni Cloud."

"Ewan ko nga rin ei, hays nahirapan nako kay Kerron langyang lalaking yun."

"Kaya mo yan girl, malalampasan mo din to."

"Alam mo ba ang bahay ni Kerron?."tanong ko sa kaniya

"Hindi, why?."

"Pupuntahan ko sila sa kanila, char lang nakakahiya kaya."biro ko

"Lakas ng loob mo ah."natatawang sabi ni Lexi.

After ng ilang minuto ay nakarating narin sa bahay nina Mace.

"Ang tagal niyo naman."nakasimangot na sabi ni Mace habang nakaupo sa semento malapit sa gate nila.

"Hoy bat dyan umupo? Para kang tanga."saad ni Lexi pagkababa niya ng kotse

"Ayokong pumasok sa bahay ei."sabi ni Mace

"Bakit?. Pinalabas ka ng Kuya mo?."tanong ko

"Hindi, gaga. Andun na kasi ang Heartthrobs, ma out of place lang ako pag dun ako noh."

Pansin ko namang natahimik si Lexi sa tabi ko.

"Sila Grey? Andun ba si Grey?."

"Oo naman, kailan ba yun mawawala."sagot ni Mace

"E si Kerron? Andun ba?."ako naman ngayon ang nagtanong, sana andun din si Kerron dahil kung wala siya pupuntahan ko talaga siya sa kanila, patapangan na to.

"Oo andun siya."

Nagulat ako sa sagot ni Mace at the same time nakahinga ako ng maluwag, mabuti at andito siya para hindi nako mahihirapang pilitin siya.

HENDRIX ACADEMY : Loving Mr.Sungit [COMPLETED]Donde viven las historias. Descúbrelo ahora