CHAPTER 15: LETTER

61 5 0
                                    

"Wag kayong sumali dito, kung ayaw nyong madamay! Kahit sikat pa kayo sa paaralang ito wala kaming pakialam ang importante maipaghigante namin ang mga jowa namin na ngayon ay nahihiya ng lumabas dahil sa kagagawan nila!."singhal nung lalaki habang tinuturo saming tatlo akala ko hihinto na siya pero hindi pa pala at dinamay pa talaga ako ha..

"Labas si Anya dito boy, kaya wag mo siyang tinuro turo dyan kong ayaw mong patulin ko yang daliri mo."sabat ni Lexi, ito talagang si Lexi ang tapang tapang kaya nasasangkot sa gulo ei hindi kasi nagpapatalo.

"Magkita kita nalang tayo sa guidance, alalahanin niyo, may ebidensya kami, sisiguraduhin kong maeexpell kayo sa paaralang ito."pananakot niya saka akmang aalis na sila ng magsalita si Cloud

"Wait, ebidensya ba ka mo? May ebidensya din kami."saad ni Cloud kaya nagtataka kaming talo nina Mace at Lexi na tumingin sa kaniya

"Anong ebidensya nyo?."

"Ito."hinarap niya dun sa tatlong lalaki yung phone niya kahit hindi ko kita yung video alam ko na kung ano yun.

"Ano kaya ang mangyayare sa mga jowa nyo kung ilalabas ko to? Sa pagkakaalam ko, sila ang nauna. At tinakot pa nila si Anya dito. At ito---."may pinakita ulit siyang isa pang video.  "-- im sure nakita nyo din to diba?."yun pala yung video nung nasa canteen ako kung saan pinagtutulungan akong pagbabatuhin ng mga pagkain yung unang video yun yung binuhusan nila ako ng tubig at dun ko din nakita si Cloud, hindi ko alam na kinuhanan niya pala kami ng video.

Namutla naman yung lalaki. 

"So ano? Paabutin pa ba natin to sa guidance? Baka kayo ang mapahiya at mapatalsik dito ng wala sa oras."si Kyro na ang nagsalita.

"Bat ba ang daming sagabal? Yung dalawang babae lang naman ang kalaban namin dito bat ba nangingialam kayo? Ha?! Kaano ano niyo ba sila?!."singhal nung lalaki, aba't tibay nya din ah, di pa natinag ang loko.

Nagsmirk si Cloud. "Ang dami mong satsat, hindi mo pa nga sinasagot ang tanong ni Kyro tas ngayon ikaw na naman ang magtatanong."sabi ni Cloud sa kanila, akala ko aaminin na niya na kapatid niya si Mace, hindi pala, talagang ayaw niyang madamay si Mace ah.

"Ano? Paabutin pa ba natin to sa guidance?."ulit na tanong ni Kyro habang nakacrossed arm, pareho silang apat na seryoso ang mukha.

Nagtingin naman yung tatlong lalaki,. "Hindi na po, sorry po. Sana huwag nyong ilabas ang mga video maawa kayo."yung isang lalaki na ang sumagot.

"Sige Andrew basta pagsabihan mo yang si Paul na huwag na tong uulitin."sabi ni Tyke sa kanila.

So Paul pala ang name nung maangas na lalaki, ang lakas lakas ng loob na hampasin ng libro ang table namin.

"Si-sige po, idedelete nalang po namin yung ebidensya namin sana kayo din po, patawarin nyo na po kami, at hindi na po to mauulit."sabi nung Andrew at pinakita niya pa samin na idenelete na niya nga yung video nina Mace at Lexi.

"Siguraduhin nyo lang na hindi na to mauulit, dahil pag naulit pa to diretso guidance na tayo at siguraduhin nyo lang na sapat ang ebidensyang hawak niyo."banta sa kanila ni Cloud at ipinakita sa kanila na idenelete na niya yung dalawang video na involved yung tatlong babae.

Tumango naman yung Andrew saka umalis nadin sila, hindi na nila hinayaang magsalita o pumalag man si Paul. At kami naman ay bumalik na sa pagkakaupo habang ang Heartthrobs naman ay nakatayo parin sa tinatayuan nila kanina.

"Kayong lahat.! Huwag na huwag nyong ilalabas ang mga video na nakunan nyo ngayon kung ayaw nyong magkagulo tayo okay?."banta ni Cloud sa mga estudyanteng nakikipag usyuso.

Sabay sabay na sumang ayon naman ang lahat ng estudyante saka kanya kanyang labas na ng canteen hanggang kami nalang pito ang natira, ang Heartthrobs at sina Lexi at Mace. class hour na kasi ulit.

HENDRIX ACADEMY : Loving Mr.Sungit [COMPLETED]Where stories live. Discover now