CHAPTER 21: PROM PREPARATION (1)

64 6 0
                                    

Nagtataka kaming dalawa ni Axel ng makarating kami sa Academy. Madami kasing nagkukumpulang mga estudyante sa harap ng bulletin board.

"Anong meron?."tanong ko kay Axel

"Aba malay ko, kararating pa nga lang natin."sagot niya

"Tara puntahan natin."baka gold dun chars, baka may announcement ei.

Sumiksik kaming dalawa ni Axel para makarating sa harapan at makita tapaga kung anong meron.

What: JS PROMENADE
When: This Coming Friday (8pm)

"Prom pala."napabuntong hininga nalang ako

"Aattend ka ba?."tanong ni Axel

"Di ko alam." Umalis na kaming dalawa dun at naglakad na patungong classroom ko.

"Dapat umattend ka."ani Axel

"Hindi ako sanay sa mga ganyan ganyan ei."sagot ko, kahit nung high school palang kami tuwing may Acquaintance Party hindi talaga ako umaattend, hindi naman sa ayaw ko, kundi nahihiya talaga ako at isa pa wala din naman akong masusuot. Si Axel lang ang palaging umaattend ng mga ganyan ganyan.

"Umattend ka na Anya, andun naman ako ei, ako ang magiging escort mo."nakangiting sabi niya

"E?."napakamot nalang ako sa nuo ko. "Hindi nga ako sanay, hindi ko alam kung anong meron dun o kung anong gagawin."

"Ah basta sasali ka sa ayaw at sa gusto."saad niya saka mabilis na tumakbo palayo ng makarating kami sa tapat ng classroom.

Hay buhay.

Pumasok na ako sa loob saka dumiretso sa upuan ko, infairness ang aga ni Kerron ah nauna pa siya sakin.

"Aattend ka ba ng js Prom?."tanong agad sakin ni Lexi ng makaupo ako

"Ewan ko, mukhang hindi."sagot ko

"Why naman hindi?."

"Hindi ako sanay sa mga ganyang mga event ei."sagot ko

"E? Sayang naman, aattend kami ni Mace tas ikaw hindi."malungkot niyang sabi saka nag pout pa.

"Good Morning Class."
Umayos na ako ng upo saka tumingin sa harapan ng pumasok na si Sir Chavez.

"So next friday na ang JS Prom natin, and i hope na lahat kayo ay aattend."saad ni Sir

"Paano po kung ang iba ay hindi aattend?."tanong ng isa kong kaklase

"Well, alam niyo na. Dagdag points to sakin at sa mga hindi aattend huwag na kayong magugulat sa mga grado niyo."saad ni Prof at ikinatahimik ko.

"So sino dito ang hindi sasali? Itaas ang kamay."tanong ni Sir

Walang nagtaas ng kamay, hindi ako nagtaas, sasali na ako bahala na andun naman sina Lexi at Mace kasama ko at andun din naman si Axel. Tsaka sayang din ei pandagdag points to kaya hindi ko to sasayangin.

"Sasali ka na?."masayang tanong ni Lexi

Tumango ako. "Oo sayang naman ang points bahala na."

"Nice! Sa Linggo magsho shopping tayo, pipili na tayo ng mga damit na susuotin natin sa Prom."masayang sambit ni Lexi.

"Kayo nalang ang magsho shopping, may damit naman ako dun sa bahay."saad ko

"E? Sumama ka na, ako ng bahala sa babayaran wag kang mag alala tsaka dapat maganda tayo dun sa Prom baka sakaling tayo ang magiging Prom Queen of the Night."

"Nako Lexi nakakahiya noh tsaka okay pa naman yung damit ko ei." Actually nahihiya na talaga ako sa kanila, palagi nalang talaga nila akong nililibre tsaka okay pa naman yung nag iisa kong dress dun sa bahay, bigay sakin yun ni Ate at isang beses ko lang yun nasuot nung 18th Birthday ko palang.

HENDRIX ACADEMY : Loving Mr.Sungit [COMPLETED]Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin