CHAPTER 31: SAVIOR

37 2 1
                                    

Lexi's POV

Nang nalaman naming umalis pala si Axel, hindi na agad kami nagdadalawang isip na ikwento sa kanila ang mga nalaman namin kanina pero hindi namin sinali yung kay Kerron baka mas lalo pa silang mag alala.

"Jusko sana wala silang gagawing masama kay Anya, ano bang dapat nating gawin?."kinakabahang tanong ng mama ni Anya.

"Guys tignan niyo, gumalaw na si Kerron."bulong sa amin ni Grey saka pinakita sa amin yung phone niya.

"San sya pupunta?."pabulong na tanong ko

"We don't know, dito nalang kayo kami nalang ni Tyke ang susunod kay Kerron."saad ni Grey

"Ha? Pero gusto naming sumama."pagmamatigas ko, hindi ako papayag na hindi sasama.

"Ah excuse me, anong pinagbubulungan niyo?."tanong nung Mama ni Axel

Napaayos naman kami ng upo saka ako na ang sumagot kay Tita.

"Ah ano po tita----- magpapaalam na po sina Grey at Tyke, sasamahan po nila si Kerron na maghanap, dadaan pa kasi sila presinto."palusot ko ptek naman hindi na ako makasama langya nman.

"Opo tita magpaalam na po kami."sabay tayo ni Tyke at sumunod rin si Grey

"Ah sige mag iingat kayo ha sana may makuha kayong makakatulong sa paghahanap natin kay Anya."saad ng Mama ni Anya

"Opo tita."sagot ni Tyke, tinap niya muna ako sa ulo bago sila lumabas dalawa ni Grey.

Alam kong hindi ito ang tamang oras para kiligin pero kinikilig ako ei my ghad.

Anya's POV

Masakit ang ulo ko ng magising ako sa isang kwarto na walang kalaman laman, may isang maliit na bintana at isang pinto.

"Nasan ako?."tanong ko sa sarili, akmang tatayo na sana ako pero nagulat nlang ako na nakatali pala ang paa at kamay ko sa upuan.

"Sht!. Anong------ bakit ako nakatali?."nagpupumiglas ako pero sumakit lng ang kamay ko wala namang nangyayare.

Inalala ko ang mga nangyare at napanganga nalang ako ng maalala kung saan ang huling lugar na pinuntahan ko.

"Bat ako nandito? Anong nangyare? Sinong may gawa nito?---------

Napatingin ako sa pinto ng bumukas yon at pumasok si Veron?At may kasama pa syang apat na kalalakihan. What the heck anong ginagawa ng bruhang yan dito? Siya ba ang may gawa nito sakin?.

"Mabuti naman at gising kana, kumusta ang tulog mo mahimbing ba?."sarkastikong tanong sa akin ni Veron

"Veron pakawalan mo ko dito! Bat ako nandito?! Pakawalan mo ako!."saad ko sa kanya habang nagpupumiglas pero ngumisi lang siya sa akin.

"Later darling. Sa ngayon dyan ka muna, stay ka lng dyan, wag kang magpupumiglas sinasaktan mo lang ang sarili mo pakakawalan rin nman kita dyan mamaya. Okay? Maghintay ka lng."matamis niyang sabi saka pekeng ngumiti sa akin saka tinalikuran ako.

Ano na naman ang pinaplano ng bruhang iyon? Pag ako talaga nakawala dito pi pritohin talaga kita Veron.

"Veron! Ano na naman bang pakulo to ha?! Hindi na ako natutuwa pakawalan mo ako dito!."sigaw ko sa kaniya.

Humarap ulit siya at lumapit sa akin.  "Alam mo Anya, kung nilayuan mo lang sana si Kerron hindi ka madadamay dito ei pero ang tigas ng ulo mo."dinuro niya pa ang ulo.   "Hindi ka kasi nakikinig sakin kaya ayan tuloy."

"Baliw kana."seryosong sabi ko sa kaniya, totoo naman talaga, nababaliw na siya dahil lang kay Kerron.

Kinilabutan ako ng bigla siyang ngumisi, "Akin lang si Kerron, at hindi ko hahayaang mapunta lang siya sa katulad mong galing sa mahirap. Ano namang mapapala niya sayo? Wala. Wala siyang maipagmamalaki, unlike sakin, nasa akin na lahat---------

HENDRIX ACADEMY : Loving Mr.Sungit [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon