CHAPTER 23: PROM PREPARATION (3)

56 4 0
                                    

"Ito tama na ba?."tanong ko kay Ashi, na kaklase ko na officer din, andito kami ngayon sa Hall, ako na ang nagpresenta na magsabit ng kurtina sa stage, di pa kasi kami tapos magdesign bukas na ang Prom kaya kailangan na naming matapos to ngayon.

"Itaas mo pa ng konti dun sa bandang kanan."saad niya at sinunod ko naman siya, kanina pa ako dito adjust ng adjust di talaga maperfect, nangangalay na ang mga braso ko tas take note, naka tiptoe pa ako dahil di ko naman masyadong abot di naman kasi ako bininyayaan ng katangkaran.

"Ito okay na?."tanong ko uli at nag thumbs up siya, finally. natapos din. Bumaba na ako sa upuan na inakyatan ko saka tinignan kong sakto na ba.

Okay naman, perfect.

"Asan ba si Kerron diko yata siya nakita ngayon?."rinig kong tanong nung isang estudyante na kasamahan ko rin sa kausap niya.

Onga, di ko nga rin nakita ang lalaking yun. 10oclock na pero wala pa siya, wag niyang sabihing di siya pupunta dito, sasapakin ko talaga siya pag nakita ko siya bukas sa Prom.

Pinagpatuloy ko nalang ang ginagawa ko habang hinihintay ang lunch break, gusto ko ng makita sina Lexi at Mace.

Yung stage nalang kasi ang tinatapos namin, tapos na ang lahat, naka arrange na ang mga upuan at mesa, may pa red carpet pa di ko knows na may pa red carpet, red carpet pa  ganito pala pag puro mayayaman ang mga estudyante dapat bongga ang JS Prom kahit mga estudyante lang ang nag de design, inaamin kong magaling sila parang pam professional ang galawan parang sanay na sanay.

Nilagyan din nila ng balloon na naka form ng letter U na baliktad sa entrance na  nagsisilbing parang pasukan mo bago ka maglakad sa red carpet.

"Anya di ka pa ba mag la lunch?."tanong sakin ni Ashi

Tinignan ko ang relo ko, 11:25am na pala, malapit ng matapos ang klase.

"Hindi, mamaya na ako, hihintayin ko pa sina Mace at Lexi."sagot ko sa kaniya

"Ah sige."

Umalis na sila, at unti unti ay nawawala na ang mga estudyante sa loob ng hall at ako nalang ang natira.

At dahil wala akong magawa, kinunan ko nalang ng mga litrato ang hall namin para naman may remembrance ako diba.

Busy ako sa pagkukuha ng mga litrato sa kakaatras ko bigla nalang ako nabunggo sa isang pader.

Ay teka. Pano nagkaroon ng pader dito sa gitna ng hall? Nakaharap kasi ako sa stage namin.

"Asan ang mga tao dito?." Napapitlag ako sa sobrang gulat ng may magsalita sa likuran ko kaya mabilis akong humarap

"Langya ka talaga Kerron ano na naman ba ang trip mo ha?."singhal ko agad sa kaniya habang nakapameywang.

Tinaasan niya ako ng kilay,. "Ano? Nagtatanong lang naman ako, malay ko bang nagulat ka."seryosong sabi niya

"Alam mo, trip mo talagang gulatin ako noh, sarap mo talagang sapakin bwesit ka."inis kong sabi

"Ano bang problema mo? Nagtatanong lang naman ako, tsaka wag mo nga akong sabihan ng bwesit di ko naman kasalanan na magugulatin ka."

"Ewan ko sayo, bahala sa buhay mo magtanong ka dyan sa mga upuan baka sagutin ka, bwesit." Padabog akong naglakad palabas ng hall. Bigla bigla ba namang susulpot na lunch break na.

"Ano ban problema mo? Nagtatanong lang naman ako." Di ko alam na sinundan niya pala ako at ngayon ay sinabayan niya akong maglakad.

"Bat kasi nang gugulat ka? Di ka man lang nagsabi na andito ka pala."inis kong sabi

HENDRIX ACADEMY : Loving Mr.Sungit [COMPLETED]Where stories live. Discover now