CHAPTER 12: MOVIE

57 5 0
                                    

Ngayon ay nasa loob kaming dalawa ni Mace sa kwarto niya, antahimik niya ngayon baka hindi parin siya makamove on kanina sa sinagot ni Cloud. Langya naman kasi tong si Kyro ei ang ingay ingay.

At nagulat nalang ako mg biglang umiyak si Mace.

"Anya hindi niya ako gustooooo.... Ang sakit sakit nun."sabi niya habang umiiyak

"Baka naman nagulat lang siya nun o kaya kinabahan kaya ganun ang sagot niya."pagpapatatag ko ng loob niya

"Hindi ei, hi-hindi niya talaga ako gu-gustoooo."

Niyakap ko nalang si Mace saka hinahaplos ang likod niya.

"Tahan na Mace, tahan na."pagpapatahan ko

Medjo matagal tagal rin bago tumahan si Mace, kung andito lang sana si Lexi ei, isa pa yung maingay baka pagsabihan niya pa si Tyke.

"Teka dito ka lang ha ipagkukuha kita ng tubig."paalam ko sa kaniya saka tumayo na at nagtungo sa kusina

Medjo kinakabahan pa ako habang tinatahas ang kusina, ng makababa ako sa hagdan rinig na rinig ko na ang mga pinag uusapan nila. Pagkapasok ko sa kusina lahat sila ay sabay sabay na lumingon sakin.

"Ku-kukuha lang ako tubig, sige ipagpatuloy niyo lang ang pag uusap niyo."sabi ko sa kanila saka dumiretso sa ref at kumuha ng tubig

"Umiyak si Mace?."nagulat ako ng biglang bumulong sakin si Cloud

Tumango naman ako bilang sagot.

"Hoy kayong dalawa, may tinatago ba kayong sekreto samin?."sabat na naman ni Kyro

"Wala."deritsong sagot ko saka nagmamadaling lumabas na ng kusina

(Kerron's POV)

"BRO, may something ba kayo ng babaeng yun?."tanong ni Kyro

Nakikinig lang ako sa pag uusap nila, wala akong balak na magsalita. At hindi parin ako makapaniwala na andito yung babaeng yun. At ang nakakainis pa pilit akong kinukulit ng mga mokong na to ang gumawa ng project, kasama yung babaeng yun na ayaw ayaw ko talaga.

"Bakit interasado ka?."nakatingin lang ako kay Cloud habang seryosong sumagot kay Kyro

So may something nga sila, kahit hindi siya sumagot ng meron o wala, halatang halata naman sa closeness nilang dalawa.

Wow! Bilib na talaga ako sa babaeng yun. Ang kapal. Talagang magkapatid pa ang tinarget niya ha.

"So may something nga? Naks naman Cloud baka iwan mo na kami nyan."sabi ni Kyro

Nawalan nako ng gana na makinig sa usapan nila.

(Back to Anya's POV)

"OKAY ka na ba?."tanong ko kay Mace after niyang uminom ng tubig

Tumango naman siya. 

"Mas mabuti pang magpahinga ka na muna."sabi ko sa kaniya

"Langya kasi ei, nawala tuloy pagka cool ko dahil lang dun, ano naman kung hindi niya ako, edi ipipilit ko parin kukulitin ko siya ng kukulitin hanggang sa magbago ang isip niya at magustuhan niya ako."

Iba talaga ang tama ng babaeng to ei, lahat talaga gagawin para lang makuha ang gusto niya.

"Tara dun muna tayo sa sala, manonood muna tayo ng movie kasi nasa kusina pa naman sila."sabi ko sa kaniya, gusto ko lang na pansamantalang mawala ang sakit sa kaniyang dibdib.

"Okay manghihilamos lang muna ako baka makita pa nila ang namumula kong mga mata"sabi niya saka nagmamadaling pumasok sa banyo

Nang matapos na siya ay lumingkis na naman siya sa braso ko saka sabay kaming bumaba ng hagdan.

HENDRIX ACADEMY : Loving Mr.Sungit [COMPLETED]Where stories live. Discover now