CHAPTER 37: ANYA'S SISTER

27 1 0
                                    

Kinaumagahan, laman agad sa newsfeed ko ang balita tungkol sa relasyon namin ni Kerron. Madaming nag congratulate sa amin at marami ding nanlumo dahil hindi nila nakuha si Kerron, im sorry girls but he's officially mine now.

*Kringgggg, kringgggg kringgggg*

Napataas ang kilay ko ng may tumawag na unknown number. Sino kaya toh.

Nagdadalawang isip na sinagot ko ang tawag.

"Anya!!!!!!."napangiwi agad ako ng marinig ko ang matinis na boses ng pinakamamahal kong sisteretttt.

"Ateeee!!! Nagpalit ka ng number?."bungad na tanong ko

"Oo kasi may bwesit na text ng text dun sa dating number ko eh, so by the way kumusta na kayo dyan? Si Mama? Kumusta? Miss ko na kayo."aniya

"Miss ka na rin namin, ayos lang naman kami kahit papaano, kailan ka ba uuwi excited nakong makita at mayakap ka."masayang sabi ko

"Likewise, don't worry magkikita rin tayo at kung kailan man yun ay surprise muna."aniya sabay tawa

"Erss may pa surprise surprise pa eh."

"Surprise muna. By the way ano tong nakita ko sa timeline ng Facebook mo, ikaw babae ka luma lovelife ka na pala, akala ko nag aaral ka ng mabuti dyan."

"Nag aaral naman talaga akong mabuti."sagot ko

"Ano tong nababasa ko sa timeline mo? At bat naka in a relationship ka na? Sino tong Kerron Sandoval na to? Mabuting tao ba to?."tanong niya

"Yes naman po Ate, napakabuting tao niyan kahit tanungin mo pa si Mama."

"Talaga lang ha, ipakilala mo yan sa akin kapag nakauwi ako dyan siguraduhin mo lang na mabuting tao yan at hindi yan sagabal sa pag aaral mo."

"Sige ate pero kailan ka ba uuwi?."tanong ko ulit baka sakaling sabihin na niya.

"Secret, it's a surprise nga, wag mo kong inaano dyan hindi mo ako mauuto. Ibigay mo kay Mama ang telepono gusto ko siyang makausap tsaka may pasok ka pa diba?."

HENDRIX ACADEMY : Loving Mr.Sungit [COMPLETED]Where stories live. Discover now