CHAPTER 8: SUNSET

52 6 0
                                    

(Kerron's POV)

Napataas ang dalawang kilay ko ng makita ko yung babaeng pinakaiinisan ko sa lahat. Ikaw ba naman ang araw araw na kukulitin para lang sa project dika ba maiinis nun. At kasama niya pa ang dalawa niyang kaibigan ha. Di ko alam na ang mahirap na kagaya niya ay may gana pang mag mall. Iba talaga pang may mga kaibigan kang mayaman.

Pero mabuti nalang sa week na to tatlong beses niya lang ako kinukulit.
Natakot na siguro siya dahil sa nangyare sa kanya sa canteen. Sino ba naman ang hindi matu trauma kung pagtulungan ka ba namang pagbabatuhin ng mga pagkain ng mga estudyante.

Mabuti na din yun ng tigilan na niya ako. Ayoko kasi sa mga taong pilit na pinipilit ako sa mga bagay na ayaw ko.

"HOY KERRON! HOY!."nabalik ako sa realidad ng marinig ang boses ng kapatid ko

"Kung maka Kerron ka dyan, ikaw ba ang matanda ha?!."sikmat ko sa kaniya

"Kasi naman Kuya ei, kanina pa ako tawag ng tawag sayu di ka naman nakikinig ei."sagot niya sabay pout

Kung hindi lang ako pinilit ni Kera na sumama sa kaniya mag Mall bat pa ako pupunta dito. Wala naman akong mapapala na maganda.

"Bilisan mo na dyan ng makauwi na tayo."sabi ko sa kanya

"Ang aga naman nating umuwi, pwedeng mamaya na."sagot niya

Abat... Ang tigas talaga ng ulo ng babaeng to.

"Sige dito kana lang, ako nalang ang uuwi bahala ka sa buhay mo."seryoso kong sabi sa kaniya saka akmang aalis na pero pinigilan niya ako

"Oh chill kalang Kuya, bad trip ka masyado ei, ito na nga oh magbabayad nako dun sa counter wait ka lang. Chill."

Napailing nalang ako. Wala talaga akong interes sa mga ganito. Mas gusto ko pang magkulong nalang sa kwarto at maglaro ng online games than doing this.




(Back to Anya's Pov)

Andito kami ngayon sa third floor ng Mall, itong kasing si Lexi nag aya pa na mag laro daw muna kami.

"Anong lalaruin mo Lexi?."tanong ki sa kaniya

"Tara dun tayo sa may basketball, palakihan tayo ng score."sabi ni Lexi

"Tapos?."

"Wala. Palakihan lang tayo ng score."sagot niya

Natawa nalang ako sa sagot niya.

"Teka girls iwan ko muna kayo, ilagay ko muna tong mga pinamili ko sa kotse babalik ako agad."paalam ni Mace

"Sige lang girl."sagot ni Lexi saka naglakad na siya dun sa may basket ball

"Sige."sagot ko rin saka umalis na siya.

Pansin ko lang na ang dami niya palang dalang mga paper bags at di man lang siya nagpatulong sakin. Parang nahiya tuloy ako.

Natawa nalang ako habang pinapanood si Lexi na nagsho shoot ng bola, panay kasi mura niya kapag hindi niya mashoot ang bola.

"Putek, what the f! Anong klaseng ring bato? Bat di ako makashoot, may sumpa ata to ei."sabi ni Lexi at tinawanan ko lang siya.

Hanggang sa maubos ang token namin kakalaro ng basketball konti lang na ticket ang nakuha namin.

"Tara papapalitan na natin tong ticket natin."masayang sabi ni Lexi habang dala dala ang ticket na nakuha namin

"Konti lang naman yan ei."sagot ko

"Oo pero im sure may kapalit parin ito."sagot niya saka ako hinila kasi papapalitan na namin yung ticket.

HENDRIX ACADEMY : Loving Mr.Sungit [COMPLETED]Where stories live. Discover now