CHAPTER 28: HOLDING HANDS

44 3 0
                                    

"Anya, Anya."napalingon ako sa likuran ko ng may tumawag sa pangalan ko

"Oh bakit Kerron?."takang tanong ko ng mapagtantong siya pala ang tumawag sa akin.

Naglalakad kasi ako papasok na ng gate sa school, wala kasi si Axel  kaya nagtataxi lang ako papunta dito, pero nakita ako ni Kerron.

"Kumusta?."tanong niya at sumabay ng lakad sa akin.

Napantastikuhan akong tumingin sa kaniya, really Kerron? Anong nakain mo at nangungumusta ka ata ngayon? At isa pa, tinawag mo pa ako sa pangalan ko ah, sinapitan ka ba ng mabait na spiritu ngayon?.

"Ok lang?."nagdadalawang isip na sagot ko.
Huminto siya sa paglalakad at taas kilay na tumingin sa akin.

"May problema ka ba?."takang tanong niya

"Ha? Ako? May problema?-----Wala naman."

"Bat parang grabe ang pagtataka ang nakaukit mukha mo?."

"Kasi naman ano---, nagulat lang ako."

"Kanino?."

"Sayo."

"Sakin? Bakit?."

"Kasi naman ei, bat parang may nagbago yata sayo."

"Ha?."tinignan niya naman ang sarili.   "Anong nagbago?."

"Wala."sagot ko nalang, saka naglakad ulit, bahala na nga loading niya masyado ei.

"Hoy, antay naman."tawag niya, talagang hino hoy hoy pa talaga ako ah, kanina lang tinawag pa ako sa pangalan ko tas ngayon 'hoy' na, bahala siya dyan.

Mas binilisan ko pa ang paglalakad at hindi siya pinansin.

Paakyat na ako ng hagdan pero naabutan pa ako ni Kerron saka bigla akong inakbayan.

"Sabing hintay ei."aniya

Inalis ko ang braso niya sa balikat ko.   "Nagmamadali ako ei."tinignan ko ang relo ko.  "O kita mo? Late na tayo." nilagpasan ko sya ulit at naunang maglakad.

"Ito naman, nang iiwan agad eh."nagulat ako ng hawakan niya ang kamay ko saka hinila at mabilis na naglakad, ako naman parang bata na hila hila niya.

Nang makarating kami sa tapat ng classroom, gusto ko ng tanggalin ang kamay ko mula sa pagkakahawak niya pero ayaw niyang bitawan.

"Kerron yung kamay ko bitawan mo."sabi ko sa kaniya

"Ha? Anong sabi mo? Di ko narinig."aniya saka binuksan ang pinto ng classroom at lahat ng mga mata ng mga kaklase namin ay sa amin napunta.

Sht.

Mabilis kong hinablot ang kamay ko, buti at nahablot ko saka nagmamadaling naglakad patungo sa silya ko.

"Ano yun girl?."nakangising tanong agad ni Lexi

"Ha? Wala."

"Yiie bat kayo magkasabay dalawa?."bulong niya kasi naglalakad na si Kerron papunta din sa upuan niya, sa tabi ko baka marinig pa ei.

"Nagkataon lang naman ei, nakita niya siguro akong maglakad papasok ng gate kanina kaya sumabay siya."bulong na sagot ko rin kay Lexi.

"Ah nagkataon."patango tango niya pang sabi saka ngumisi, mabuti at hindi na siya nagtanong pang muli.

Nang matapos ang klase ay napagdesisyunan naming dumiretso na sa tambayan.

"Oy Anya ikaw ah, yiieeee, anu yung kanina ha?."nakangising tanong kaagad ni Mace pagkaupo palang namin

"Wala yun noh, nagkataon lang naman yun noh."sagot ko kaagad.

"Nagkataon na magkaholding hands kayo?."tanong pa ni Mace

HENDRIX ACADEMY : Loving Mr.Sungit [COMPLETED]Where stories live. Discover now