Chapter 5- Grandmother

10.7K 346 2
                                    

Xykie

Tumakas kami sa palace ni Ate Jack. Gawain nya daw talagang takasan ang mga guards dahil batong bato siya minsan sa palasyo. Nagbihis kami, I mean siya lang pala...Nagbihis siya na parang commoner... Nakajeans kami, rubber shoes at t-shirt. Naka baseball cap din kami at shades. Nakatago ang buhok naming dalawa. Naglalakad kami sa pinaka center ng city kung saan madaming paninda sa buong kalsada. Parang market day.

"Daan tayo sa bilihan ng tuyo." Yaya ni Ate Jack.
"Meron dito?" Manghang tanong ko. She snorted.
"Kahit saan naman merong pinoy. Merong pinoy store malapit dito." She replied.
"Buti hindi sila nababahuan sa tuyo."
Tumawa ng malakas si Ate Jack. "Anong hindi. Noong una akong nagluto ng tuyo sa kusina, muntik ng atakihin si Lottie sa galit. Noong nakita niyang ako ang nagluluto, doon pa lang huminahon." Kwento nito.
"Paano pa kaya kung dried pusit ang niluto mo."I said.
Ngumisi si Ate Jackie. "Bibili nga din ako nun. Pang-inis lang kay Lottie at Rudolf." Nagtawanan kami.

Napahinto kami ni Ate Jack sa paglalakad ng matanaw namin si Henry na lumabas sa isang bahay malapit sa palengke.
"Dito ba nakatira si Henry?" Tanong ko kay Ate.
"Hindi." She replied.
Sumunod nalumabas ng bahay ang isang babae na naka night gown pa. Pinigilan nitong umalis si Henry at hinalikan niya ito.
"Mahilig si Henry sa mukhang hito?" Iyong ang unang lumabas sa bibig ko.

Bumitaw si Henry sa pagkakayakap ng babae at kumaway sila. Sumakay siya sa motor bike na nakapark sa harapan ng bahay at walang lingon na pina-andar iyon. Tulala akong sinundan siya ng tingin.

"Hoy."  Sinako ako ni Ate Jack.
"Pambihira...Ano laban ko sa babaeng mukhang hito?" Tanong ko kay Ate Jack.
"Seryoso ka, Xyk?" Hindi maipinta ang mukha ni Ate Jack. "Si Henry talaga?"
"Ano masama?" Tanong ko. Nagpatuloy kami sa paglalakad. Ang bigat ng dibdib ko. Sobrang sama ng loob ko.
Naku nga Xykie, kapag crush, crush lang...walang selosan... pangaral ng utak ko.
"Matanda na yun eh." She replied.
"Ten years lang." Defensive na sagot ko.
"Lilipas din yang crush mo." She said. Humito siya sa bilihan ng churos saka umorder ng dalawa.

Crush daw... dalawang taon na 'to, crush pa din?
Hindi effective ang sinabi ni Tita Diane na magpakipot... Baka kay Tito Tristan lang effective yun ah. Kailangan makaisip ng paraan. Dadaanin kita sa dahas kung kinakailangan.

"Princess." Bulong ng isang matandang babae kay Ate Jackie. Muntik ng mabuga ni Ate ang kinakain niya. Patay, may nakakilala sa kanya.
"Mrs. Lightwood." Bati niya.
Lightwood?... As in? Kamag-anak ni Henry?
"Oh, Princess... You should not eat on the street. Come with me. I will serve you some tea."
"I am with my cousin." She replied. Even though we are not truly cousins... We are not related by blood...But our fathers, they treat each other like brothers.
"Then by all mean, bring her too. Come, ladies..." Masayang hinila ng matanda si Ate Jackie.

Naglakad kami palabas ng street... The roads here are made of bricks and it's like time has stopped in this country. Ang labas ng bahay ay parang hango sa fairy tale. Para akong naglalakad sa village nila Belle. Isang cute na cottage ang tirahan ni Mrs. Lightwood. Kulay cream ang labas ay napaka homey ng loob.

"Are you alone in here, Mrs. Lightwood?" Tanong ko.
"Yes, dear."  Sagot niya.
"Oh, where's my manners. Mrs. Lightwood, this is my cousin, Xykie. Xykie this is Mrs. Emma Lighwood." Pagpapakilala ni Ate Jack.
"You can call me Emma, Xykie. Mrs. Lightwood is making me old." She joked. She went to her small kitchen.
"She is Henry's grandmother." Ate Jack said.
Biglang may parang switch na nagclick sa utak ko. Well, hello grandmother to be!
"Ahhh... I see." I said. Hindi ko pinahalata na para akong nabunot ng first price sa raffle.
"I assumed you meet my grandson." She said. Naglapag siya ng teapot sa coffee table at tatlong teacup.
"Yes. The tall, glowering knight at the palace." I replied smiling. Emma chuckled.
"Yes, that would be my grandson." She said.
"He should be here by now. I wonder what makes him so long today?"
Natawa ng bahagya si Ate Jack.
"He just left Lady Bernadette's house before you found us." Sagot ni Ate Jack.
Akalain mong umismid ang matanda. Hah...may kakampi ako.
"Oh, you didn't hear it from me." Biro ni Ate Jack.
"Of course." Emma winked at us.

Pinakita ni Emma ang mga old pictures na tinatago niya. Mga pictures nila ng asawa niyang matagal ng pumanaw. Nag-iisang anak nya ang tatay ni Henry na namatay ng maaga kaya siya ang nagpalaki sa apo. Ang nanay naman daw ni Henry ay nag-asawa ng iba hindi pa man naaagnas ang anak niya sa libingan...That's her own word.

Kasalukuyan naman kinukwento ni Emma ang adventure niya sa London. Nakilala niya daw doon si Paul McCartney. Kinikilig na kinuwento niya ang moments na kasama niya si Paul ng dumating si Henry.

"I can hear your giggle from the outside." He said.
Natigil kami sa pagkukwentuhan ng pumasok siya sa sala.
"What are you two doing in here?" Tanong ni Henry.
"Oh...where are your manners, young man?" Sita ng lola niya. Pinigilan kong mangiti ang I look around maliban sa nakasimangot na si Henry.
Masama pa ang loob ko sa kanya.
"I will escort you back to the palace." Pagprisinta niya.
"We are still drinking our tea. I didn't teach you to be rude." Parang batang pinagalitan ni Henry. Nahagikgik kami ni Ate Jackie.
"Sit down and join us. At least tell me that Lady Bernadette gave you something to eat before you left her doorstep this morning." Nakapamewang na si lola. Tumingin si Henry sa amin ni Ate Jackie.
"Oh...don't look at them like that. I saw you when you left her house earlier. Sit down."
Sumunod si Henry sa lola niya habang kumuha ng tea cup sa kusina si Lola Emma.

"So, the knight is scared as a cat with his grandma..."I taunt him and the stare he gave me can freeze a guard. But I am not a guard so I just chuckled at his face.

Right Here Waiting (Complete)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin