Chapter 37- Chase

11.1K 323 15
                                    

Xykie

"So nakausap mo siya?" tanong ni Sakura sa akin.
Nakatambay na naman kami sa The Lakeside. Ako, si Sakura, si Violet. Si Summer ay busy sa kanyang bar kaya ang dalawa na ito ang nakikinig sa drama ko.
"Yes."I replied.
"At nagpaliwanag na siya sayo?" Tanong ni Violet.
Tumango ako. Pinaliwanag ko sa kanila ang sinabi ni Henry... pati ang history ng parents niya. They both rolled their eyes.
"Sabi nga ng mommy mo, men in general are stupid." Sakura pointed out.
"Looks that way. I just can't believe that he hurt me on purpose." May pagtatampo na sumbong ko sa kanila.
"Eh ang akala niya he was saving you. Napaka chauvanist niya." Humalukipkip si Sakura. Naasar din siya kay Henry dahil alam niya kung gaano ako umatungal noong pauwi ako.
"Ano pa sabi niya?" Tanong ni Violet.
"Je t'aime" I replied.
Tumili si Violet at pinaghahampas ang braso ko.
"Bakla, kinikilig ako." Sabi nito.
"Ano ba, masakit! Babaliin ko pa yang isang kamay mo para hindi ka na makapanakit." Babala ko sa kanya.

Napatingin kami sa maiingay na pumasok sa resto. Kasama na naman ni Ralph si London... we snorted ng makita namin na nakasunod sa kanila si Chase Marcelo. Anak ni Tito Cloud at Tita Yumi.

"Naku, nandito yung mayabang." Nakangusong comment ni Violet. Sumimangot din si Summer na nag-aayos ng wine sa bar niya ng makita si Chase. Nakakasira naman talaga kasi ng araw si Chase. Bukod sa laging nakasimangot, parang nang-aalipusta pa ang tingin. Palibhasa, sa kanya pinamahala ng lolo niya ng Ongpauco Group of Companies. Feeling niya, dukha lahat ng tao dito. Kung hindi lang mabait ang magulang niya, hindi namin kakausapin yan eh.

"Bakla, mabalik nga tayo sa lolo mo." Sabi ni Violet.
"Isa pa Violet... Tatamaan ka na."
"Ano ang plano mo ngayon?" Seryosong tanong ni Violet.
"Wala pa. Sa totoo lang gusto kong mag-effort siya."
"You have to accept that fact that he will go back to Cordonia dahil nandoon ang lupain niya." Sakura pointed out.
"That too... Hindi ko alam kung ano ang mangyayari... I just want to live one day at a time." Bigla ang daming balakid. Kung hindi kasi tanga itong si Henry eh di okay na sana kami.
"LDR ang peg nyo. Kaya naman yun, Xyk. Saka, hindi naman siya kagaya ng mga kaibigan natin na babaero. Siguro, why we are attracted to men older than us is because of their maturity." Napatulala kami ni Sakura kay Violet.
"Si Xyk pa ba ang pinag-uusapan natin dito?" Natatawang tanong ni Sakura.
Nawala ang seryosong mukha ni Violet at lumitaw na naman ang pagkapilya nito. "Sino pa ba? Lagay kayo ni Kiro eh ilang taon lang tanda sayo nun."
Namula si Sakura sa sinabi ni Violet.
"Gapangin mo na kasi si Kiro." Suggestion ni Violet. Natingin sa amin sila Ralph ng tumawa kami ng malakas. Pati si Chase tumingin sa amin. Ayun na naman ang disapproving look niya. Feeling nya library to, bawal mag-ingay.

Nag-usap pa kami ni Henry bago sila umuwi sa Cordonia. Nalulungkot ako, syempre pero kailangan kong bigyan ng value ang sarili ko di ba.

"I will call you as soon as we land." He promised.
"Okay. I know Morris will take care of you."
He rolled his eyes. "He is more loyal to you than me." He snorted.
"That's good then." I smirked.
"Stay out of trouble, My Lady." He hold my hand and kissed my knuckles.
"I am watching you." I jested.
"I know you will." He replied in a serious tone. "I don't want to leave, Xykie."
"Your life is in there."
"My life is in your hands." He said. Pinipigilan kong kiligin eh. Tong taong 'to.
"I will be back in here... even for a day or two just to see you."
"Je t'aime tellement mon amour" (I love you so much, My Love)

"Ingat ka. Yung ribs mo, pakaingatan mo. Alam mo naman, tumatanda ka na." Biro ko sa kanya para maiba ang usapan. Dahil baka sumagot na ako ng I Love You too sa kanya kapag pinagpatuloy nya pa yan. Saka, iba pala kapag French... malambing sa pandinig kahit hindi ko maintindihan lahat.

Umiyak ako pagkaalis nila Henry. Matagal din akong pinapatahan ni Violet, Sakura at Brooklyn. At dahil wala si Brook noong nandito si Henry, kinuwento nila Sakura at Violet ang nangyari na nagpaiyak na naman sa akin. Hanggang naglapag na ng wine si Summer sa amin.

"Xykie." Nagulat ako sa nagsalita sa likod ko.
"Why the fuck are you still here, Lucas?" Mabuti at wala ng masyadong tao sa resto. He snorted.
Ipinakilala ko ang mga kaibigan ko sa kanya for the sake of manners.
"Si Sakura, si Brook, si Summer at si Violet. Mga bakla, si Lucas. Pinsan ni William at Henry."
"Hi ladies, it's my pleasure to know you all." Bati ni Lucas.
"The pleasure is all mine." Sagot ni Violet. "Hi...I'm single." Inabot ni Violet ang kamay niya kay Lucas.
At ang damohong Lucas, he bows and kisses her hand.
"Lasing lang..." Hinawi ko ang kamay ni Violet na mukhang nagtagal sa pagkakahawak ni Lucas.

Pwede ba? Eksena ko ito eh, umeeksena kayo!

Right Here Waiting (Complete)Where stories live. Discover now