Chapter 22- Hangover

8.8K 295 6
                                    

Xykie

Ang sakit ng ulo ko!!!! Hindi ako makabangon kahit binuksan na ni Marissa ang bintana.
"Now My Lady, you must stay away from wine from now on." Sabi ni Marissa sa akin.
"Tell Henry I'm dead," I told her.
"I can't do that." Tumatawang sagot niya.
"Just tell him to eat alone. I can't move... My head hurts. I am dying." May pagka OA na sabi ko.
"You must be dehydrated. I will tell Lord Henry that you have a hangover." Sabi ni Marissa.
"Tell him that and close the curtain again, please. Thank you." Magalang na pakiusap ko sa kanya.

Parang merong wrecking ball sa ulo ko... Hindi na ako iinom...ng madami.

Bumukas ang pintuan ng kwarto ko. Hindi ko na nilongon si, Marissa. I close my eyes and pretend to sleep.
"You need to eat, Xykie." Naramdaman ko ang pagdaiti ng kamay ni Henry sa mukha ko.
I slowly open my eyes. Merong parang nakakalokong ngiti sa mukha niya.
"Do you want more wine?" Tanong niya. Nagtalukbong ako ng kumot para itago ang mukha ko.
"Seriously, you need to eat and drink a lot of water." Umupo siya sa gilid ng kama at hinila ang kumot na nakatakip sa mukha ko.
"The whole house staff is worried about you."
"They are?" tanong ko.
"Yup...And Morris is making sure you will have something to eat this morning." Sabi niya.

"You really have a hangover. I haven't heard you this silent until now." Natatawa itong nakatingin sa akin.
"Don't make fun of me," I murmured.
"I'm not." Sabi nito pero natatawa.
"I'll leave you here. Your maid will come and feed you. I need to go to the field and survey the workers. Will you be alright alone today?"
Tumango ako.
"Call me if you are feeling better. You have my number, right?"
Tumango ulit ako.

Tumayo si Henry sa kama ko. His eyes are laughing, I can say.
"Sleep after you eat, Xykie." Sabi niya. Hindi ko inaasahan ang sunod na ginawa niya. He kissed my forehead. Hindi ako nakagalaw... Natulala ako.
"See you later." He said smiling.

Ano ang nakain niya? Impit akong nasigaw kahit masakit ang ulo ko. He kissed me... Oh my God. Kami na ba? Taragis hanggang ngayon hindi ko nalilinaw sa kanya. Lagi kong nalilimutan na tanungin. Diyos ko, ang puso ko... ang lakas ng tibok.

After lunch, nawala ang hangover ko. Salamat sa kisspirin...(naks). Mukha akong timang na naglalakad sa estate ni Henry. Tanaw ang taniman sa malawak na lupa niya. At sa may bandang dulo ng ilog, meron daw mga fish pond sabi ni Morris.

Naglalakad lakad ako, habang kumakanta ng Glory of Love...Feel na feel ko ang kanta, ramdam nyo ba? Sa sobrang sabaw ng utak ko, hindi ko napansin na may babaeng palapit sa akin.

"Who are you?" Sabi ng babae.
Mahaba ang brown niyang buhok. Maganda ang pananamit at halatang may kaya sa buhay. Although, halata na ang mga lines sa mukha niya, napakaganda pa rin niyang tingnan.

Napalingon ako sa likod ko. Wala namang tao.
"Yes, you. Who are you?" Tanong ulit ng babae pagbalik ng tingin ko sa kanya.
"I'm Xykie," I replied. "Can I help you?"
"What are you doing in here?" Tanong niya.
"I am a guest in here." Sagot ko. Nakakunot ang noo ng babae at iisang linya ang bibig.
"A guest? I thought you were a maid. Does Henry lost his damn mind?" Medyo bastos na sabi nito.
"Dare to speak to me again that way, madam. I will forget that you are older than me." Sagot ko sa kanya at tumalikod.
"You are not the type of woman that can chain Henry into marriage. You are not even from Cordonia." Tuloy tuloy ang pananalita nito. Hindi niya ako sinundan ng bumalik ako sa bahay. Nanatili siyang nakatayo sa may arko.

Umuusok ang ilong ko pagbalik sa bahay. Nakasalubong ko si Morris.

"What's the matter?" Tanong niya.
"Do you have a CCTV camera in the entrance area?" Tanong ko sa kanya.
"Ah...no." Sagot niyo.
Damn it... Sino kaya ang bastos na matandang babae na iyon?
"Why?"
"Nothing important," I replied.

Tumanaw si Morris sa labas ng bahay. Nandoon pa ang babae pero paalis na ito at malayo ang arko sa mismong bahay ni Henry.

"Who is that?" Tanong ni Morris.
"A lady who I wish I know her name."
"Did she said something to you?" Nakatingin pa rin sa labas si Morris. Nahawa na yata sa mood ko dahil nakatiim ang mga bagang niya.
"Nothing important, really. Just a rude white lady, Morris." I assured him.

I have a feeling that we will see each other again.

Right Here Waiting (Complete)Where stories live. Discover now