Chapter 24- Leticia

8.7K 292 2
                                    

Xykie


Buong puso akong nakiusap kay Ate Jack para magamit ko ang access niya sa Knights. Tinakwil na yata ako ng tatay ko at pati ang access ko ay tinanggal.

Kinuwento ko kay Ate Jack ang nangyari sa estate ni Henry. Although she said na baka praning lang ako at naghahanap ng gulo. Hindi ako pinakialaman ni Ate Jack. Iniwan niya ako sa office niya.

I was scanning the CCTV footage ng nasagip ng paningin ko si Bernadette na nilalandi si Henry. Mabuti nga at pinahabol ko lang siya sa aso. Kung ako ang humabol sa kanya, baka tinaga ko pa siya.

As a shadow, sanay akong magreview ng mga CCTV footage. Alam ko ang angulo na titingnan ko. At kung anong oras ang dapat kong tutukan. At dahil na rin sa kalandian ng babaeng hito, hinanap ko rin ang information niya sa data base namin. Kakaunting tao lang ang wala sa data base ng Knights. Ang tatlong Leaders, ang mga pillars, lahat ng Knights at Shadows... wala ang information namin sa data base. Pero lahat ng tao, nandito lahat. Nakakatakot mang isipin, pero ganun na ang mundo ngayon. You are not safe when your information was given to the wrong hands. At isang click lang sa mouse, lalabas na lahat ng information mo... Gaya ng kay Lady Bernadette.

Nahihirapan akong hanapin ang babae dahil kakaunti ang CCTV sa country area. Halos wala ngang CCTV doon. Kaya kailangan kong isa isahin ang CCTV around the palace...

Umaga na nang makakuha ako ng lead. Nakita ko ang mukha ng babaeng may lakas ng loob na alipustahin ako noong isang araw. Nasa city siya at palaging nakaupo sa isang shop sa may market place.
Nag-run ako ng facial data screening para malaman kung ano ang pangalan niya. Habang nagrurun ang data, nagtimpla ako ng coffee. Mabuti at merong coffee maker sa loob ng office ni Ate Jack.

Nakaupo ako at naghihintay ng data nang bumukas ang pintuan ng office at pumasok si Ate Jack. Kasunod si William at Henry.
"Hindi ka pa natutulog?" Tanong ni Ate Jack.
Umiling ako at tinaas ang mug na hawak ko.
"Sino ba yang hinahanap mo?" Tanong ni William. Lumapit silang lahat sa mga monitor na nagloload ng data.
"I found her. I just don't know who is she. Nagrurun na ng facial recognition. Saglit na lang lalabas na ang data na kailangan ko." I replied.
"Why do you have to waste your time with that woman?" Tanong ni Henry.
"Because... she said something I don't like," I replied.
"Saan mo siya nakita?" Tanong ni Ate Jack. Alam ni Ate ang ugali ko. Hindi ko hahanapin ang tao kung wala akong kutob na hindi maganda. Kaya siguro pinagamit niya ID at password niya sa akin.

"Lagi siyang nakatambay sa coffee shop malapit sa market place." Sagot ko.
Nakatayo sa likod ko si Henry at William. Nakaupo naman sa tabi ko si Ate Jack. When the loading takes 100%, lumabas sa monitor ang picture ng babae na mas malinaw.
"That's her," I said.
Hindi kumibo si Henry at William na nasa likod ko.
"Sino siya?" Tanong ni Ate.
Binuksan ko ang information page at binasa. Leticia Santorio. The ex-wife of Harold Lightwood...
"Is she your mother?" Tanong ko kay Henry. Lumingon ako sa likuran ko and his face...Oh, his face could kill.
"Do not find anything about her, Xykie. She is dead to me. Do not talk about her. Do not say another word about her. Do not talk to her." He said.
"But..."
"Just don't. For once, do as I've told you to do." Sabi nito. Walang lingon lingon na umalis siya ng office ni Ate Jack na sobrang galit.

Napahiya akong natingin kay Ate Jack. She tapped my shoulder at iniwan ako sa office niya. But before she closes her door she said...
"Matulog ka na Xyk."

Pagkasarado ng pintuan ni Ate, pinindot ko ang download button at sinend sa email ko ang report.
"Ano ang multong meron ka, Leticia?" Bulong ko sa nakabukas na larawan ng nanay ni Henry.
------------------
A/N

Sensya na... 2 UD lang muna ngayon.
Busy si ako mga beh.

Right Here Waiting (Complete)Where stories live. Discover now