Chapter 39- Kasabwat

11.1K 319 7
                                    

Xykie

After 4 months of video calls and few visits from Henry, napagpasyahan ko ng tapusin ang kabaliwan kong pagpapakipot. Sino ba kasi ang niloloko ko, eh kinikilig naman ako kapag kausap ko siya. Nalulungkot din naman ako kapag wala siya.

"Lady Xykie, all is set." Bulong si Morris sa phone. Siya ang kasabwat ko sa plano ko. Syempre, sino pa ba?
"Who will pick me up at the airport?" I asked him.
"It is already settled. Marissa will be there. I'm so excited, My Lady."
Natatawa ako sa saya ng boses ni Morris.
"Don't forget the small cake..." Bilin ko kay Morris.
"Yes...Yes... It is already settled. I think this is a wonderful idea. You are as brilliant as always, My Lady."

"Thank you, Morris."
"You are welcome, as always, My Lady"

Pahirapan magpaalam kay daddy para makabalik ako ng Cordonia. Naalala ko pa Ang pagtatalo nila ni mommy.
"Kyle, gusto mo bang maglayas na naman yan?" Tanong ni mommy ng tumanggi sidaddy na bumalik ako.
"Babae yang anak mo." Katwiran ni daddy.
"Sino ang nagturo sa kanya na bumaril?" tanong ni mommy.
"Ako." Sagot ni daddy.
"Sino ang nagturo sa kanya ng self defence?"
"Ako."
"So wala kang tiwala sa tinuro mo?"
"Huwag mo akong gamitan ng lawyer talk mo." Naiiritang sagot ni daddy.
Hindi ko mapigilang matawa. Natingin si mommy at daddy sa gawi ko. Parehong naniningkit ang mga mata.
"Sorry...sorry... Please proceed." I told them. Tinaas ko ang dalawang kamay ko dahil hindi pwedeng hindi sumuko sa kanila kapag nagtatalo sila ng ganito.

"Ano ba ang ikinatatakot mo, Kyle? Ano ang hindi mo sinasabi sa akin?" Sasabog na si mommy sa inis kay daddy... Naitikom ni daddy ang bibig niya. Interesting!May tinatago nga si daddy.
"Kyle... Babalatan kita ng buhay kapag nalaman ko yang tinatago mo." Banta nimommy.

And my dad looks at me like he was scared. For other's dad is a badass dude you don't have feelings... That is what they thought... My dad is full of emotions when it comes to use. And a lot of times he is scared for both me and my mom. Because that's what he likes to do, worry himself to death because of us.

"Oh, dad..." Yumakap ako kay daddy. "I will be alright."
"And your past can come after us and we will be prepared."
Niyakap ako ng mahigpit ni daddy.
"Do not turn off your tracker." Sabi niya.
"Yup...not this time. Alam ko namang papasundan mo ako eh." I raised my eyebrow to him.
"Bakit kasi kamukha mo si Samantha?" Dad looked at me with his loving eyes.
"Ano naman masama doon?" Nakapamewang na tanong ni mommy.
"Sobrang ganda kasi ng anak mo. Parang ikaw." Sagot ni daddy. My mom melts athis words.
"Eh di kayo na ang sweet." Bumitaw ako kay daddy.
"Dad...alam kong nag-iisa ka lang at walang katulad. But I chose someone who is as close to what you are. You are my benchmark, daddy. You showed me what a man should do to those he loves the most. You don't have to worry about me." Yumakap si mommy kay daddy. I don't know if she has tears on her eyes that she wants to hide from me.
"If ever, I will make mistake, I know you will always be here to catch me. You are my constant."

"You will be careful?" Tanong ni daddy after a while.
"I will."
"Okay." He replied.

Kaya ngayon, sakay ako ng eroplano papuntang France... And from there, isang mahabang biyahe papunta naman ng Cordonia. Effort kung effort ang biyahe... Halos buong araw na biyahe... walang tulog...goodluck sa eyebugs ko.

Kumakaway si Marrisa sa akin at may placard pang hawak ang driver ng makita ko sila sa arrival area sa France. Namula yata pati ingrown ko sa hiya dahil sa pawelcome back na placard.
"Why do you have that placard?" I hissed at her.
"Morris gave it to us." Sagot niya. Napasapo na lang ako sa ulo. Morris, sasakalin kita. Pinagtinginan ako ng mga tao, taragis ka.

"Does he have any idea?" Tanong ko kay Marissa pagsakay namin ng kotse.
"No, My Lady. Although Lord Henry is not happy about the celebration. He doesn't want to celebrate at all." Sagot ni Marissa.
"How did Morris manage to pull this party?"
"You know Morris. He doesn't accept NO for an answer. He will just do what he wanted to do regardless of Lord Henry's mood." Tumatawang sagot ni Marissa.

Nakatulog ako sa biyahe papuntang Cordonia. Ginising ako ni Marissa ng malapit na kami sa bahay ni Henry.

"I need to brush my teeth," I said.
"Don't worry My Lady. We still have time to fix you." Sabi ni Marissa.
Pinadapa ako ni Marissa sa sasakyan para hindi ako matanaw kung sakaling nakadungaw si Henry sa bintana. Pinadaan niya ako sa maid's entrance, sa passage na madalas nilang daanan.

Sa isang maliit na kwarto ako dinala ni Marissa pansamantala. Nakapagpalit akong damit, nakapagtooth brush at inayos ni Marissa ang buhok ko.

Tuwang tuwa si Morris nang makita niya ako. Nasa ballroom daw si Henry at kinakausap ang mga bisita niya. Gaya ng plano, dinala ako ni Morris sa library at doon ko hihintayin si Henry habang hawak ko ang maliit na cake na pinabili ko.

"Are you ready?" Tanong ni Morris.
"Yes." I replied.
"I will get, Lord Henry for you, Lady Xykie." Nakangiting umalis si Morris sa Library.

Sinindihan ko ang maliit na candle at hinintay si Henry, my love.

Right Here Waiting (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon