Chapter 9- Sakura

9.8K 331 21
                                    

Xykie

Tinawagan ko si Sakura kinagabihan. Dahil, syempre sino ba naman ang makakaintindi sa akin kung hindi si Sakura.

"Tinotoo mo nga ang paglalayas mo." Bungad niya sa akin pagkasagot niya ng video call.
Nakahiga na ako sa kama at pinapantasya na naman si Henry.
"Nasaan ka ba, bestie?" Tanong ko kay Sakura.
"Nasa Country Club." She replied.
"Kamusta naman ang mood ng parents ko?" Tanong ko sa kanya.
Tumawa si Sakura. "Bruhilda ka. Tinakot mo lahat ng mawala ka. Pati tracker mo nakaoff. Kulang na lang mabasag ang mga monitor sa HQ ng magwala si Tito Kyle." Napangiwi ako.
"Eh ngayon? Galit pa ba siya?" Tanong ko. Tumango si Sakura.
"Lalo na si Tita Sam. Pero alam mo, pinagtanggol ka si Tita Marie." Pagbabalita ni Sakura.

"Ang cool talaga ni Auntie Marie. Ano sabi ni Auntie?"
"That you are an adult and they should trust you. One way or another, children will leave their parents to build their own family."
"Tomo... bakit hindi maisip ng parents ko yun? Pero yung kapatid ko naman pinapayagan nila. Mas bata sa akin yun." Nagmamaktol na pagkukwento ko.
"Lalaki naman kasi si Jacob." She replied.
"Bestie, parang insult naman ang sinabi mong yan. Pareho tayong merong training. Mamatay-matay ako sa training na yun tapos ayaw akong pakawalan." Nagtatampong sagot ko.

"Change topic na nga tayo. Kamusta si Henry mo?" Tanong ni Sakura sa akin.
Bigla akong nagtitili at naggulong-gulong sa kama.
"Nangabayo kami kanina." Pagbabalita ko.
Sakura chuckled. "Atta girl. Saan kayo nagpunta?"
"Kung saan –saan." I replied. Kinuwento ko sa kanya kung paano ako natagpuan ni Henry nung first day ko dito. Tumawa si Sakura ng sinabi kong tinutukan ako ng mga baril ng mga guards. Kinuwento ko sa kanya lahat lahat...hanggang sa pareho na kaming kinikilig.

"Pero bestie, ang nakakinis kasi, tinatawag niya akong kid. Tingin niya talaga sa akin, bata." Naiinis na pagkukwento ko.
"At least ikaw bata lang tingin sayo. Sa akin, kapatid. Tingin nya pa rin sa akin kapatid. Bwisit." Nagdadabog na sagot ni Sakura.
"At least nakakausap mo ng matino si Kiro."
"At nakikita ko rin kung sino-sino ang lumalabas na babae sa kwarto niya tuwing umaga. Ang sakit-sakit sa puso." Pagkukwento ni Sakura.

"Ano ba ang meron sa mga lalaki na ito at napaka-manhid?" Tanong ko.
"Nawawalan na ako ng pag-asa kay Kiro." Seryosong sabi ni Sakura.
"Don't... Remember si Tito Renz at Tita Lise... They grew up together din. Habang may buhay, may pag-asa." Para kaming tanga ni Sakura.
"Kiro doesn't look at me the way he looks at his flings. He doesn't see me as a woman."

Bigla kaming natahimik ni Sakura.

"Hindi naman siya legal na ampon ng parents mo di ba?"
Tumango si Sakura.
"Hindi niya kinukwento ang nangyari sa parents niya. Ang natatandaan ko lang,dinala ni Mommy si Kiro sa bahay noong ten years old ako, pagkamatay nila Tito Hana at Tito Hiro. Then dinala na siya dito sa Pilipinas after ng libing.Pinalitan nga di ba ang name nya. Hindi naman talaga Kiro ang tawag namin sa kanya dati. Hindi naman iyon ang tunay niyang pangalan." Mahinang pagkukwento ni Sakura.
"Baka dahil doon sa nangyari kaya hindi ka niya tinitingnan, bestie." I commented.
"Kahit ano pa ang dahilan niya, nasasaktan pa rin ako." Sabi nito.

"Nu ba yan, nagdrama tayong dalawa. Anyway, Xyk, enjoy your day with Henry. Hindi ko alam kung tama na kinukunsinte kita." Sabi ni Sakura.
"Nauubusan na nga ako ng pasensya sa lalaking yun." I replied.
"Patutukan ko na kaya ng baril kay daddy?" Biro ko kay Sakura. Tumawa siya.
"Baka patayin ng tuluyan ng daddy mo." She commented.
"Syang tunay. Hindi malabong mangyari." I replied honestly.

"Sakura..." I heard Kiro's voice. On the spot nagkulay pink si Sakura.
"Shhh..." She said to me.
"Bakit?" Tanong niya.
"Sino yang kausap mo?" Tanong ni Kiro.
"Friend ko." Sagot ni Sakura.
Narinig kong bumukas ang pintuan ng kwarto ni Sakura. Napasigaw siya.
"Hindi ka marunong kumatok?" Inis na tanong niya kay Kiro.
"Sino yang kausap mo?" Tanong ni Kiro.
Natatawa ako... Damohong Sakura, namumula. Parang guilty...
"Kaibigan ko nga." Sagot nito.
"Patingin..." Sabi ni Kiro. Nag-agawan sila sa cellphone ni Sakura...hanggang sa bumungad sa akin ang mukha ni Kiro.
"Hi." Bati ko sa kanya. He rolled his eyes.
"Masaya ka na?" Sigaw ni Sakura sa kanya.
"The prodigal daughter." He said bago niya binigay kay Sakura ang phone.
"Lumabas ka na nga. Hindi naman kita pinapakialaman. Nangengealam ka sakin." Binalibag ni Sakura ang pintuan ng kwarto niya ng makalabas si Kiro.
"Looks promising, bestie." Tukso ko sa kanya.
"Huwag mo akong paasahin." Sagot nito.   
--------------
A/N
Ayan na si Kiro... 😊

Right Here Waiting (Complete)Where stories live. Discover now