Epilogue

16.5K 372 27
                                    

Xykie

After a month sa Cordonia, kailangan ko ng umuwi ng Pilipinas. Nagpupumilit sumama si Henry, ihahatid nya daw ako. Di ba, parang tanga lang? Nagsasayang kami ng pamasahe. Sumama din pag-uwi ko si William at Ate Jack... at ng mabalitaan ito ni Lucas, sumama din siya. Kaya ngayon, instead na commercial flight ang sakyan namin, naging private jet na dahil kay Ate Jack at Kuya William. Iba talaga ang royalties.

"Nawiwili kayong umuwi, noh? Ginagawa nyong Cubao ang Pilipinas." Tukso ko kay Ate Jack.
"Baka mabugbog na naman kasi si Henry." Sagot ni Ate Jack.
"Ikaw, ano ang dahilan mo?" Tanong ko kay Lucas.
"I was bored." Sagot nito.

Kinausap ni daddy si Henry pagbalik namin. Silang tatlo lang nila mommy ang nag-uusap. Nakakapraning silang hintayin sa labas ng office ni mommy.

"Parang bibitayin si Henry kung mag-alala ka ah?" Biro ni Violet. Siya ang naiwan para making sa mga drama ko sa buhay dahil nasa Japan ngayon si Sakura.
"Ano kaya pinag-uusapan nila?"
"Who knows? You can ask him later. You don't have to kill yourself with anxiety." Sagot ni Violet.
Palakad lakad ako sa labas ng office ni mommy nang bumukas ang pintuan. Lumabas si daddy at Henry na nagtatawanan pa. Nakahinga ako ng maluwag.

"Baby girl?" Nagtatakang tanong ni daddy ng makita ako.
"Is everything okay?" Tanong ko sa kanilang dalawa ni Henry.
"Everything is perfectly fine." Sagot ni Henry.
"See...I told you." Violet pointed out.
"Kanina ka pa nakatayo dyan?" Tanong ni daddy.
"No." Sagot ko.
"Yes." Sagot ni Violet. "She is killing herself with worries."
I glare at Violet who rolled her beautiful eyes.
Nailing si daddy.
"Tara na, mauna na tayo kay mommy mo. Naghihintay sila Marie." Naunang maglakad si daddy palabas ng Grace Hotel kasunod si Violet.
"Stop worrying." Inakbayan ako si Henry at sumunod kay daddy at Violet.

"So, My Lady na din ang itatawag namin sa iyo?" nang-aasar na tanong ni Kuya Carlos.
"Pwede din, Kuya." Sagot ko. "Kailangan mong mag-bow sa akin." Nakikinig at nangingiti lang si Henry sa mga pang-aasar ng mga pinsan ko. Ate Jack snorted while laughing.
"Aba, hindi na siya pikon." Tukso ni Kuya Gab.
"Matured na kasi." Sagot naman ni Ate Cailee.
"Sana kayo din." I said sarcastically.
Nagtawanan si Ate Allison at Ate Zoey.
"Ayan kasi... Lagi nyo kasing niloloko." Sabi ni Ate Allie.
"Marunong ng sumagot si Lady Xykie." Eto na naman si Kuya Rome.
"Xykie, matanong ko lang, tuli ba siya?"
Nakunot ang noo ni Henry... Humagalpak ang iba sa tawa. Yung tipong maluha luha sila sa kakatawa. Tapos ako pulang-pula.
"What did he asked?" Seryosong tanong ni Henry sa akin.
"Nakakbwisit ka Kuya Rome. Bastos mo... Bastos..." Naiinis ako. Nagpapahid sila ng luha...
"Si Kuya William ang tanungin nyo... bwisit ka." Sabi ko ko pa.
"Tuli sya." Sagot naman ni Ate Jack ng walang kahiya-hiya.
"Oh, itranslate mo na. Naghihintay si Henry." Sulsol ni Kuya Gab.
Maluha luha ako sa inis sa kanila. Bakit ba ang bully nila?

Nahinto sila sa pagtatawanan nang mabitawan ni Ate Allie ang basong hawak.
"Allie?" Nag-aalalang inalog ni Kuya Carlos si Ate Allison.
Nakatulala si Ate Allison at namumutla.
"What is happening to her?" Tanong ni Henry.
"She is seeing something. She has a gift of premonition." Sagot ko kay Henry.
"Allison...Can you hear me, sweetheart? What is happening?" Kuya Carlos is begging his wife to speak. Tumulo ang luha sa mata ni Ate Allie. Then she looks at Kuya Carlos.
"Tawagan mo si Tita Abby." She said. She is shaking with fear.
"Tawagan mo sila... Paalisin mo sa bahay nila. Ngayon na." Sigaw ni Allison. Napatingin sa amin ang mga magulang namin.

Tumayo ako at kinuha ang laptop na laging nasa bag ko. Henry cleared the table in front of me. I key in my password and went inside of our system. Hinanap ko ang cctv malapit sa bahay nila Tita Abby. Pumunta si Kiro sa likuran ko.

"Bilisan nyo." Sigaw ni Ate Allison.

"Tita Abby, sino kasama nyo sa bahay?" Si Ate Jack ang tumawag kay Tita. Lumapit ang mga magulang namin sa amin.
"Umalis kayo ni Tito Ayano...Ngayon na... Basta, Tita..." Paliwanag ni Ate Jack.

"Oh God... May mga tao sa labas ng bahay nila Tita." I barked. Tumingin ako kay Kiro and he looked pale.
"Ate Jack, paalisin mo sila. May baril ang mga tao... Madami ang nakapalibot sa bahay." I shouted.
Nanginginig na ang kamay ko kaya kinuha na ni daddy ang laptop at siya na ang nagmonitor.

"Xyk...what's happening?" Tanong ni Henry.
"I don't know..." I replied.

"Tita... umalis na kayo... Please... madami sila." Sigaw ni Jack sa phone.
"Tita Abby..." Sigaw ni Ate Jack ng madinig namin ang putok ng baril sa phone kahit hindi ito nakaloud speaker.

Pinanood ni daddy, Tito Ace at Tito Marcus ang nangyayari habang nakaloud speaker naman ang phone ni Ate Jack. Obvious na wala si Tita Abby sa kabilang line.

"Sino sila?" Umiiyak na tanong ni Ate Jack ng huminto na ang barilan.
"The Red Dragon Triad," Kiro replied in fury. "They will pay this time."

"They got Ayano... Wala si Abby sa kinuha nila." Halos hindi makapagsalita si Tito Marcus.
"We need to go to Japan now." Uncle Red in rage.

-The End
(Henry and Xykie)

Next Story
Forever Yours
- Kiro Murakami

——————
A/N
Syempre, alam nyo na... nasa next na story ang kasunod.
Thank you sa mga nagbasa, nakitawa at nagalit sa katangahan ni Sir Henry Lightwood.

Right Here Waiting (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon