Chapter 28- Perfect Shadow

9.1K 330 10
                                    

Xykie


Makulimlim ang panahon pero hindi naman umuulan. Parang ang feelings ko lang, nasasaktan kahit walang karapatan. Sabi ng huwag makikinig kay Moira kapag malungkot eh...

Lumabas ako ng palasyo...ulit. Mag-isa akong naglalakad ng walang destinasyon sa isip. Ano ba ang ginagawa ko sa buhay ko? Ano ba ang gusto kong patunayan? Ano ang gusto kong mangyari? Maghabol na lang sa lalaki na kasing manhid ng adobe? I am more than that. Tinitingala ako ng magulang ko. Nilagay sa itaas, ni ayaw malamukan. Then, what am I doing?
Sabaw na sabaw ang utak ko kaya hindi ko napansin ang sumusunod sa akin. Someone holds me at my shoulder to keep me from walking.

"Yes?" Magalang na tanong ko. Dalawang lalaki ang nasa likod ko. Dalawa sa harapan at meron pang dalawa na nakasandal sa poste ng ilaw.
Nagsalita siya ng French.
"Sorry, you need to speak ni English." Sabi ko sa kanya.
Nagtawanan sila. Ito ang isa sa mga oras na pinagsisisihan ko ang hindi pag-aaral ng French kahit pinipilit sa akin ni daddy.
"I said, you need to leave." Sabi nito. Matataas ang mga lalaki na nakapalibot sa akin. Nasa dugo na siguro nila ito. Wala naman akong nakitang below 5'5" sa mga tao dito.
"Actually, I was leaving the market. Let me pass." Seryosong sabi ko.
Nagtawanan na naman sila.
"You need to leave the earth." Sabi ni Kuya.
"Gago..." Sagot ko. "Saana ko pupunta, sa Mars?"

Tinanggal ko ang kamay sa balikat ko at sinagi sila para maituloy ko ang pagmumuni-muni ko. Pero may iba pa silang balak na gawin. Someone grabs my hair and pull it making my eyes automatically wet with tears.
"Fucking hell," I growled. I twisted his hand so he can release my hair and spin around and kick his throat. Bagsak ang isa sa lupa. Napaatras ang natitirang tatlo at lumapit ang dalawa. Pinalibutan nila ako.
"You bitch. You will pay for it." Sigaw ng lalaking bumagsak kanina. Nakabawi na ito at nakatayo na.

"Let me pass." Sabi ko.
"You will die in here." Sabi ng isa. Dalawa-dalawa sila kung sumugod. Madali ko namang naiiwasan ang mga suntok nila. Para kaming naglalaro at dahil doon, frustrated na ang mga gago. Naglabas na sila ng patalim at balak akong patayin sa gitna ng daan. Nakatawag na din kami ng attention at ang ilan ay umiwas na sa daan. Mayron din na nakikiusyoso at nanonood lang. Pero walang nakikialam kahit isa.

Unang sumugod si Kuyang natumba kanina. Inamba niya ang patalim na hawak sa akin. Nakaiwas ako sa kanya at nahawakan ang kamay na may hawak ng patalim. Binali ko ang braso niya gamit ang siko ko para mabitawan ang patalim. Napaatras siya dahil sa sakit ng pagkakabali ng braso. Nakuha ko ang patalim na nalaglag ni Kuya.
"Get her. Get her and kill her." Sigaw ng nabalian ng braso.

Sabay-sabay na silang sumugod sa akin. Lahat may hawak na patalim. Hindi ko na kayang pigilan, kailangan ko ng lumaban. Kaya ginamit ko ang nalalaman ko. Ibinuhos ko dito ang hirap ng training ni daddy. Hinigpitan ko ang hawak ko sa patalim.

I plunge the knife on once's throat. Sumisigaw siyang napaatras. Merong patalim na nakatama sa ribs ko. Hindi naman malalim, sapat lang para magdugo ako. Parang may nagswitch on sa utak ko. At kada iwawasiwas ko ang patalim na hawak ko, merong sumisigaw sa sakit. Kadalasan sa leeg ang saksak ko sa kanila. Isa isa silang napaluhod hanggang dalawa na lang ang natira. Puno na ng dugo ang blouse ko at nanlalambot na ako sa dugo na nawala sa akin.
Putok ng baril ang sumunod kong nadinig at napadapa ang natitirang dalawa. May tama ng bala sa batok at ulo. Lumapit si Lucas sa akin at tinutukan pa ng baril ang apat na natitira. Nagtangkang tumakbo ang nabalian ko ng braso pero pinaputukan iyon ni Lucas. Napadapa ito sa daan at wala ng buhay.
"What do you want?" Tiim ang bagang ni Lucas ng tanungin niya ang tatlong natira. Halos naghahabol na ang dalawa ng hininga dahil sa tama nito ng patalim sa leeg.
"We just following orders..." Sagot ng isa.
"Who orders you?" Tanong ni Lucas.
Sinapo ko ang sugat ko sa tagiliran. Hindi humihinto ang dugo.
"I don't know." Sagot nito.
"Then maybe, when I cut your fingers one by one, you will talk." Seryosong sagot ni Lucas.
Isa-isang dumating ang mga guards at kinausap ito ni Lucas. Itinali nila ang tatlong natitirang buhay.

"Lucas." Mahinang tawag ko dito. Lumingo si Lucas ng saktong nahilo ako at bumigay ang tuhod ko.
"Medic." Sigaw ni Lucas bago ako nawalan ng malay.

Nagising ako sa galit na galit na boses ni Ate Jack. Puti ang paligid ko at merong oxygen mask sa ilong ko. Ramdam ko din na may nakatusok na karayom sa kamay ko.
"Aray..." Napapikit ako sa sakit ng tagiliran ko.
"Don't move Xykie." Sabi ni Ate Jack. Tinanggal ko ang oxygen mask kahit pilit na binabalik ito ni Ate Jack.
"Ano nangyari?" I asked her.
"You lost blood." Sagot niya. Alalang-alala si Ate Jack at mukhang inabot ng galit kung sino man ang humarang sa akin.
"Sino daw ang nag-utos?" tanong ko ng bumalik sa ala-ala ko ang nangyari.
Natiim ang bibig ni Ate Jack. Matagal din bago siya sumagot.
"Si Bernandette." Sagot niya.
Tumango ako. "May kakalagyan siya sa akin." I said.
"Too late for you. I just paid her a visit earlier." Sagot ni Ate Jack.

Right Here Waiting (Complete)Where stories live. Discover now