Chapter 20- Bon Jovi

9.4K 323 10
                                    

Xykie


May pagbabanta ng naganap... Aamin din pala, pina-inis pa ako.

Hindi nagtagal si Henry sa kwarto ko. As usual, si manong na conservative, ayaw machismis sa mga tauhan niya. Ano na ba ang status namin? Kami na ba? Exclusively dating? Dapat pala nilinaw ko sa kanya. Tangina, ang gulo... Basta alam ko nagseselos siya... Ano pa ba ang sinabi niya kanina? Hay nakalimutan ko na... yung nagseselos lang siya ang naaalala ko. At kinikilig ako ng sobra.

Dahil wala na akong isusuot na damit kung hindi ang pinalaban ko kay Marissa, suot ko na naman kung ano ang suot ko noong Saturday ng umaga. Naabutan ko sa dining area si Henry na umiinom ng tea at nagbabasa ng news paper. Nakaready na rin ang breakfast pero mukhang hindi pa siya kumakain.

"Morning." Bati ko sa kanya. Binaba niya ang news paper at ngumiti sa akin. Aba, maganda ang gising.
"Masaya ka yata ngayon?" Tukso ko sa kanya.
"Yes. So don't start with me." Sagot niya.
"Where's the fun with that?"


Dinala ako ni Henry pagkatapos naming kumain sa isang street na parang open market. Sa isang area ang mga gulay at prutas at mga meat... tapos sa dulo ang bilihan ng mga tela, accessories, damit, slippers, shoes, etc.
"If you want to buy branded, I can take you to the city." He said over my ear. He is so close I can smell his minty breath and his cologne.
"This is fine with me," I replied.
Namili ako ng mga cute na statement shirt. I even asked Henry to translate some French words. Namili din ako ng mga accessories, mga wood beads necklace, cute na earrings, cute na slipper. Lahat cute at colorful. Pero and problema ng magbabayad na ako. Inabot ko kay ate ang bayad ko, inabot naman ni Henry ang pera niya.

"Please take mine." Magalang na pakiusap ko kay Ate.
"I can cover this, Xykie. Keep your money, and I will pay these."
"No. It's fine. I can pay for my own." Nakangiting sagot ko sa kanya. Naguguluhan na si ate kung kaninong pera ang kukuhanin niya.
"Xykie," Henry warned.
I was about to say something when he gave his money to the lady.
"Keep the change." Sabi ni Henry at hinila ako paalis sa stall.

"Xykie, you have to let me take care of your expenses... at least when you are with me." Sabi niya.
"Pero Henry, may sarili naman akong pera. Not that I am grateful. I am, really. Thank you dito. Pero kasi..." Tinaasan ako ng kilay ng damoho.
"Ayaw kong isipin ng kung sino na ginagamit kita dahil sa pera mo." I said.
Henry's nose flared. He inhales deeply before he speaks.
"Tell me when someone told you that you are a gold digger and they will know my wrath."

Ayyyiiiieee... Protective. Kinikilig ako.
"I can handle it. Hindi naman siguro ako madedeport kapag may sinuntok ako, di ba? Sagot ako ni Kuya William?" I replied cheekily. He snorted.
"And besides, gingagamit naman talaga kita. Para sa katawan mo nga lang, hindi sa pera." Biro ko. Nanlaki ang mata ni Henry at tinakpan niya ng kamay ang bibig ko. Napigilan nya tuloy ang pagtawa ko ng malakas.
"My God, I don't know what you will say next. Do not say that kind of jokes in public." Pagbabawal niya. Naluluha ako kakatawa sa lalaking ito. Tinanggal ko ang kamay niya na nakatakip sa bibig ko.
"Hindi yun joke." Sabi ko.
"Ewan ko sayo." Sabi nito. Ayun na naman ang accent niya.

Ang sabi nga ni Ate Jack, maraming Pinoy kahit saan. Kaya hindi nakakapagtakana meron akong nakitang isang stall ng mga kababayan natin.
"Uy, Pinoy." Masayang bati ko sa kanila.
"Uy kabayan. Bili ka na." Sabi ng isa sa bantay.
Nakatingin sa amin si Henry habang nakikipagtawanan ako sa mga Pinoy dito. Kung ano-ano ang paninda nila galing Pinas. Pero ang nakatawag ng pansin ko ay ang Magic Sing. Hahaha.
"Magkano?" Tanong ko sa hawak kong Magic Sing. Sinabi nila sa akin ang presyo.
"Mahal naman." Sabi ko. I saw Henry rolled his eyes.
"Dalawa na ang mic nyan, ading. Saka madami ang songs na naka-install. May libre pang card para sa bagong kanta ngayon." Paliwanag ni kuyang bantay.
"Wala ng tawad?" Tanong ko ulit.
"Xykie... Do you want it?" Tanong ni Henry.
"Jowa mo naman yata ang magbabayad. Huwag ka ng tumawad." Sabi ni ateng bantay.
Naunahan na naman akong magbayad ni Henry. Hindi niya hinintay na abutan siyang sukli. Kinuha niya agad ang Magic Sing at nagmamadaling umalis.
"Teka, yung sukli." Pigil ko sa kanya.
"Just leave it to them." He said.
"Teka lang." Nakakawala ang kamay ko kay Henry at bumalik sa stall nila ate.
"Ate, dagdag mo na ito ha." Kumuha ako ng isang balot ng otap at biscocho sa paninda niya. "Madami namang sukli eh." Dagdag ko pa. Hindi ko na sila hinintayna sumagot pa. Bumalik agad ako kay Henry na nakapamewang na sa gitna ng daan.

Pagbalik namin sa bahay ni Henry, naging abala ako sa paghahanap ng magagamit ko para iset-up ang videoke habang nakakulong siya sa library niya. Sa tulong ni Morris, nailabas namin sa garden ang malaking TV at speakers mula sa entertainment room. Nagpatayo din siya ng tent sa garden at meron pang mga fan. Nagpaluto siya ng pagkain sa kitchen. Masigla si Morris kapag abala sa pag-aayos ng kung ano ano. By the time na natapos kaming kumain ng lunch, nakaset up na ang lahat sa garden. Nakacharge na rin ang mga battery para sa mic at nakalatag na ang extension cord muna sa bahay papunta sa tent.

"What are you up to?" Tanong ni Henry ng makita ang tent.
"Would you like to join us?" Tanong ko. Nakunot ang noo ni Henry ng makita ang mga staff sa kitchen na naglalabas ng mga pagkain mula sa bahay papunta sa tent. Nandoon na rin ang ibang mga staff na akala mo hindi lunes ngayon.
"Lady Xykie, it's time." Sigaw ni Morris sa akin. Kumakaway mula sa garden.
"What am I missing in here?" Manghang tanong ni Henry.
"Tara na, huwag kang KJ." I said. Hinila ko si Henry papuntang tent.
Hawak na ni Morris ang isang mic pagdating namin sa tent. Nakapamili na din siya ng kanta. Excited na excited si Morris tapos tumugtog ang kanta ni BonJovi. Inabot ni Morris ang isang mic sa akin.

"This is a song for the broken-hearted." Simula ni Morris habang sinasabayan ang videoke tapos naghehead bang.

Natawa na lang si Henry. Wala na siyang nagawa.

Right Here Waiting (Complete)Where stories live. Discover now