Chapter 26- Face to Face

9.1K 319 23
                                    

Xykie


Hindi ko nakita si Henry ng mga ilang araw. His mother, Leticia, is still at the coffee shop every morning. I read at the report how Henry's father died and how his mother abandoned him after. And it breaks my heart for that teenage boy he was.

Tumawag ako kay Morris at inalam ko kung nasa Riverfield si Henry, wala naman daw. Hinanap ko siya sa palace at ni isang guard walang nakakita sa kanya. So I decided that day na puntahan siya sa apartment niya. Hindi niya rin kasi sinasagot ang kahit anong tawag at messages ko.

Naglalakad ako sa may market place ng sabayan ako ni Lucas sa daan.
"Saan punta?" He tried to speak tagalog.
"Hinahanap ko si Henry." Sagot ko.
"You can't see him even in his size?" He joked.
"He is not in the palace." sabi ko.
Kumunot ang noo ni Lucas.
"Strange." He murmured.

Napahinto ako sa coffee shop na pinagtatambayan ng nanay ni Henry. Nakaupo siya sa tabi ng bintana at nakatingin sa akin. Sinundan ni Lucas kung sino ang tinitingnan ko at nakita niya si Leticia.

"She is a bad news." Sabi ni Lucas sa akin. Hinawakan niya ako sa siko at hinila ng bahagya hanggang sa lumakad ako ng sa sarili ko.
"She is the devil incarnated," Lucas said to me. "Old Emma will curse her until she dies. The old woman hates her so much."
"I can't really blame her." Sagot ko kay Lucas.
"Yeah. I agree with you on that."

Dumaan ako sa bahay ni Emma para kumustahin ang matanda. Sinamahan ako ni Lucas at wala naman daw siyang gagawin ngayon. Talk about being a duke: walang magawa sa buhay.

"Henry is obviously not here," Lucas said after kaming mapainom ng tea. Hindi na namin sinabi na nasa tabi tabi si Leticia. Magwawala daw ang matanda sabi ni Lucas.

Naglakad pa kami palabas ng market area, papunta sa hilera ng mga apartment. Natatandaan ko ito mula sa cctv footage na pinapanood ko.

Pinindot ko ang doorbell pero walang sumasagot.
"He must be out." Sabi ni Lucas.
Pinindot ko ulit ang doorbell at nagkakatok sa pintuan.
"Wait a minute." Sabi ng boses ng babae sa loob ng apartment.

Nagkatinginan kami ni Lucas.
"Does he have a housemate?" Tanong ko. Lucas snorted.
"I doubt." Sagot niya. Kumatok ng malakas si Lucas sa pintuan.
Ako naman, nagngingitngit na sa inis.
"Hold on." Sabi ng babae na nasa likod na ng pintuan.

Bumukas ang pinto at lumabas si Bernadette na nagsasarado pa ng blouse at magulo ang buhok.
"Oh hi, Your Grace." Nakakalokong tumingin si Bernadette sa akin.
"Where is Henry?" Tanong ni Lucas.
"He is sleeping, Your Grace as he...we...had a long night last night." Sabi nito.
Naikuyom ko ang kamay ko. At nagmumuntikan ko ng sapakin si Bernadette,

"And may I know what are you doing in here, Lady Bernadette?" Tanong ni Lucas.
"Your Grace..." Tumawa ng mahinhin si Bernadette. "I rather not answer that. It's very personal. But I will assure you when my darling Henry wakes up, I will tell him that you've been here."

"Make sure you don't wear pink again, Bernadette if you don't want to run for your life again," I said. She narrowed her eyes on me.
"I have a video if you would like to see your face while running away." Sabi ko bago ako tumalikod at lumakad paalis sa apartment ni Henry.

"Don't jump to a conclusion." Sabi ni Lucas nang makasabay siya sa akin sa paglalakad.
"Mukha ba akong may conclusion sa utak ngayon?" Masungit na tanong ko sa kanya.
He chuckled and hide his laughter.
"We don't know why she was there." Sabi nito.
"Wala akong pakialam kung bakit sya nandoon." I replied. "Magpasalamat siya at sa aso ko lang siya pinahabol noong isang araw."
Tuluyan ng tumawa si Lucas.
"Ano ang nakakatawa?"
"You." Sagot nito.
"Balakajan." I told him. Iniwan ko siya na tatawa-tawa sa daan.

Parang may sa malas ang araw na ito... Kung kailan wala ka sa mood saka ka pahaharangin ng kampo ni Lucifer.
"I was right when I told Henry that you are good for nothing," Leticia said. Hinarang niya ako ng padaan ako sa street ng coffee shop na tambayan niya.
"Funny, cause he said the same thing about you," I replied nagpatuloy ako sa paglalakad.
"Do not turn your back on me when I am talking to you." Sabi ni Leticia at hinaklit niya ang braso ko. Bumabaon ang matatalas nitong kuko sa balat ko.
"I don't want to talk to you." Hinila ko ang braso ko at binitawan niya ito.
"Remember this... you are not for my son." Nanglilisik ang mga mata ni Leticia.
"Leticia, as far as I know, Henry didn't acknowledge you as his mother." Pagtatanggol ni Lucas sa akin.
"Lucas..."
"It's, Your Grace for you, Leticia." Nag-iba ang tono ni Lucas. He sounds ruthless... He is the evil cousin that William had before. Leticia gave a curtsy to Lucas and gave me a nasty smile before she went back to the coffee shop.

"Ang daming putangina ngayong araw na ito." Napamura ako sa galit. Palabasin nyo ang dugo ng tatay ko sa akin, kung hindi ko kayo tinadtad lahat.

Kitang kita ang bakat ng kamay ni Letica sa braso ko. Meron akong claw marks na ikinatiim ng bagang ni Lucas.

Right Here Waiting (Complete)Where stories live. Discover now