Chapter 7- Date?

10.3K 310 7
                                    

Xykie

"Lead the way, Sir Henry." My loves... I told him ng makasakay na kami sa kabayo.
"Do you know how to ride?" He asked.
"Of course." Nakangiting sagot ko.
Hindi ko alam kung paano ko napapayag sa kalokohan ko si William. Basta ang alam ko kinausap ko siya kagabi. Sinabi kong balak kong pakasalan si Henry. At tumawa siya ng tumawa hanggang mamula siya na akala ko hihikain na. Hanggang sa sinumbatan ko na si Kuya sa mga itinulong ko sa kanya dahil akala niya nagjo-joke lang ako. Mukha ba akong malaking joke sa kanila?

Una akong dinala ni Henry sa lumang village. Luma dahil hindi sementado ang mga daan at ang mga bahay ay parang noong panahon pa ng ninuno niya.

"This is the old city." He said. Madaming mga taong naglalakad. Mga kabayo lang at tao ang makikita sa daan. Walang ibang sasakyan. Iba ito kaysa sa market na pinuntahan namin ni Ate Jack kahapon. This one is pure ancient market. Pati mga gamit nila, luma.
"Meron pa palang ganito." I said to myself.
"Come again?" He asked. Umiling ako.
Habang padaan kami, binabati ng mga tao si Henry. Pansin kong malapit siya samga tao. Binabati niya kung sino man ang bumati sa kanya. Pati ang babaeng hito... Si Lady Bernadette...How dare he!...

Dahil I am suck in French...hindi ko sila naintindihan. Tinamaan ng magaling.

"Are you finish?" I asked Henry. Hindi ko pinansin ang tingin ng babaeng nakatingala sa amin. Mabali ba ang leeg mo, bakla... Pakialam ko?! Naningkit ang mata ni Henry at bumaling sa babaeng hito. Sa yamot ko, pinalakad ko na ang kabayo at iniwan siya.

Nakahabol si Henry paglagpas ko ng village.
"That was rude." He said.
"Rude, me? You didn't introduce me and now I am the rude one?"
"Hindi ko alam na mahilig ka sa babaeng mukhang hito." I murmured.

"What is hito?" He asked. I glared at him sideways.
"Catfish," I replied.
Biglang tumawa si Henry. Napahinto kami ng kabayo ko at sabay na tumingin sa kanya.
"Come now. You are full of antics." Yaya nito.
"You don't even understand what I said."
"Of course I do."
"Totoo?" Tanong ko sa kanya.
"Yup." He replied.
Aba't...ang tinamaan ng gwapong lalaki na ito, nakakaintindi ng tagalog.

"Bakit?"
"You mean, why I am trying to learn your language?"
Tumango ako.
"Because of those two... William and Jackie, they talk in your language and I always left behind wondering if what they are talking about is important in our country." He explained.
"Ahh... that explains. Pero nakakapagsalita ka ng tagalog?" Tanong ko ulit.
Umiling si Henry. "My accent is funny. Jackie heard me once and she burst in laughing."
"Can you try answering me?" Tanong ko. Malay mo, sobrang cute ng accent niya sa pandinig ko?!
"Na... I wouldn't dare. You of all people... You will just laugh your arse out until you fell from your horse." Naiiritang sagot nito. I giggled.
"Hindi naman siguro."
"Trust me, you will," he said flatly.

Dinala ako ni Henry sa lumang simbahan na napapaligiran ng mga lumang lapida. Ang mga date sa lapida is from 15th century pa.
"Anong simbahan ito?"
"Pagan..." Bumaba si Henry ng kabayo niya. Bumaba din ako at inakay ang kabayo ko. Tinali namin sa labas ng simbahan ang kabayo at pumasok kami sa loob.
"Meron pa bang pumupunta dito?"
"Some... This is an old country but our people embraced the new religion. But there are some who believed in old ways. Like the old city that we passed, some of us wanted to preserve the old Cordonia."

Parang gothic sa loob ng maliit na simbahan. Merong mga kandila na nakasindi sa gilid at merong isang monk na nagdadasal sa unahang pew. Ang liwanag galing sa sikat ng araw na pumapasok sa bintana ang syang ilaw ng maliit na simbahan.

Naglakad-lakad kami sa sementeryo sa labas habang kumakain ng damo ang mga kabayo.

"Merong kang kamag-anak na nakalibing dito?" Tanong ko kay Henry habang tinitingnan ang mga puntod. Matagal bago sumagot si Henry. Nagloading pa yata ang isip niya.
"There...Come." Yaya niya sa akin. Sinundan ko siya sa ilalim ng malaking puno.

"Lord Henry Lightwood, Earl of Riverfield." Binasa ko ang isa sa mga puntod.
"You don't use Jr. or the Third and so on when you use your ancestors' name?"
"No."Maikling sagot niya.
"So, you do have a royal blood." Wala sa loob na comment ko. He snorted.
"I don't think it that way." He said.
"Why? Too many responsibilities? Too many expectations?"
Nagkibit balikat si Henry at hindi ako sinagot.
"Who is managing your estate?"
"I am..." He replied.
"Of course you do... Malapit lang ba dito ang Riverfield dito?"
"Not so." He replied.

Bwisit naman kausap 'to... Isang tanong isang sagot. Hindi ako makahirit ng pasyal tayo sa estate mo. Laging supalpal ang mga tanong ko. Hindi ako makafollow up. End discussion agad.

"Let's go." Yaya ko sa kanya.
"Ah Thank God." Medyo OA na sagot nito. Nauna pang lumakad at iniwan ako sa ilalim ng puno.
"Let's go to your Grandma." Yaya ko. Hahaha, muntik ng matanggal ang ulo niyang bigla siyang napatingin sa akin. Akala mo ha...hindi pa ako tapos.

Right Here Waiting (Complete)Where stories live. Discover now