Chapter 35- From This Day

10.7K 373 56
                                    

Xykie

"Bakla, pumunta ka sa park...bilisan mo." Nagulat ako sa sigaw ni Sakura. Nasa Downtown ako, kasama si Lucas na bigla na lang sumulpot kahapon.
"Ano meron?" Nagtatakang tanong ko kay Sakura.
Hinila ako ni Sakura at mabilis na tumakbo sa parking area. Nakabukas pa ang kotse niya nang iwan nya ito. Nakasunod sa amin si Lucas.
"Ano ba Sakura? Kinakabahan ako sayo." Sumakay ako sa kotse niya. Sumunod si Lucas kahit walang paanyaya. Parang hinahabol ng sampung demonyo si Sakura kung magmaneho.
"Si Henry mo nandito... Naabutan ni Tito Kyle..."
"Ano? Bilisan mo... Mamamatay siya kapag hindi natin naabutan." Sigaw ko kay Sakura. Lucas looked amused while listening.
"Anong kabaliwan ba ang pumasok sa utak nun at tumuntong pa dito?" Tanong ni Sakura. Pinagpawisan ako sa sinabi ni Sakura.
"Nuknukan ng mulala... Naghahanap talaga ng sakit ng katawan." Pati si Sakura natataranta sa nangyayari.

Naabutan namin na duguan na si Henry at walang umaawat. Ang galit ni daddy, hindi talaga kayang awatin. Wala si mommy kaya for sure, walang aawat sa kanya. Mabilis akong pumunta kay daddy. Nakadagan siya kay Henry at nakaamba ang kamao.

"Dad... tama na po." Pagpigil ko kay daddy. Nahinto siya sa pagsuntok.
"Xykie." Henry called my name. Nanginginig ako sa takot para sa kanilang dalawa.

Henry tried to stand up when dad steps back from him. Bugbog na bugbog si, Henry. Tumutulo ang dugo sa mga sugat niya. Tiklop na ang isang mata, putok ang labi. Daddy use only his fist... his fist and nothing else and the damage is very severe. Napasinghap ang lahat nang lumuhod si Henry sa harapan ko at yumuko. A true knight on his knee.

"I, Henry Lightwood, the last Knight of Cordonia, do vow to you Lady Xykie that from this day forward, I will be forever in your mercy as your knight. I am here to strip my own capacity to hurt you further from what I did. From this day, in the presence of the Crown Prince, I am at yours to command. I vow to give my life for you until my last dying breaths, in the name of my ancestors and my honor."

Nawindang ako... Nangilabot ako at napatulala. He is making a vow in front of my father...in the middle of his battle...

"Can you stand up, Henry?" I asked him. Para siyang mabubuhal na.
"Oh, Lord... Medic." I shouted.
"On the way," Sakura answered back.

"What have you done?" I am afraid of what he did.

"What did he do?" I asked William or Morris...They are both stunned.

"He basically gave up his life to you. If you tell him to kill himself, he will do it." Lucas replied. He looked amused so I frowned at him.

Tuluyan ng nawalan ng malay si Henry. Nasalo siya ni daddy bago siya tuluyangbumagsak. Si Ate Cailee ang kasama ng medic ng araw na iyon. Napangiwi si Ate nang makita ang lagay ni Henry.

"Ako na Xyk. Baka tuluyan pang magalit ang daddy mo. Babalitaan kita." Bulongni Ate Cailee. Sumama si Morris at Lucas sa ambulance. Unti unti ng umalis ang mga usisero na nakapalibot kanina.

"Dad..." I weakly called him.
"He is stupid enough not to fight back." He said.
"And you expect him to fight you?" Tanong ko.
"If he wanted to stay alive... yes."
Napayuko ako sa sinabi ni daddy. Inakbayan ako ni daddy at hinalikan sa ulo.
"Maniha ang tuhod..." Napapailing itong bumalik sa Harley niya.

Pinagbawalan ako ni mommy na pumunta sa clinic. Isa pa siyang nanggagalaiti nang malamang nandito si Henry. Napilitan tuloy akong sumama sa kanila sa bahay ni Uncle Red. Nandoon ang mga pinsan ko at ang First Batch. Napagkatuwaan na naman nila ako.

"Xykie, mahilig ka pala sa lolo bakit hindi na lang si Tito P ang naging crush mo?" Biro ni Kuya Rome sa akin. Parehong pareho sila ng kumag niyang kapatid.
"Babaero si Tito P. Saka hindi pa matanda si Henry." Naiinis sa sagot ko.
"Huwag ka, dugong bughaw yun." Pakikisakay ni Ate Jack.
"Totoo?" Nanlalaki ang mata na tanong ni Ate Beth, girlfriend ni Kuya Jon.
"Oo. He is an Earl." Sagot naman ni Kuya William.
"Naks naman Xykie. Kahit pala lolo na yung jowa to be mo, magiging prinsesa ka pala." Sawsaw ni Kuya Gab. Bwisit talaga sila palibhasa masaya na sa mga buhay.
"Wala bang atribidang nanay yun, Xyk?" Tanong ni Ate Khal.
"Yun lang." Sagot naman agad ni Kuya William.
"Patay tayo diyan." Sabay sabay na sagot nila.
"Baka kailangan ipakausap kay Tito Kyle si mother nature ni lolo." Sabi ni Ate Allison.
"Bakit ba lolo kayo ng lolo? Henry pangalan nun." Pagtatanggol ko.
"Si Lord Henry." Sagot ni Ate Cailee. "Nadinig ko yung butler niya kanina, Lord Henry nang Lord Henry." She giggled. "Ay sorry, Xyk." She made a peace sign to me.
"Naku, may yaya pa palang kasama." Sabi ni Kuya Carlos. Ang saya nila... parang mga tanga...ang bully nilang lahat.

"Panis naman ang I Love You nyo sa from this day forward, I will be forever in your mercy as your knight," I said to them. Nahinto sila sa pagtatawanan.
"May punto siya. Mas nakakakilig yung sinabi ni Henry sa kanya kanina." Sabi ni Ate Zoey.

Mabuti pa si Ate Zoey, may isip. Yung mga kamag-anak ko, puro waley.

Right Here Waiting (Complete)Where stories live. Discover now