Chapter 1

15.9K 528 100
                                    

Alliah

Ilang cup na yata ng kape ang nainom ko dahil sa sobrang stress at pag-iisip. Hindi ako makapaniwalang pinalayas ako ng tatlo kong nakatatandang kapatid na lalake na sila Kuya Miles, Kuya Luca at Kuya Silas sa bahay namin. Kahit anong explanation ang sabihin ko na hindi ko boyfriend ang baliw at siraulong si Murphy na certified stalker ko since birth ay ayaw nilang maniwala sa akin.

Ang magaling na nerd ay nagbigay lang naman ng ebidensya sa mga kuya ko na 'boyfriend' kuno ko raw siya. At ang ebidensya ay ang chats namin sa isa't-isa na alam kong hindi naman ako ang nagtype no'n! Hinack ni Murphy ang Facebook account ko at gumawa siya ng imaginary girlfriend sa pamamagitan ng paggamit niya sa account ko na kunwari ay kachat niya.

Dumagdag pa ang hinala nila kuya ng makita nilang hinalikan ako ni Murphy sa labas ng bahay namin. Ayoko na lang alalahanin ang bugbog saradong katawan ng obsessed nerd na iyon ng dahil sa ginawa sa kanya ng mga kapatid ko.

At ngayon nga ay pinalayas nila ako sa bahay dahil sa galit nila sa akin at hindi ko alam kung saan ako tutuloy. Mabuti na lang at Summer months at wala pa akong pasok bilang incoming 1st year college student, kundi ay baka tuluyan na akong mabaliw sa kakaisip kung saan makakahanap ng matutuluyan at mas malaking pera.

Sapat lang ang kinikita ko bilang waitress sa isang restaurant na malapit sa pinapasukan kong school. Namomroblema ako dahil 2,000 pesos na lang ang laman ng wallet ko at two weeks pa bago ako sumweldo ulit. Kulang ang 2,000 sa balak kong pagrenta ng isang boarding o apartment at mauubos na ang remaining 1,000 pesos na gagamitin ko sa pag-stay sa isang hotel para may matuluyan ako.

Paano nagagawa nila kuya na tiisin ako nang ganito? Bakit nila ako pinalayas at pinabayaan gayong ako ang bunso nilang kapatid at alam ko kung gaano nila ako kamahal?

Bakit mas naniniwala sila sa kasinungalingan ni Murphy kaysa sa akin na sarili nilang kapatid?

Bumuntong-hininga ako at itinigil muna ang paghahanap ng malilipatan sa internet na magkakahalaga lang ng 2,000; nagbabakasakali na may murang marentahan.

Napahawi na lang ako sa buhok at hinilot ang sintido ko. Nakakastress!

"Are you okay, miss?"

Napatingin ako sa lalakeng bigla na lang tumabi sa akin at halata ang pag-aalala sa mukha niya.

Pinigilan kong huwag suminghap nang makita siya. Sa totoo lang ay gwapo siya, may blonde na buhok at blue eyes din. Alam ko na kaagad na may lahing banyaga ang lalakeng ito.

"A-ayos lang ako," sagot ko at hindi ko na naman mapigilan ang pagbuntong-hininga.

Ngumiti ang lalake. "Would you mind sharing your problems? Maybe I can help?"

Kumunot ang noo ko at pinagmasdan ng mabuti ang lalake. Never ko pa siyang nakita at hindi rin kami magkakilala kaya bakit bigla na lang siyang lumapit sa akin at inaalok ako ng tulong?

Lumipat ang tingin niya sa cellphone kong nakalagay sa lamesa at nakita niya ang room for rent na tinitignan ko sa Facebook marketplace.

"Are you looking for a room to rent?" tanong niya at tumingin ulit sa akin.

Tumango ako. "Pinalayas kasi ako ng biglaan at naghahanap ako ng pwedeng matuluyan pero kulang ang pera ko pangrenta. 2,000 pesos lang ang budget ko sa ngayon."

Sumandal ang lalake sa upuan at pinagkrus ang kaniyang mga kamay. May maganda siyang pangangatawan at well toned muscles sa kaniyang mga braso. Panigurado na nag-gygym ito.

"Well, meron akong pinapaupahang apartment at may anim na kwarto 'yon. My male friends have already occupied four of the six rooms at sa akin ang isa, but one remains unoccupied. You can get it for 2,000 pesos because I want to help you."

That One ThingTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang