Chapter 39

7.6K 303 54
                                    

Alliah

Naipasyal na yata ako ni Sergio sa kabuuan ng Baguio city. Talagang sinulit niya itong araw na 'to para lang masolo at makasama ako. Kung nakabuntot nga naman sa akin ang apat niyang kaibigan ay paano kami makakapag-bonding nang kaming dalawa lang?

Masaya ako dahil nagkabati na kami. Sabi na nga ba't nagseselos siya kay Riosh kaya kanina ay hindi man lang siya sumama sa pagsakay namin sa rides ng Skyranch Baguio. May mga pagbabago kay Sergio pero naiintindihan ko na kung bakit iyon nangyayari at hindi ko siya masisisi roon.

"You need to avoid that guy, Alliah. Matagal ko nang gustong sabihin sa'yo 'to pero ngayon lang ako nagkaroon ng pagkakataon para makausap ka. Guilherme is insane, and you didn't even know him." seryosong saad ni Sergio.

Hindi ako makapaniwala sa inamin niya sa akin tungkol kay Guil, at hindi rin makapaniwala na magagawa ni Guil ang bagay na iyon dahil iba ang pagkakakilala ko sa kanya. Kaya pala ako pinamanmanan ni Sergio sa tauhan ng pamilya niya ay dahil nag-aalala siya sa kalagayan ko sa pagiging malapit naming magkaibigan si Guil.

"P-pero bakit hindi nakulong si Guil? Sa ginawa niya ay dapat lang siyang makulong dahil kahit ex-girlfriend niya 'yong babae ay hindi pa rin tama na pinagsamantalahan niya 'yon," nanlulumo kong sabi.

Nagsisisi tuloy akong nakilala ko pa si Guil. Hindi ko alam na sa mabait niyang pakikitungo sa akin ay may itinatago pala siyang kasamaan. Hindi ko rin matanggap na siya ang first kiss ko!

"Guil's family is very powerful and influential. Wala rin'g sapat na ebidensya 'yong ex-girlfriend ni Guil para patunayan sa pulis at korte 'yong nangyari sa kanya, at kung meron man, siguro akong haharangan lang 'yon ng pamilya ni Guil with the help of their money. Guil's ex-girlfriend was not wealthy enough to fight for her justice." malungkot na sabi ni Sergio.

Iyon ang reyalidad, na kapag may pera ka ay mabibili mo ang batas. Naaawa ako para sa ex-girlfriend ni Guil na walang nagawa para makuha ang hustisya na dapat ay para sa kanya.

"May magagawa ka ba para sa ex-girlfriend niya, Sergio? Hindi ba't mayaman at maimpluwensiya rin ang pamilya ninyo?" tanong ko.

"I can do that under one condition," ani Sergio.

"Ano 'yon?"

"Please be my girlfriend." mariin niyang sabi.

"G-Girlfriend?" nautal kong sabi.

Tumango si Sergio at hinaplos ang pisngi ko. "I know Riosh is your boyfriend, but I want to be your boyfriend too; we've already discussed having a polyamorous relationship with you, Alliah, and it's okay with him because you've admitted that you like all five of us."

Napaawang ang bibig ko sa pagkagulat. Nabanggit na sa akin ni Riosh na bibigyan niya ng tsansa ang mga kaibigan niya para mahalin ako, pero nakakabigla pa rin ang polyamory relationship na sinasabi nila.

Kakaiba ang ganoong klaseng relasyon at panigurado na mahuhusgahan kami ng ibang tao nang dahil doon, ngunit ano nga ba ang pakialam nila sa buhay naming anim? Ang mahalaga ay mahal ko ang limang magkakaibigan at mahal din nila ako.

At para sa hustisya ng ex-girlfriend ni Guil ay papayag akong maging boyfriend
rin si Sergio.

Dahan-dahan akong tumango na nagpangiti kay Sergio.

Napakagwapo niya lalo na kapag ngumingiti at kitang-kita ang Pakistani features niya sa hubog ng kanyang buong mukha.

"It's official now: you're my girlfriend." Deklara niya at bigla akong kinabig para halikan ulit ako.

Nagpatangay ako sa bugso ng damdamin ko at hinalikan rin siya pabalik. Mahal ko si Sergio at ngayong boyfriend ko na siya katulad ni Riosh ay mamahalin ko siya ng buong puso ko.

That One ThingWhere stories live. Discover now