Chapter 8

8.1K 365 86
                                    

Alliah

"Aalis kayo ni Alliah? N-nang kayong dalawa lang?" gulat na tanong ni Iall.

Tumango si Froi. "Niyaya ko siyang mamasyal, bro at pumayag siya. Paraan ko na din 'to para makabawi sa mga nasabi ko sa kanya." at ngumiti ito.

Nakabihis na kaming dalawa at aalis na kung saan man niya ako dadalhin. Sabado ngayon at wala kaming pasok sa trabaho. Mga alas sais pa lang ng umaga ay ginising na ako ni Froi at sinabing maghanda na ako sa pamamasyal namin. Pwede namang tanghali o hapon na kami aalis pero hindi ko alam kung bakit maaga pa lang ay kailangan na naming umalis.

Totoo ba talaga ang sinabi nina Iall at Kyron na sa tuwing restday nila ay tinatanghali ng magising si Froi? Pero bakit maaga naman ang gising niya?

Tumaas ang kilay ni Kyron. "You seem so different now, Froi. Kapag wala naman tayong gig ay magdamag ka lang natutulog sa loob ng kwarto mo pero... kung talagang bumabawi ka sa mga nasabi mo noon kay Alliah then that's good to know."

"Kaibigan ko na rin si Alliah kaya walang malisya 'tong pamamasyal namin." ani Froi at inakbayan ako.

Ngumiti na lang ako at tumingin kay Riosh na kanina pa tahimik at abala sa kinakain nito. Nakakapanibago dahil hindi naman siya tahimik katulad ni Sergio.

Speaking of Sergio, ay wala siya sa apartment at umalis raw ito kagabi para pumunta sa bahay ng mga magulang niya.

"If that's the case, then look after her and don't do anything bad na ikakasira ng tiwala namin sa'yo, Froi. We care about Alliah." seryosong sabi ni Iall.

Tumawa si Froi. "Anong akala n'yo sa akin? Siraulo at gago para gawan siya ng masama? Huwag kayong mag-alala dahil ako na ang bahala kay Alliah at iuuwi ko siya ng buo." Naiinis niyang sabi at hinila na ako paalis.

Tumango ako at kumaway na lang kina Iall at Kyron hanggang sa makalabas na kami ni Froi sa apartment.

"Gano'n sila, sisirain nila ang araw ko at iisiping ang gagawin ko ay palaging hindi maganda. Tsk!" Reklamo ni Froi habang lumalabas kami sa gate.

Hindi na ako nagsalita dahil baka kapag ginawa ko iyon ay ako pa ang pagbuntunan niya ng galit. Lumipas ang ilang minuto ay bumalik na ang magandang mood ni Froi at ngumiti sa akin.

"Magjeep na lang tayo para makatipid sa pamasahe." aniya.

"Sige." sagot ko.

Naglakad kami palabas sa loob ng subdivision hanggang sa makarating kami sa highway at nag-aabang ng masasakyang jeep.

Nakapamulsa si Froi sa suot niyang itim na jacket. Nakatingin siya sa akin habang nakangiti. Naiilang ako sa ginagawa niya pero hinayaan ko na lang.

Alas otso pa lang ng umaga at kakaunti ang mga tao sa kalsada. Nang may humintong jeep papunta sa pupuntahan namin ni ay kaagad kaming sumakay sa loob. Sa dulo na kami pumwesto para madali na lang ang pagbaba namin mamaya.

"Bayad po, dalawa." sabi ni Froi at inabot ang isang daang buo sa pasaherong katabi niya.

Umiling namang lumapit at inabot ng pasahero ang bayad kay Manong driver.

"Isang daan? Wala ka bang barya dyan, hijo? Ang aga-aga tapos ito ang ibabayad mo sa akin?" sabi ni Manong driver habang nagmamaneho at nilingon kami ni Froi.

That One ThingWhere stories live. Discover now