Chapter 15

7.3K 316 72
                                    

Alliah

Dahil nabanggit ko sa magkakaibigan na pupunta kami ni Kyron sa Amusement park ay sumama na rin sila sa amin. Sina Riosh at Froi ang nagpumilit na sumama dahil wala naman raw silang gagawin ngayong Sabado.

Naikwento ko rin na may "friendly date" dapat kami ni George pero hindi na ako tumuloy dahil medyo natakot ako sa sinabi ni Kyron lalo na't hindi ko pa naman masyadong kilala iyong tao. Mas lalo yatang na-energize ang magkakaibigan sa sinabi ko. Mabuti raw na hindi kaagad ako nagtitiwala o sumasama sa taong hindi ko lubusang kilala. Exemption daw si Iall dahil bihira na lang ang mga lalakeng katulad niya na mapagkakatiwalaan at swerte ako na siya ang nakilala ko sa cafe shop.

Nandito na kami sa loob ng Amusement park. Nilibre ako ni Kyron samantalang kanya-kanya namang bayad sila Sergio, Riosh, Froi, at Iall. Pinagtitinginan kami dahil yata sa may nakakakilala sa magkakaibigan o baka weird sa paningin nila na may kasama akong limang lalake at ako lang ang nag-iisang babae. Baka iniisip nila na may Poly relationship pa ako sa lima katulad sa nabasa kong story sa Wattpad na ang title ay I only wish one but I got five.

Kakabasa ko lang ng story na iyon last week at sa una ay naweirduhan pa ako sa ganoong klaseng genre pero nang tumagal kong binasa ay nakuha ko iyong point ng story. Deserve ng female lead na si Rica iyong limang lalakeng endgame niya dahil isa siyang mabait, matapang, at malakas na babae. Ang dami niyang pinagdaanan na paghihirap at sakit sa buhay pero naging matatag siya para sa sarili niya.

"Where should we ride first?" nakangising tanong ni Riosh na nakaakbay kay Iall.

Umikot ang mga mata ni Kyron sa inis. Gusto niya kasing kaming dalawa lang ang mamasyal pero nakisama pa itong mga kaibigan niya.

"Sa rollercoaster tayo, bro." suggestion ni Froi.

Tumingin naman sa akin si Riosh. "Gusto mo bang sumakay sa rollercoaster, Alliah?" tanong niya.

Kaagad akong tumango. Bata pa ako noong makapunta sa isang Amusement park at buhay pa noon sina Mama at Papa. Simula noong namatay sila dahil sa isang road accident ay naging malungkot na ang buhay namin ng mga kuya ko. Hindi na kami nagcecelebrate ng birthday o okasyon at puro pag-aaral lang ang inatupag namin. Bumalik lang ang sigla namin noong magcollege na ang mga kuya ko at nakamove-on na sa pagkamatay ng mga magulang namin.

"Sure!" sagot ko na mas nagpangiti kay Riosh.

"Great. Let's go." Lumapit siya sa akin at hinawakan ang kamay ko.

Parang may kuryenteng dumaloy naman sa katawan ko dahil sa paghawak niya kaya kaagad akong napabitaw na nagpakunot sa noo niya. Hindi na lang siya nagsalita sa ginawa ko at nagpunta sa booth para magbayad ng ticket.

"You can all ride, and I'll just sit somewhere and wait for you to finish." biglang sinabi ni Sergio na nasa likuran ko.

Umiling si Iall. "Hindi pwede, Sergio. "We're here to have fun, so don't be a downer." aniya.

Bumuntonghininga si Sergio at hindi na nagsalita. Lumapit naman ako sa kanya.

"Ayaw mo ba sumakay sa mga rides?" tanong ko.

"Hindi naman pero... hindi lang talaga ako sanay sa mga ganito." sagot niya.

"Alam mo, sasamahan na lang kita para mag-enjoy ka dito. Payag ka?" nakangiti kong tanong.

That One ThingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon