Chapter 31

6.5K 239 54
                                    

Alliah

Pagkalabas namin ni Froi sa loob ng ospital ay hindi siya makatingin ng diretso sa akin. Tinablan siya bigla ng hiya dahil ngayong gabi ay nagkasundo kaming dalawa.

Gusto kong itanong sa kanya kung bakit nagmakaawa siya kay Sergio para sa pagmamahal ko pero umurong ang dila ko dahil nahihiya akong magtanong. Nagkahiyaan na tuloy kami.

"S-salamat nga pala sa pagdala mo sa akin sa ospital," nagulat ako nang bigla siyang magsalita habang nasa loob kami ng taxi at pauwi na sa bahay.

"W-wala 'yon, pero itatanong ko lang sana kung bakit ka nasugatan sa kamao mo at nagkaroon ng black eye?" tanong ko.

Humalukipkip si Froi at sumandal sa upuan ng taxi. Madilim sa loob ng taxi at tumatama ang repleksyon ng mga ilaw sa labas mula sa magandang kulay ng kanyang mga mata. Gwapo siya at aaminin ko ulit iyon.

"Uminit 'yong ulo ko kanina habang umiinom sa bar kaya naghamon ako ng away. Pinagtulungan ako ng apat na lalake sa gilid ng eskinita pero lahat sila ay napatumba ko." Tumawa siya na proud sa ginawa niya.

Napailing ako. "Hindi ka umattend sa show n'yo?"

"Hindi naman ako importante sa banda dahil nandyan sina Sergio at Riosh na mahal na mahal ng fans. Kaya naman nila kahit wala na ako." Umirap si Froi at nagkibit-balikat.

"Pero importante ka sa kanila, Froi. Hindi man kayo maayos ngayon ay ayaw ka nilang mawala sa That One Thing. Si Iall, nag-aalala siya sa'yo-"

"Huwag na natin silang pag-usapan dahil mas lalo mo lang sinisira ang maganda kong mood." Pagputol niya sa sinasabi ko.

Kahit kailan talaga ay arogante at mayabang siya kung magsalita. Nag-aalala ako sa kanya pero siya 'tong ayaw na may taong maging concern sa kanya.

"Edi 'wag!" mataray kong sagot at hindi na siya pinansin.

Natawa si Froi. "Alam mo bang paganda ka ng paganda? Masyado ka bang inspired sa undying love mo kay Sergio?" nang-aasar niyang sabi.

Ano 'to? Bolahan lang?

"Hindi ako inspired dahil pinatigil ko na siya sa panliligaw sa 'kin." sabi ko at bumuntonghininga na ikinagulat niya.

"B-bakit? Hindi ba't gusto mo siya? Bakit mo pinakawalan?" tanong ni Froi.

"Gusto ko si Sergio pero... hindi magiging patas sa kanya kung liligawan rin ako nina Riosh at Kyron. May pakiramdam ako na kapag ipinagpatuloy pa nila ang panliligaw sa akin ay masisira ko lang ang That One Thing." malungkot kong sabi.

Hindi ko na sinabi na may nararamdaman ako para sa dalawang lalake. Ayokong mahusgahan sa nararamdaman kong ito. Isa lang ang pwede kong mahalin pero tatlo ang idinidikta ng puso ko.

Natahimik si Froi na parang may iniisip, pagkaraan ay nagsalita siya. "Hindi ko inaasahan na kaya mong bitawan ang pagmamahal mo kay Sergio para sa banda namin, kasi kung ako ikaw ay magiging makasarili ako mapasaakin lang ang babaeng mahal ko. Wala akong pakialam kahit na makasakit o makasira ako ng ibang tao. Nakikita mo na gano'n ako, Alliah." seryoso niyang sabi.

"Kung mahal mo ang isang tao ay kaya mong magsakripisyo para sa kanya at sa kapakanan niya. Masasaktan at lalaban ka pero ang pag-ibig ay hindi napipilit dahil kusa iyong mararamdaman." mariin kong saad.

That One ThingWhere stories live. Discover now